Chapter 15
Emz's Pov
"Salamat," sabi ko sa kanila .
"Ayos lang pare para sa'yo
effective nga plano ni Ray galing mo do'n ha." Nakaakbay pa talaga si George kay Ray. Natawa na lang ako kay George.Buti na lang hindi siya pinansin ni Ray."Sino pa ba magtutulungan tayo tayo lang, isa pa pinagdaanan ko rin 'yan. 'Yan kami nagkaayos ni Sarah di ba," sabi niya sa amin.
"Pasalamat ka nga tol tinulungan ka namin." Tawang-tawa pa sabi si Jhun. Sabay ampas niya sa akin. Mga loko mga 'to. Wala akong magawa kahit kailan hindi matino kausap. Kahit ganyan sila. Kapag kailangan ng isa sobra sila supportive.
"Hoy Ray, ako tumulong sa'yo," sigaw ni George kay Ray.
"Lakas ng trip mo riyan. Gago ka utos ka ng utos.
"Kahit kailan ka talaga George kontrabida." Sabay batok ni Ray sa kan'ya. Napatingin na lang kami sa kanila.
"Oh! Anong tingin 'yan ."
"Parang ikaw na lang walang love life ha." Pang-aasar ni Mike sa kan'ya.
"Gano'n ako naman napagdiskitahan niyo. Sino may sabi wala akong love life.
"Bakit may love life ka ba?" Pang-aasar ko din sa kan'ya. Akala niya siya lang ha. Ngayon ok na kami ni Edz. Ako naman kukulit sa kan'ya.
"Meron na 'yan di ba Emz," sabat ni Jhun.
"Oo naman textmate niya, pero ang problema lang hindi pa sila nagkikita? Ayaw kasi kilala raw siya." Sabay akbay ni Jhun sa kan'ya. Tawang-tawa ako itsura ni George hindi mapinta. Pikon na 'yan.Tangina kasi ang tagal na niya katext kahit kailan hindi pa niya nakakausap o nakita sa personal. Ang dami kasi baka sakali ka chat kahit ako nacucurious sa katext niya.Ang loko mukha tinamaan siya. Andyan naman si Jeniz madalas naman sila magkasama. Lagi pa nga niya inaasar si Jeniz. Ewan ko ba sa kaibigan namin. Ang torpe o sadyang maarte lang sa babae.
"Wala ka man lang idea kung sino siya," sabi ni Mike kay George.
"Meron na si Jeniz daw mike," sabi ko sa kanila. Napalapit sila sa'kin. Masama ako tiningnan nila.
"Si Jeniz." Sabay-sabay sabi niya.
"Sabay talaga," sabi ni George.
"Okey naman sa amin si Jeniz ha," sabi ko sa kan'ya.
"Gago, parang kakain ng buhay 'yon. Lagi mainit ang ulo niya sa'kin.
"Takot ka lang kay Jeniz. Pagdating sa kan'ya natotorpe ka. Tapos dinadaan mo lang sa pang aasar sa kan'ya."
"Gago ka," sabi niya sa'kin.
"Mabait naman si Edz, 'wag mo kasi inisin. Isa pa kung ako tatanungin kay Jeniz na ako. Bukod na sa kakilala maaaahan pa."
"Tangina bakit sa'kin napunta usapan. Si Emz may love life." Tinawanan namin siya. Tangina iniba ang usapan.
"Anong pag-uusap sa'kin. Ok na kami ni Edz. Nililigawan ko na siya. Tangina kasi, hindi pa ako tapos sa kasalanan mo sa'kin. Kung sinabi mo hindi aabot sa 2 taon hindi niya sakin pagpansin." Tumawa pa ang loko.
"Paano kasi siya. Ang sabi niya sa'kin 'wag ko sabihin sa'yo. Kapag sinabi ko sisirahan niya ako kay Jeniz.
"Gago palusot ka pa. Sabihin mo sinadya mo 'yon."
"Tangina ka John. Bakit ko gagawin 'yon. Tinawan lang siya ni John.
"Ano kaba siya na lang mukha mabait, maganda, matalino pa at
maaasahan pa.""Teka ngayon na ba kayo aalis." Pa- iiba ni George na usapan. Natawa na lang ako. Talaga iniiwasan niya ang topic.
"Oo eh, may work pa kasi bukas brother ni Edz."
"Oo nga pala mike." Sabay-sabay na tayo uuwi?
"Akala ko bukas pa kayo."
"Hindi puwede Emz, namiss ko girlfriend ko."
"Grabe tama mo Mike."
"Gano'n talaga George mahal ko eh. Kung may choice lang lang ako hindi ko iiwan si Cherry pero dahil kailangan ng kaibigan natin. Hindi ko naman puwede pabayaan siya sa ere. Ang pagkakaibigan nagdadamayan ."
"Ang dami sinabi." Isa lang ending inlove kayo. Tangina niyo ang dami baka sakali." Natawa ako binatukan siya ni Mike.
"Ako din sobra ko namiss si sarah." Sabay akbay si ray kay Mike.
"Kayo na may love life." Tinawanan lang namin si George. Ang isang 'to hindi ko alam sinusuportahan kami o sadyang kontrabida lang sa'min.
"Ligawan muna kasi si Jeniz." Pang aasar ko sa kan'ya.
"Ang kulit niyo rin kasi. Bahala nga kayo."
"Pikon ang gago." Tawang-tawa si Jhun napatingin ako sa kan'ya.
"Ewan ko riyan sa kaibigan mo Emz. Parang babae ugali mapili pa sa nililigawan."
"Oo nga Mike, ang arte-arte ." Lahat kami napatingin sa kan'ya. Ang loko tahimik lang siya.
"Tara na nandon na raw sundo natin. Nagtext na si Tin," sabi ni John
Okey na ba lahat gamit natin."
'Okey na okey mike," sabi ni Ray sa kan'ya.
"Anong sundo? Wala kayo sasakyan?" sabi ko sa kanila.
"Meron, do'n kasi namin pinagpark para sigurado. Baka kasi may loko-loko."
"Sige Emz, kita na lang tayo sa apartment ni Mike."
"Gago 'wag na sa akin uubusin niyo naman grocery ko. Lalo ka na John. Akin pa talaga naisipan niyo." Reklamo ni Mike. Natawa ako ganyan kasi mga kaibigan ko kung saan libre do'n sila.
"Ang layo kaya ng inuuwian ko." Sabay tawa ni John. Hindi talaga nawawalan ng rason isang 'to.
"Magtayo kaya tayo ng bussiness."
"Yon na nga naisip ko Mike. Ano kaya kung magtayo tayo nag-restaurant." Napaisip ako sa sinabi ni John.
"Sabay patok 'yan dito Mike. Tingnan mo si John ang yaman yaman na," sabi ko sa kanila.
"Bakit ako naman nadamay."
Pagbalik natin sa manila. Pag-usapan natin kung ano maganda bussiness puwede natin gawin." Lahat kami sumang-ayon sa kan-ya.
"Sige mga tol, pag-usapan natin 'yan join din ako. Hoy nakikinig ka ba George?"
"Oo naman Ray, kahit busy ako nakikinig pa rin ako.
"Tara na, saan pa mapunta usapan na 'yan." Nagyaya na si Mike sa kanila.
"Ingat kayo ha," sabi ko.
"Ang drama niyo." Sabay sabi namin ni George. Kami na lang naiwan nila George at Jhun. Pag-ibig nga naman lahat gagawin. Napatingin ako sa kanila. Sabay bigay ni George alak. Mukha tapos na 'to sa katext niya. Nag-inuman na lang kaming tatlo. Ang dami namin napag-usapan hindi pa rin nawawala kalokohan ni George habang si Jhun tawang-tawa. Nakahanap kasi katext. Mukha napikon sa kan'ya. kahit sino-sino kasi pinapatulan ang loko. Ang landi kasi isang 'to. Buti na lang lalake 'to.
"Matutulog na ako," sabi ko sa kanila." Tiningnan lang nila ako. Tangina hindi ako pinansin.Sainis ko hindi ko na lang sila pinansin. Unti-unti ko pinikit mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and Edz
RomanceCopyright @by:c_sweetlady All Right Reserved First Printing 2021 Edited by: Assisted by: Layout by: Disclaimer: This is work of fiction ,Names,characters,businesses,songs,places,event,and incidents are either products of author's imagination or us...