Chapter 5

5 0 1
                                    

Cheska's Pov

"Then stay and be mine."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya lumayo siya ng kaunti sakin sabay ngisi. Dun ako nagkalakas ng loob na itulak siya

"W-what? Ang sabi mo be mine? Mapapasayo ako? Ha! Baliw kba? NO! Di ako papayag!!" Sigaw ko sakanya. At dahil sa sigaw kong yun naglabasan ang mga alipores niyang halimaw

"Ano nangya--- BOSS?! BO-BOSS?" at nang mapalingon siya sakin "Teka! Bakit andito ka? Ano ginagawa mo dto!?" Sigaw nya sakin at nung akmang hahawakan nya na nga ko biglang naglabas ng baril ang boss nya sabay tutok sa noo niya "B--bo--boss!" nanginginig na sabi ng tauhan nya.

"Di nya kasalanan na maging tanga kayo kaya sya nakatakas..." At saka nya pa diniin sa noo ng tauhan nya ang baril

"Bo-boss pa-pasensya n-na! A-ako na ta-tapos sa ba-baeng yan bo-boss para ma-masigurado na natin na di na s-sya ma-kakatakas!" Nanginginig parin na sabi ng tauhan niya pero mas nanginig ata ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ano daw? tatapusin nya ang buhay ko? E kung ako na kaya mismo ang kumalabit sa baril na yan.

"At sino nagsabi na may karapatan kang tapusin ang buhay niya? She's my girl, kung may tatapos man sa buhay niya. Ako lang yun!" ANO DAW? Ang kapal naman pala neto eh.

"At sino nagsabi na pagmamay-ari moko? Kahit sino sainyo walang karapatan na patayin ako. Dahil kung meron man ang diyos at magulang ko lang yun dahil sila ang bumuhay sakin at hinding-hindi ako papatol sa isang tulad mo, di ko pinangarap magkaroon ng boyfriend na kriminal. Hindi ako mapapasayo, mamamatay muna ko bag--KYAAAAAAH!" Napapikit ako at napatakip ako sa tenga ko dahil sa dalawang sunod na pagputok ng baril

Dumilat ako at napatingin sakanya saka ko tinignan kung saan nakatutok ang baril niya. Halos nanghina ako sa nakita ko at awtomatikong napaupo ako dahil nanlalambot talaga ang mga tuhod ko. Yung pusa kanina na kumaen ng pagkaen ko binaril nya

"Tama ka nga, kung di ka lang din mapupunta sakin siguro nga dpat mamatay ka nalang tulad ng pusang yan" sabay tutok nya ng baril sa gilid ng noo ko.

"T-teka! M-maawa ka!" Mahinang at nanginginig na sabi ko. Buti nga nakapagsalita pako dahil pakiramdam ko naubos ang lahat ng lakas ko

"Di ako marunong maawa. Kung gusto ko pumatay papatay ako lalo na pag di ko nakukuha ang gusto ko" Sabi nya habang nakatingin sa baril nya na nakatutok sa gilid ng noo ko "Hawak ko ngayon ang buhay mo. Isang kalabit ko lang sa baril nato siguradong wala ng makikinabang na iba sayo" at saka diniin pa nya ang baril sa gilid ng noo ko. Napapapikit nako sa takot at naiiyak nadin ako "Kung ang dahilan para mapasakin ka ay ang mamatay ka willing akong gawin yun" at dahan-dahan pa nyang pinadulas ang dulo ng baril pababa sa leeg ko "dahil walang makikinabang sayo, dahil kahit ang pamilya mo isang pitik lang ng daliri ko kaya ko na hawakan ang buhay nila---"

"Hindi! Hindi! Wag!" Putol ko sa sasabihin nya, alam ko na ang ibigsabihin nya. Kung ako lang okay na sakin ang mamatay pero kung damay ang pamilya ko ayoko "Wag mo idamay ang pamilya ko, maawa ka. Ako nalang, ako nalang ang patayin mo!"

"Ayaw mo ba nun? Kahit sa kabilang buhay kasama mo sila?" Sabay ngisi nya. Demonyo! Oo demonyo siya. Napakasama niya.

"Wag mo idamay dito ang pamilya ko. Gusto moko diba? Sige iyo nako, wag mo lang idamay ang pamilya ko!" Sigaw ko. Galit ako sakanya, siya na ang pinakamasamang taong nakilala ko.

"Dimo pa sinasabi yan, sakin kana talaga. Subukan mo pang kumawala. Buhay mo at ng pamilya mo ang nakataya"

Tumayo siya at iniwanan ako. Bakit ganito? Pano ko napunta sa ganitong sitwasyon?! Di ako papayag. Kahit buhay ko itataya ko para sa pamilya ko, magtiis ako.

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora