Ito na ang araw na pinakihihintay nang lahat, ang araw ng concert.
Hindi ito Concert na gagawin para lang makilala ang grupo ng iba't ibang choir sa iba't-ibang lugar, kung hindi ito ay para sa parokya na pagsasamahin ang lahat ng choir sa bawat parokya.
Ako at ang mga kasama ko nuon na sina April, Mary, Maria, Clarisse at ang dalawang bata, pasado na sa alas tres ng kami ay bumyahe nuon papunta sa lugar na pagdarausan ng Concert.At duon nga ay nagkita kita kami ng iba pa naming mga kasamahan, lahat ay kaba ang nararamdaman ng mga oras na iyon at lahat ay hindi mapakali.
Okey guys be Ready magsisimula na tayo ilang minuto na lang, mag handa na kayo, isuot na ninyo yung mga costume na gagamitin niyo.
At lahat nga ay nagsipag handa na nag bihis na din sila at lahat ay madali sa kanilang ginagawang pagkilos.Makalipas ang ilang minuto.
Maghanda na, Magsisimula na tayo
BINABASA MO ANG
PARUSA
Historia CortaHinding hindi ko kailanman makakalimutan ang pangyayaring bigla na lang bumulaga sa akin, at sa karamihan. Isang bagay na kahit sa hinagap ay hindi ko ina asahang mangyari nuong araw, oras at nuong gabing iyon. Thursday 11:30 pm habang kami ay abala...