"Go, bes! Kaya mo yan!"
That's how I used to cheer for my bestfriend whenever he plays his sport. In this way, I could show him my support and LOVE.
And yes, I do LOVE him not just as my Bestfriend, but as HIM.
I could always remember the times I slap my face just to deny my feelings for him. But it's hard to deny when you know the truth.
And it's hard to pretend when you just wanted to be HONEST.
Dear BESTFRIEND,
I have always been your sister, your companion, your partner in crime, your bestfriend, your savior, your shoulder to lean on and your lover. But not like me, I'm just a bestfriend for you, and will never be my LOVER.
Hindi ganito ang nararamdaman ko noon, yung mga yakap at mga lambing mo, wala lang sakin yun. Not until I realized that I was Inlove and have always been inlove with you. And it hurts to know that you could never give me something more than that, something more than friendship, something more than being my bestfriend.
Lagi ko pa ngang naaalala tuwing pagtinginan tayo ng mga Sophomore Students na admirer mo na tila ay nagagalit dahil nakaakbay ka sa akin at ang sweet natin.
Lagi ko rin naaalalang sabay tayong pupunta sa canteen tapos parehas tayo ng bibilhin.
Diba, tuwing Physics time lagi tayong nasasabon ng teacher kasi maingay daw tayo at pawang may sari-sariling mundo? May karugtong pa ngang "Ang Sweet nyo naman Ms. Lapuz and Mr. Dadivas. Pwede mamaya niyo na ipagpatuloy yan?"
Eh, diba magtatawanan lang tayo nun? Tapos mag si-si-sihan?
Naaalala mo ba nung sabay nating pag-usapan yung malanding nagwasak ng puso mo? Tapos sabay natin siyang titingnan at aasarin. Tapos sasabihin mong "Sa totoo lang bespren, mahal ko parin yang babaeng yan." Tapos babatukan kita kasi tanga ka.
Eh nung, tinulungan kitang bigyan siya ng chocolates nung valentine's day, naalala mo pa? Eh andun ako sa harap niyo diba?
Kinikilig pa nga ako sa inyo eh...... kunyari.
Sana bespren, lagi mong maalala na ako lang yung natatanging babaeng napagtitiisan ka kahit papalit palit ka ng mood. Kahit masungit ka minsan,. Yung babaeng ililibre ka pag nagugutom ka.
Minsan nga, nabibigla ka nalang bakit saved ka sa punishments kahit 'di ka naman gumawa ng assignment. Tapos pag tingin mo sa'kin, kikindat nalang ako.
Ako pala yung gumagawa ng assignments mo...
Eh nung pinatawag ka sa guidance kasi nambully ka daw, andun rin ako para pagtakpan ka diba? Ikaw kasi bespren eh, ang kulit mo.
Naalala mo nung umiyak ako kasi iniiwasan ako nung taong gusto ko? Niyakap mo ako tapos sinabing "Tahan na bes, andito lang ako."
Naalala ko rin nung sinabing ko huwag mo'kong iwan pero umalis ka kasi kailangan mong kausapin yung babaeng mahal mo..
Eh nung sinaktan at pinaasa ka niya, saksi ako sa ka-bitter-an mo.
Alam mo bang ang saya ko nang malaman kong, ibang lalaki na ang nilalandi niya at hindi na ikaw, atleast, mas magkakasama na tayom lagi.
Alam mo, kahit di mo nagagawa sa'kin ang ibang bagay tulad ng ginagawa ko. Masaya ako kasi ikaw yung bestfriend ko.
Biruin mo, yung lalaking pinapangarap ko, lagi lang nasa harap ko.
Pero ang masakit lang, lagi mong sinasabi sa'kin na " 'Wag kang mag alala, BESTFRIEND FOREVER kita."
Ewan ko ba, di naman ganito yung nararamdaman ko sa'yo dati eh. Yung simpleng pagsabi mo ng 'ILOVEYOU' ....... na may karugtong na 'BESPREN' , wala lang sa'kin yun. Pero ngayon, ba't ganito? Tuwing naririnig ko yung huling salita, may kumukurot sa dibdib ko.
Naalala mo nung naglalaro ka ng Volleyball? Para sa'kin ikaw ang pinakamagaling, anong panama nila sa Bespren ko!
Gusto kong isigaw sa mga oras na yun kung gaano kita kamahal. Kung gaano ako kasaya na dumating ka... Na kahit kaibigan LANG kita, na kahit masakit na pinagtutulakan mo ako sa iba, proud ako na bestfriend kita. Na walang katulad yung samahan natin.
Minsan tinanong kita,
"Maniniwala ka ba sa sinasabing nilang gusto raw kita?"
Tumawa ka lang bigla tapos inakbayan mo ako.
"Hindi. Bestfriend kita diba? Hindi naman totoo yun diba?"
Tatango nalang ako kahit ang totoo, hindi sumasang ayon ang puso ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko nung pinakilala mo sa'kin ang bagong babaeng nililigawan mo. Natameme ako sa ganda niya, anong panlaban ko? Di hamak na bestfriend lang naman ako, samantalang siya, siya ang babaeng mahal mo. Di hamak na mas maganda siya, at bonus point, sexy siya. Samantalang ako? Wala akong maipagmamalaki.
Sa tuwing nakikita kitang masaya na ibang tao ang dahilan ay parang lagi nalang nadudurog ang puso ko. Sa paglipas ng panahon, nasanay nalang akong nasasaktan. Nasanay nalang akong magkunwari. Magkunwaring, hindi kita mahal at hindi ako nasasaktan. Sanay narin ata ang mga mata ko sa laging pag-iyak. Pati ata puso ko, sanay na sanay na, NAMAMANHID NA EH.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng isang araw, masaya ka ng tumakbo papalapit sa'kin at niyakap ako
"Bespren! Kami naaaaaa! Sinagot na niya ako!"
Pinilit kong maging masaya para sa inyo, pinilit kong ngumiti.
Nagkulong ako sa banyo at doon umiyak, ganito ata talaga kung hindi ka na kailangan ng taong iniiyakan mo. Siguro nga, hanggang banyo nalang ang nararamdaman ko.
Sana bespren, wag ka niyang sasaktan tulad ng ginagawa mo sa'kin. Sana maging masaya ka.
Hindi ko alam kung ilang taon ko pang itatago 'tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magkunwari. Hindi ko alam kung handa na ba ako sa paglayo mo, at hindi ko rin alam kung may puwang parin ba ako sa puso mo.
Kasi ikaw? Napakalaki ng puwang mo sa puso ko, na kahit ilang beses mong durugin napagtyatyagaan parin.
You look very happy with her now. You look good together. You are a perfect couple, and i'm the perfect bestfriend. I know, all these sleepless nights would end. Maybe it's goodbye for now, because you don't need me yet. hmm.
Basta bespren ha, kung sinaktan ka nya, lagi lang akong andito.
At yung nararamdaman ko sayo?
BAHALA NA.
BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend.
Teen FictionMinsan ang natatanging bagay na maibibigay sa'yo ng taong mahal mo ay 'PAGKAKAIBIGAN' Ganun ata talaga? Walang FAIR sa mundo. Lahat UNFAIR. Hindi ata talaga magandang magmahal ng kaibigan na hanggang kaibigan lang. Lahat nga ng bagay nagbabago, pati...