Chapter 4

4 0 1
                                    

Cheska's Pov

Nagising ako sa malakas na pag bukas ng pinto nakatulog na pala ako kakaiyak.

"Oh ito! Kumaen ka muna!" Sabi sakin ng isang lalaki sabay lapag ng isang tray na may pagkaen.

"Diko kailangan ng pagkaen ang kailangan ko ang makauwi na samin" Sagot ko. Gusto ko na umuwi talaga sigurado ako nag aalala na si marie sakin, diko pa nman dala ang bag ko dahil naiwan ko sa office, andun ang cellphone ko kaya diko siya matatawagan.

"Wag kang maarte kung ayaw mo kumaen edi wag!" Sigaw sakin ng lalaki sabay labas at sara ng pinto. Naiyak nanaman ako gusto ko na talaga umuwi ayoko dito, pinagmasdan kong mabuti ang buong kwarto. Wala manlang isang gamit tanging ang sinag ng buwan ang nagsilbing ilaw na nanggagaling sa mataas na bintana muli nanaman bumagsak ang mga luha ko napayakap nalang ako sa tuhod ko.

--

Nagising ako dahil sa lakas ng sinag ng araw sobrang sakit ng katawan ko dahil nakatulog nanaman ako ng nakaupo at sobrang gutom nadin ako dahil diko kinaen yung binigay sakin na pagkaen kagabi.

"Oh gising kana pala!" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ng lalaking nagbukas ng pintuan at nagbaba sya ng tingin sa pagkaen binigay nila kagabi "Bakit di mo kinaen yan? Nagsasayang ka ng pagkaen"

"Pakiusap! Pakawalan niyo nako. Nangangako ako di ako magsusumbong mananahimik ako"

"Tumigil ka! Pasalamat ka nga di kpa pinapatay ni boss eh" sabay lapag nya ng pagkaen na hawak nya. Di ako nkapagsalita sa sinabi niya, ako papatayin nila "Kumaen kana ng kumaen dahil baka huling kaen mo na yan!" Sabay talikod niya at sinara ng malakas ang pinto.

Naiiyak ako hndi pedeng mamatay ako. Kailangan pako ng pamilya ko gusto ko pang makitang makapagtapos ang mga kapatid ko

"Meow! Meow!" Nagulat ako ng biglang may lumapit na pusa sa pagkaen ko. Napangiti ako di parin ako nag iisa, di parin hinahayaan ni god na maramdaman kong nag iisa ako pero teka, san galing ang pusa na 'to? kulob tong kwarto at walang kabutas-butas. Hindi kaya sa bintana? Pero ang taas nman ata neto para maakyat.

"Meow! Meow!" Nasagot ang tanong ko nung nakita kong tapos na pala kainin ng pusa yung pagkaen ko at naglakad siya patungo sa pinto.. Wait.. Pinto? PINTO? O_______O

*blink blink*

TAMA NGA! BUKAS ANG PINTO! Siguro nasira yung lock nung malakas na sinara nung bakulaw na yon yung pinto kanina.

Dali-dali akong tumayo at pumunta patunong pinto. Tumingin tingin muna ko sa kanan at kaliwa ko at nung nasigurado ko ng walang tao saka ko dahan-dahang lumabas.

"Put*ngina pre! Panalo na sana ko otso na eh!"

Agad akong nagtago sa isang pader ng madaanan ko yung isang kwarto na puro lalaki kaya pala wala sila sa labas kasi nandito sila sa isang kwarto mukang naglalaro pa ang mga halimaw nato di nila alam natatakasan na sila. HAHAHAHAHA

"What's funny?" O__________O

Halos malaglag ang puso ko sa gulat nang may nag salita sa likod ko. Shet! Napalakas ba ang tawa ko kaya may nakarinig sakin? Dahan dahan kong nilingon ang ulo ko dahilan para magtama ang aming mga mata. Matagal din kami nagkatitigan bago siya nagsalita.

"Bobo ng mga tauhan ko noh? Di nila alam natatakasan na sila buti nalang pala dumating ako" Sabi niya na di inaalis ang tingin sa mata ko.

So, siya ang boss? BOSS? SIYA ANG BOSS? O_____O NO! Patakbo nako pero bigla nya ko nahigit sa braso atsaka sinandal sa pader at nilapit niya ang bibig nya sa tenga ko.

"Gusto mo bang humaba pa ang buhay mo?" naramdaman ko yung mainit nyang hininga sa tenga ko, naaamoy ko din yung pabango niya dahil sobrang lapit niya sakin. Naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tinaas ito kapantay ng ulo ko "Tinatanong kita, gusto mo paba humaba ang buhay mo?" Mahinahon ang boses niya pero nakakatakot. Dahil sa takot umurong na ata ang dila ko kaya tumango nalang ako bilang sagot

"Then stay and be mine."

Hanudaw?!!!

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora