#Fear 34-Pt.2: The Acceptance
✙ Ree's POV ✙
"Nem?" Tawag ko ulit kay Nem. Hindi ko kasi marinig nang mabuti yung sinasabi niya.
["Nan—ak—"]
"Putul-putol yung boses mo." Sabi ko.
(Ree)
Biglang namatay yung tawag.
"Tsk!" Inis kong ipinasok sa bulsa ko yung pesteng cellphone tsaka ako nagpasiyang hanapin na lang siya.
Baka nandun diya sa tambayan nina Kloud.
Naglakad ako papunta sa Seriun Plaza. Kailangan kong makausap si Nem tungkol sa Gehenna at kay Kloud.
Pesteng Kloud na yun. Hindi na nakakasama si Nemsey sa'min dahil sa kanya.
Dire-diretso akong lumiko sa Seriun Plaza at nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya nakita.
Nasan na ba kasi yun—
"REE!" Isang babae ang biglang yumakap sa'kin mula sa likuran ko.
Kumawala ako sa yakap niya at hinarap ko siya nang nakasalubong ang mga kilay.
Agad din akong kumalma nang mamukhaan ko siya.
"Celine? Anong nangyari?" Nagtataka kong tanong. Umiiyak siya.
Niyakap ulit niya'ko at harapan na talaga ngayon. Hindi na lang ako kumawala ulit.
"Naririnig ko yung kanta. Ayokong marinig yun pero ayaw niyang tumigil!" Humahagulhol niyang sumbong.
Yung kanta?
Yung Death Song?
"Wag mo na lang pansinin." Sabi ko sabay hagod sa likod niya.
"Natatakot ako, Ree..."
"Tahan na..."
"May mamamatay na naman." Pumiyok siya.
Marami na ang nadadagdag sa listahan ng mga schoolmates naming namatay.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...