Nakatulala lang akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko habang hinahayaan ang mga luhang bumabagsak papunta sa unan ko, inaalala ko ang lahat ng nangyari kung bakit nahantong ako sa ganito
Isang linggo, isang linggo akong parang naging hangin kay kumag, madalas na din ay hindi kami nagsasabay sa pagkain, lagi ko din silang nakikitang magkasama nung babaeng haliparot, at madalas na din akong nakakarinig ng mga tsismis na lumalabas pa daw sila ni kumag, hindi ko nga alam kung normal pa ba itong nararamdaman ko pero parang pinipiga ang puso ko, pakiramdam ko nga minsan ay hindi na ako makahinga lalo na kapag naaalala ko yung nangyari kanina
-Flash Back-
"Ken I like you" napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa narinig ko nandito ako sa locker area, at alam kong boses yun nung babaeng haliparot, napahigpit naman ang hawak ko sa strap ng bag ko
isang linggo na rin siyang dikit ng dikit kay Kumag kala mo naman na glue silang dalawa kaya todo dikit siya kay Kumag, ang sarap guntingin para lang maghiwalay sila
Tapos nung sumilip ako dahil sa kuryusidad ay nakita kong kinabig nung babaeng haliparot yung leeg ni Ken, napaiwas naman ako ng tingin dahil alam ko na ang susunod na mangyayari
Mariin akong pumikit at pinakiramdaman ang sarili. Galit, pagkasuklam, pandidiri, at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon
Iniwan ko na lang sila, nakakahiya naman baka masira ko pa moment nilang dalawa makaabala pa ako,tss. ayoko na sa lugar na ito nagkalat na ang virus! peste!
End of flashback
At ngayon, buo na ang desisyon ko pupunta ako sa states, at siguro ito na ang tamang desisyon ko, sabi nga nila ,kung mahal mo ,palayain mo. pupunta rin ako doon para maka limot na rin, Kesa naman patuloy parin ako sa pagsasaksi sa nakakakilig na eksena nila, nakakabakla talaga!
The End!
Heto ako nagsusulat ng liham para sa mga tropa at para sa kanya, bukas na kasi ang flight ko papuntang USA at ayoko silang makita bago ako pumunta ng isang bansa dahil baka di na ako makatuloy pa.ipapabigay ko na lang iyung sulat kay mamang driver kapag pupunta siya ng school
Jane's POV
Agad agad akong nagtatatakbo papuntang sasakyan ni Zoe dahil may isusumbong ako sa kanya, yung bwisit na Trisha kasi na yun ipinaglandakan na sila na daw ni Ken agad ko namang binuksan yung pinto ng kotse niya at nagulat ng hindi si Zoe ang nasa loob kundi ang personal driver niya
wala si Zoe? Tatanungin ko na sana si mamang driver kung bakit wala si Zoe nang bigla siyang may inabot sa aking letter at biglang sabing
"ipinapamigay po ni sir ay este ma'am Zoe" nagtataka ko namang pinagmasdan yung dalawang letter na nasa kamay ko,nangyari dun? Nagulat na lang ako ng biglang umalis si mamang driver , kaya hinanap ko na ang mga tropa ko napansin ko rin na dalawa tong letter, this is really not her
Nang nahanap ko na sila agad ko naman pinakita sa kanila yung letter at agad naming binuksan at binasa
Para sa mga baliw kong tropa,
Im leaving, see you when I see you.
Sincerely yours,
Gwapong ZoeWow ha? May paletter letter pa siyang nalalaman? Hindi ata uso sa kanya ang messenger o kaya text text? Ibinigay ko naman kay Ken yung isa pang sulat para sakanya kasi ata yun eh!
Binasa niya ito ng malakas yung kaya naming marinig
"Hoy kumag,
Let's break up"
"Yun lang?" Nagtatakang tanong ko, nakadrugs ba si Zoe? Seriously?
Anong pinagiisip ng babaeng yun? Nahihibang na ba yun? Break up? Geez! Napatingin naman ako sa hitad na nakakapit kay Ken at sinamaan ito ng tingin, tumingin naman ito sa akin kaya tinanggal ko yung masamang tingin ko, nginitian naman niya ako ng matamis
Pinagmasdan ko naman ang reaction ni Ken na kasalukuyang nakatulala at nagsisimulang mamula ang mga mata, batid kong naiiyak ito sa nabasa pero hindi lamang nito ipinapakita, nanatili siyang nakatulala doon na parang estatwa
"Hi Jane!"-nakangiting sabi nung bruha, vooosh! Ingudngud kita sa putik eh! Ang sarap tadyakan ng pagmumukha mo! Bwisit!
"Bago mo ako kausapin tanungin mo nga muna yang sarili mo kung CLOSE TAYO?" diniinan ko talaga yun noh?but it's true! Hinawaan na nga ata ako ni Zoe sa pambabara skills niya eh!
Waaah!miss ko na agad si Zoe!
lumayo ako sa kanila pero bago ako makalayo umirap muna ako kay Trisha! It's all your fault missy! Magsisisi ka dahil sa panlalandi mo
Tinawagan ko si Zoe ang kaso out of coverage daw! Ano ba yan! Ang daya naman nun! Hindi manlang magpaalam ng personal!amp! Tampo na ako sa kanya
Kelan kaya ulit namin makikita si. . .ZOE?
-End of Chapter-