Dara

100 2 1
                                    

Dara's POV

"Lola! Lola! Look! I created fire this time!" Masayang sigaw ng batang walong taong gulang pa lamang.

"Ang galing talaga ng apo ko. Pa-kiss nga si lola baby" masayang saad naman ng matanda. Lumapit naman ang bata ng naka-pout.

"Apo, what's with that face?" Natatawang sabi ng matanda, alam na siguro ang rason kung bakit biglang nagbago ang expression ng mukha ng bata.

"Lola, how many times would I tell you that I'm not a baby anymore" nakabusangot na sabi ng bata. Mas natawa pa ang matanda dahil sa inasta nito.

"Want to see the light trick, Dara?" Pag iiba ng matanda sa usapan na agad namang sinakyan ng bata, at masaya na itong nagtatango tango. "Can I lola? Can I?" Makulit pang tanong nito.

Imbes na sagutin ang bata, ikinumpas ng matanda ang kamay, at mas lalong namangha ang bata sa kanyang nakikita. May lumabas kasing lumen sa kamay ng matanda. Mas natuwa pa ang bata ng mahawakan niya ito at nilaro laro. Nagulat naman ang matanda, hindi niya kasi inaasahan na mahahawakan ng bata ang ilaw na iyon. Ngunit hindi niya ito pinahalata bagkus, tinago niya ito sa isang ngiti na masayang sinuklian naman ng bata. At patuloy parin sa paglalaro.

"Apo, matulog ka na, may lakad pa tayo bukas diba?" Masayng tugon ng matanda na agad namang sinunod ng bata.

"Naaalala niyo pa po ba yun lola? Nung araw na nakahawak ako ng kapangyarihan niyo? At nagamit ko ang apoy? Sayang lola, wala na kayo para i-congratulate ako." Mangiyak-ngiyak kong sabi "Alam mo kasi lola, alam ko na kung paano gamittin ang apoy ng maayos, at nakakagawa pa po ako ng mga sandata gamit iyon." Kwento ko sa harap ng lapida ni lola. Oo, ako yung batang walong taong gulang.

Dara Akashi is the name, 15 years old.

Tatlong taon, tatlong taon akong nagpalakas para kay lola, gusto ko siyang ipaghiganti sa mga taong pumatay sa kanya. Tatlong taon rin akong nagtago sa kabihasnan, dahil sa pagkaka-alam ko, pinapatay ng mga charmers ang mga kapwa charmers na kaya nilang mapatay. The more charmers they could kill, the more fame they would possess.

Kaya habang naghahanda ako para sa pagpasok kong muli sa paaralan ay nag eensayo rin naman ako ng patago. Nung buhay pa si lola, siya lang naman ang nagte train sa akin kung paano ko gagamitin ang kapangyarihan na nasa akin.

Ngunit ng namatay si lola-- mali, nung pinatay si lola, ay ako na lang ang mag isang tumataguyud sa kinabukasan ko, hindi ko naman alam kung sino talaga ang mga magulang ko. Ang sabi ni lola, nakita daw niya ako sa isa sa mga puno na nasa Nightwoods, na naka silid sa isang basket at umiiyak ng mga panahon na iyon, walang magawa kundi umatungal.

Wala naman dawng bumalik o nagpakita man lang na kahit sino upang balikan ako kaya napagpasyahan ni lola na kupkupin na lang ako tutal naman daw mag isa na lang siya sa buhay.

"Alam mo ba lola, may nakakausap ako paminsan minsan, siya nga po ang nagtuturo sakin kung paano gamitin ang charm ko, he's quite strong lola, kahit may katandaan na. Just like you lang po." Patuloy pa rin ako sa pag iyak habang nagkwekwento.

Matagal-tagal rin kasi akong hindi naka punta sa puntod ni lola, dahil nga sa tight ang nagiging schedule ko. Pinagsasabay ko kasi ang pagtratrabaho at pag eensayo. At madadagdagan pa ng pagsasabay ko sa pag-aaral.

"Lola, cge na po ha, kailangan ko na pong umalis. Marami pa po akong gagawin. Lola, matatagalan pa po bago ako makakabalik dito. Hintayin niyo po ako lola ha? Papasok na po ako sa susunod na araw sa Academya ng Enchantia. Kaya matagal tagal pa po akong makakabisita sa inyo." Sabi ko habang pinupunasan ang luhang ayaw magpaawat sa pag agos.

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko. Bago pa man ako umalis ay sinilayan kong muli ang lapida ni lola. 'Sana po maging maayos na kayo diyan' bulong ko sa hangin. Pinunasan ko ulit ang luhang pumatak sa isa kong mata bago pumihit paalis.

Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ko dito. 'Lola, sana po ay gabayan niyo ko at patnubayan sa bawat galaw at desisyon na gagawin ko.'

****************
A/N:

Maikli ba? hehe, ganyan talaga, pinakilala ko lang naman si Dara sa inyo eh, at ang kanyang masaklap na nakaraan.

Lovelots,
-Mash :*

Elemental Gangster HeirssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon