Chapter 52 - REVELATION 1

6.3K 110 30
                                    

Chapter 52

[Alexis' POV]

Kasalukuyan akong nasa coffee shop ngayon at iniintay kong dumating si Marj. Kailangan ko kasi ng kasama dahil hindi ko kayang gawin mag-isa to. Kanina pa ako napaparanoid na dumadating sa point na nakakabaliw na.

Kagabi lang kasi ay dumating na si Fred galing sa Australia, nagleave sya sa trabaho nya para dito sa araw na ito. Anong araw ngayon? Ordinary day lang kung tutuusin, there's no occasion or something special.

Pero parang mas nakakakaba pa sa kahit na anong occasion itong araw na to. Ngayon kasi, sasabihin nya na ang lahat kay John. Nangako akong hindi ko sasabihin even a small detail or a hint kay John. Sinabi nya sakin noon na sya ang bahalang magsabi kaya sumunod na lang ako. Gusto ko din kasing maging honest sya sa anak nya.

Dalawang taon na, in fact malapit ng magtatlong taon, simula ng malaman ko ang tungkol doon, pero ngayon lang malalaman ito ni John. But knowing my son, I know he will understand... sana lang talaga... I really want to settle all these things... all these problems.

"Tita..." napa-angat ako ng tingin sa nagsalitang si Marj.

"Hay, thank God you're already here. Hindi mo alam kung gano na ako kinakabahan, kanina pa." mahinahong sabi ko at pinaupo ko sya sa upuan sa harap ko.

"Ah, tita... Ano po bang problema?" sabi nya at hinawakan nya ang kamay ko.

I really like this girl. She's adorable, charming and sweet. No wonder nagustuhan sya ng anak ko.

"Ngayong araw na mag-uusap si John at ang Papa nya tungkol sa problemang sinasabi kong muntik ng sumira sa family namin."

"..." hindi sya nagsalita at nakatitig lang sya sakin kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita ko.

"Pero hindi lang basta simpleng pag-uusap ang magaganap eh. Dahil kasama nila ang..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Just thinking of it makes me feel so uneasy.

"Ang ano po, tita?"

"Ang ano.... haaay..."

"..."

"Mag-uusap si John at ang Papa nya, kasama ang half-brother nya." nasabi ko din. Ngayon, mas kinakabahan ako. Tumingin ako sa relo ko at saktong 2:30 na. Nang makausap namin sa phone kagabi si Fred, sinabi nya samin ni John na magkita sila at exactly 3:00 in the afternoon.

Tama, sa phone lang namin sya nakausap dahil hindi sya dumiretso sa bahay kagabi, nagstay sya sa isang hotel dahil hindi nya pa daw ako kayang harapin hangga't hindi nya pa naaayos ang bagay na ito.

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon