Chapter 7

5 0 0
                                    

Cheska's Pov

WOW! Ayun ang unang-unang nasabi ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa unit ni blade. Malaki at maganda ang unit niya black ang white ang kulay nito, ilan kaya ang napatay niyang tao bago niya nabili lahat to? Sumalangit nawa ang kaluluha nila huhu

"Nagustuhan mo ba ang bago mong tirahan mahal ko?"

"Tirahan? Dito ako titira? Ibibigay mo sakin to? Nakuuu! siguradong magugustuhan to ni marie. Aba! Bawas din to----"

"Sino si marie? Kalive-in mo ba siya? lesbian ba sya?"

"Ano? Anong les---"

"I kill her." Diko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol niya agad to. Pero ano daw? I kill her? Her? Babae?

"Her?" Ayun lang ang tangi kong nasabi sakanya.

"Yup, marie. Kahit lesbian siya babae parin si---"

"Baliw kana ba? Anong ginagawa sayo ng kaibigan ko para patayin mo? Ang sama mo! At anong lesbian? Babae ang kaibigan ko! Babae si marie!" Sigaw ko sakanya na may kasama pang pagsuntok sa dibdib niya.

"Akala ko kalive-in mong tomboy si marie. Sorry, wag kana magalit" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na humahampas sakanya at pinalupot niya to sa bewang nya kaya para tuloy akong nakayakap sakanya at naramdaman ko ding pinatong niya ang baba nya sa ulo ko. Sapilitang yakap psh! "Sabi ko naman kasi sayo akin ka lang eh. At isa pa hindi si marie ang makakasama mo dito kundi ako mahal ko"

"Ano? Hindi ayoko!" Lalayo na sana ako sakanya pero hinila niya ulit ako palapit. Hawak parin kasi niya ang kamay ko na nakapalupot sa bewang niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo mananatili ka sa tabi ko. Alam mo ang kaya kong gawin mahal ko" At saka ko naramdaman na hinalikan niya ang ulo ko. Ayan! Dyan siya magaling ang takutin ako at ako nman si takot nagpapatakot din. Kasalanan ko ba na sobrang mahal ko ang pamilya ko at ayoko na may mangyari sakanilang masama lalo na ngayon nadagdagan ang kaalaman niya about kay marie, madadagdagan nanaman ang panakot nya sakin.

"Maligo kana mahal ko" sabi niya.

"Wala akong damit" 

"Gamitin mo muna ang damit ko"

"Ano? Ayoko noh! Di sakin kakas--"

"Pansamantala lang mag uutos ako sa mga tauhan ko na bilhan kang damit. Sa ngayon damit ko muna ang suotin mo"

"Hmm sige" Di nako nakipagtalo tutal lagkit na lagkit nadin ako sa katawan ko.

"Ako na maghahanda ng damit na susuotin mo" Pumasok kami sa kwarto niya. Pagtapos ko maligo nagbihis nako at lumabas ng kwarto. Paglabas na paglabas ko pa lang ng kwarto niya naamoy ko agad ang isang napakasarap na amoy na nanggagaling sa kitchen biglang nagwala mga alaga ko sa tyan siguro dahil nadin sa sobrang gutom ko dahil ilang days nadin ako di kumakaen puro tubig lang. Inakit talaga ako ng amoy neto kaya diko namalayan na nasa tapat na pala ako ng kitchen with matching pikit pa dinama-dama ko talaga yung amoy.

"Mas masarap siguro kung titikman mo ang luto ko at di lang aamuyin mahal ko"

"Ay ulam!" Napadilat ako dahil sa gulat ng bigla syang magsalita. Pero mas nagulat ata ako sa nakita isang taong ulam, naka-boxer short lang kasi si blade parang gusto ko tuloy kumanta ng KATAWAN KATAWAN KATAWAN OOOOOOOH! KATAWAN.

"Diko alam kung naglalaway kaba sa pagkaen o sa katawan ko mahal ko" Nagbalik ako sa katinuan dahil sa kayabangang sinabi ng demonyong to.

"HA! In your face!" Sabay cross arms ko at upo sa round table na may nakahandang kanin at dalawang plato, kutsara at tinidor.

"Gusto mo naba kumaen mahal ko? Nagugutom kana ba? Luto na ang niluto ko" Tanong nya.

"Ayoko. Busog pako" Kahit sa totoo lang nagwawala na mga alaga ko sa tyan

"Sabi sakin ng mga tauhan ko di mo daw kinakaen mga dinadala nilang pagkaen sayo" Sabay tayo niya at sandok dun sa niluluto niya kanina "Kaya pano mo sasabihin sakin na busog ka?" At sabay lapag nito ng ulam sa mesa.

"Ayoko kainin yan. Mamaya may lason pala yan mamatay pako"

"Wag ka mag alala. Di ko ginagamit ang pagkaen para pumatay ng tao mas gusto ko makita na naliligo sila sa sarili nilang dugo kaya kumaen kana dyan dahil pag nagmatigas kapa baka sa gutom ka mamatay"

Kung sabagay tama siya baka nga mamatay ako sa gutom dahil gutom na talaga ko at isa pa kailangan ko magpalakas para nadin maging matatag ako sa mga dadating na pagsubok. Sumandok ako ng kanin at ulam at kumaen at masasabi ko lang na masarap nga ang luto ni blade.

"Ang ganda mo talaga mahal ko" Napaubo ako dahil sa biglang pagsasalita ni blade.

"Wait lang" sabay tyo niya at kuha ng tubig sa ref paglapag na paglapag palang nya ng tubig ininom ko na agad yun "Okay kana?" Tanong nya.

"Oo, thankyou" Sabay tingin ko sa plato nya "Ikaw bat di mo pa ginagalaw yang pagkaen mo? Di kapa ba gutom?" Sabi ko dahil pansin kong di pa nagagalaw yung pagkaen nya

"Gutom na"

"Gutom kana pala e bakit di kapa kumaen?"

"Mas gusto ko kasi ang titigan ka. Ang sarap mo tignan habang kinakaen mo ang luto ko parang sarap na sarap ka"

"Masarap naman kasi talaga. San ka nga pala natutong magluto?"

"Sa mother ko. Twing nagluluto kasi sya dati lagi ako nasa tabi nya at nanunuod"

"Talaga? E asan na sya ngayon?"

"She past away when i was 15years old"

"Sorry"

"Okay lang, wala ka naman kasalanan sa pagkawala nya. Sila, sila dapat ang humingi ng tawad sakin"

"Sila? Sinong sila?"

"Ang mga henjil" at nakita ko ang pagkuyom ng kamao niya

"Henjil? Ano naman kasalanan sayo ng mga henjil"

Ngumiti lang siya sakin

"Nang dahil saka----" Di niya na natuloy ang sasabihin nya dahil biglan nag ring ang phone niya.

"Okay naba?... Sige!... Siguraduhin niyong sakto lahat" Ayun lang sabay patay niya ng phone.

"Aalis lang ako saglit, dito kalang" Sabay labas nya ng kitchen at punta sa kwarto magbibihis ata.

Pagkatapos ko ligpitin ang pinagkainan ko saktong paglabas ko ng kitchen palabas naman siya ng kwarto.

"Dito kalang saglit lang ako, siguraduhin mo na pag uwi ko may aabutan pako" sabay lakad nya palabas ng pinto. Sa totoo lang pede akong tumakas habang wala siya pero alam kong diko pede gawin yun dahil maraming mapapahamak sa gagawin ko.

Right Man In A Wrong BodyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora