CHAPTER 35
March 8, 2013
Napaaga ng gising si Yasmine hindi dahil sa alarm kundi sa kirot ng kanyang ngipin. Kagaya ang sakit kapag may butas na ang bagang, at tutusukin at kakalikutin ito ng karayom na pinabaga sa apoy at papatakan pa ng kalamansing may sili. Ang mahirap kapag masakit ang ngipin ay pati ang ulo ay nakikisali rin.
Ngayon pa naman sana ang huling araw ng kanyang pagtuturo dahil sa susunod na linggo ay finals na nila. Ayaw sana n'yang uminom ng gamot ang kaso talagang hindi n'ya kaya ang sakit. Kaya naghalungkay s'ya sa bag at maswerte s'yang nakakuha pa ng isang liquid gell na Advil. Kumuha s'ya ng tubig sa baba at naabutan ang Lola na nagluluto ng kanilang almusal.
"Good morning apo." Pagbati ng Lola ng hindi tumitingin.
"Mohwing." Bati ni Yasmine habang sapo ang kanyang kanang pisngi. Binuksan ang gamot at agad ininom.
Hindi naintindihan ng Lola ang sinabi ni Yasmine kaya lumingon ito at nakitang nakasalong-pisngi ito sa mesa.
"Anong nangyari sayo apo? Masakit ba ngipin mo?"
Tumango lang Yasmine.
"Magmumog ka ng maligamgam na tubig na may asin." Umiling lang ito.
"Wag ka nang pumasok kung hindi mo pa kaya." Umiling ulit ito. Bumalik sa pagluluto ang Lola. "Akyat ka na muna kaya sa taas. Baba ka na lang kung pwede ka ng kumain."
"Aahh.." sigaw nito habang pumapanhik ng hagdan. Nakasalubong ang Lolo.
"Morning apo."
"Mohwing Loh,"
Nang makapasok sa kwarto, padapa s'yang humiga sa kama. At habang naghihintay na umepekto ang gamot, tumunog ang kanyang text message tone. Pinilit abutin ang cellphone nang nakadapa. Si Miko. Ito lang ang unang pagkakataon na hindi n'ya kailangan mainis dahil lalo lang sasakit ang ngipin n'ya. Nais sana nitong sunduin s'ya papuntang eskwela. Sinagot n'ya.
"Wag na Miko at bka mlate ako. Masakit ngipin ko." Saka n'ya naalala o hindi n'ya maalala na first time n'yang nag-reply ng text dito. Shit, at naramdaman n'yang parang umiinit ang kanyang pisngi at sandaling nakalimutan ang sakit.
Tama ang hinala n'ya.
"Oki. And tnx for ur reply.. first ever :) ;)"
"Shit! Bwiset kasing bagang 'to," at lalo lang s'yang nag-blush.
*****
"You know what class, there are so many different versions of Cupid. During the English Renaissance, Christopher Marlone, I.. I mean Marlowe, wrote of Ten Thousand Cupids. Different literatures, Greek, Latin, English, Classical, they have their own version of Cupid. Some say that Cupid is the son of... of V-Venus.." Napahinto sa s'ya sa pagtuturo ng biglang lumitaw ang kanyang inaasahan na darating. Magkasalubong ang mga kilay at bahagyang nakabuka ang bibig sa pagkabigla.
"Why are you here.. Mr. Santos? Why are you teaching my class? Who told you.." Hindi na n'ya tinapos at tumingin s'ya kay Janice, ang kanyang class President. "Janice, diba sabi ko male-late lang ako. Diba yun ang text ko sayo?"
"Y-yes, Mam. At nagreply po ako sayo na.. okay. At sinabi ko rin nga na.. na may nag-substitute sayo. S'ya nga po si.. Mr. Santos." medyo takot na sagot ni Janice. Habang nakatayo lang si Miko na sumisimple ng ngiti. Habang ang kanyang klase ay parang nanonod ng ping-pong. Titingin kay Miko, titingin kay Yasmine.
"G-ganun ba? Sorry, di ko pa kasi nababasa yung text mo." At humarap naman s'ya kay Miko. "Ehem.. so Mr. Santos, ano pala ang tinuturo mo sa klase ko?"
BINABASA MO ANG
Alt Key: The Devil's Code (Completed)
Misterio / SuspensoScifi/Paranormal A dark mystery yet to be unfolded. An incident that abruptly altered the life of a simple girl. The catalyst of the Devil to accomplish centuries old plan, exploiting ancient and modern inventions. But the...