Chapter 2

8 0 3
                                    

Cheska's Pov

Nasa tapat ako ngayon ng isang mataas na building

"Cheska relax! Ito na yung pinakahihintay mo! Breath in breath out!" Kausap ko sa sarili ko.

Pagpasok palang sa building makikita mo na agad ang malaking Henjil incorporation nasa isip ko agad dito ako sa magandang building nato papasok araw-araw.

"Hello goodmorning. Saan po ang office ni miss jean?"

"May appointment po ba kayo sakanya mam?" Tanong sakin ng babae.

"Wala. Pero training ko dto" sagot ko.

"Ah okay mam. Congratulation po. 11th floor po ang office ni miss jean"

"Thankyou!" Dali dali akong lumapit sa elevator di pa nman ako late actually maaga pa nga para sa training ko pero excited talaga ako at para goodshot din agad hehe

*ting*

"Hello goodmorning, my name is cheska montes training ako dito and sabi hanapin ko lang daw si miss jean"

"Ah yes mam. This way po!" Inassist ako ng lalaki papunta sa office ni miss jean.

"Goodmorning mam. My name is cheska montes, ako po yung isa sa training dito."  sabi ko agad pagkapasok ko palang sa office

"Ah okay, sit down" Nakangiting sabi sakin ni miss jean.

Ilang oras din akong nagtagal sa office ni mam jean, bumaba kami sa isang floor kung nasan daw ako magttrabaho. Unang araw palang sa training nag enjoy nako dahil mababaet ang mga katrabaho ko tinuturuan nila ako ng mga dapat kong gawin hihi.

"Sige cheska mauna na kami, kitakits tomorrow!" Sabi sakin ni rhian isa sa mga nakilala ko kanina.

"Okay sige. Ingat!" At pakaway kaway pako habang paalis sila, nag enjoy ako agad sa firstday ko. Mabaet si mam jean at ang mga katrabaho ko kaya alam ko na mag eenjoy ako. Palabas nako ng building ng mapansin kong may van na nakaparada sa labas na nakabukas ang bintana kaya napansin ko ang dalawang lalaki na nakatingin sa henjil inc. napansin ko din na kinukuhaan ng litrato ang building ng isang lalaki babalik sana ako sa loob ng para sabihin sa guard yung nakita ko ng may biglang may magandang sasakyan ang pumarada sa harap ko.

"Hi cheska! Pauwi kana?" Ngiti sakin ni bryle. Isa si bryle sa nakausap ko kanina mabaet sya at gwapo tingin ko bagay sila ni marie haha.

"Hello bryle! Oo eh nag aantay lang ako ng taxi" sagot ko.

"Madalang dumaan ang taxi dto ng gantong oras, kung gusto mo hatid nalang kita sa mismong sakayan" nakangiting sabi nya sakin.

"Naku! Wag na! Nakakahiya!" totoo nman kasi tlga na nakakahiya eh lalo na't kanina lang kami nagkakilala.

"Ano kaba! Wag kana mahiya. Ikaw din aabutin ka ng syam syam kakaantay sa taxi dito sinasabi ko sayo madalang ang may dumaan dito" tumingin tingin muna ko sa paligid at nang mapansin ko na wala ngang taxi na dumadaan pumayag nadin ako sa offer ni bryle gusto ko nadin kasi umuwi para magkwento kay marie. Habang nasa byahe ay marami kaming napag kwentuhan ni bryle nalaman ko na apo pala siya ni Mr. Bernard henjil owner ng henjil incorporation nagulat pa nga ko ng una dahil bakit sya nagtatrabaho pa eh apo nman pala sya ng may ari pero sabi niya training nya na din daw yun bago sya maupo bilang president ng kumpanya kaya pala kanina ang baet sakanya ng mga tao dun at iba sya itrato.

"Thankyou sa paghatid bryle, sabi ko sayo okay nang magtaxi ako eh ikaw tuloy gagabihin nyan." Sabi ko dahil ang sinabi nyang sa sakayan ng taxi e umabot sa bahay namin

"No okay lang, nag enjoy din ako kausap ka eh." Nakangiting sabi nya

"Naku thankyou talaga bryle. Gusto mo ba muna pumasok?" aya ko.

"Hindi na. Okay lang aalis nako"

"Sure ka? Thankyou talaga ah. Ingat ka sa byahe"

"Yup. Thankyou. See you tomorrow!"

"Okay thankyou."

Inistart nya na ang sasakyan at pinaandar pumasok nako nung diko na natanaw ang sasakyan ni bryle.

"Hello! Kamusta ang firstday?" Bungad agad sakin ni marie pagkapasok ko ng bahay

"Sobrang saya mars! Ang baet mga katrabaho ko sobra!"

"Oh siya pag kwentuhan natin yan habang kumakaen."  Sabay kaming kumaen ni marie at kinwento ko sakanya lahat ng nangyari ngayong araw na to. Umakyat nako ng kwarto pagkatapos maligo, pasalampak akong nahiga sa kama ko kinuha ko ang callphone ko at dinial ang number ni mama.

"Hello ma?"

[Hello cheska anak! Kamusta kana? Imissyou anak]

"Okay lang po ako mama. Namimiss ko napo kayo ni papa kamusta kayo? Si cheche at yoyong kamusta?" Si cheche at yoyong ay ang kapatid kong magkambal.

[Okay nman sila anak. 2ndyear college na sila ngayong pasukan, si yoyong enjoy sa pagkuha ng pulis at si cheche nman masaya din sa pagtitser at maganda din ang kita ng papa mo ngayon]

Si cheche at yoyong ang kapatid kong kambal, dahil matalino ang aking kambal na kapatid nakakuha sila ng scholarship sa university sa lugar namin, syempre mana sa ate matalino Haha.

"Sige ma matutulog napo ako. Maaga ang training ko bukas, ingat po kayo lagi nyan. Tatawag po ulit ako bukas! Babye ma iloveyou"

[Ingat kadin dyan anak. Iloveyou too!] Call ended. Masaya ako at maganda ang takbo ng buhay namin ngayon sana tuloy tuloy nato, nakatingin lang ako sa kisame hanggang sa maramdaman ko ang pagbigat ng mata ko.

--

Maaga ulit akong pumasok sa trabaho. Nilapag ko ang mga gamit ko sa desk ko, ako palang mag isa dahil kalahating oras pa para sa talagang oras ng trabaho ko. Naisipan ko munang bumaba para kumaen di na kasi ako kumaen sa bahay dahil excited ako pumasok at maaga din umalis si marie kaya wala din akong kasabay kumaen. Lumabas ako ng building namin para humanap ng makakainan ng biglang may humarang na itim na van sa dadaanan ko at lumabas ang isang lalaki at hinawakan ako

"T-teka sino kayo? S-san nyo ko dadalhin? Tu--" Di ko na natuloy ang pag sigaw ko dahil tinakpan agad ng panyo ng lalaki ang ilong at bibig ko at saka ko naramdaman ang pagkahilo at biglang pagdilim ng paningin ko.

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora