Fate

22 2 0
                                    

[CHOI JI WOO]

Ilang linggo ang lumipas. Di na ako umasang babalik pa sya.

"Ji Woo, okay ka na ba?" Hinawakan ni Ate Yuri ang kamay ko. Break namin ngayon at nandito ngayon si Jeong Han.

"Oo naman, Ate Yuri." Sagot ko. "Nakakapagod din pala yung umaasa pa akong babalik pa sya."

"Nakakainis naman yang lalaking yan! Wala syang karapatang saktan ka!" Napalakas yung boses ni Ate Yuri kaya naman, nagpuntahan samin yung iba naming mga kasama.

"Sinaktan ka nya?!" Si Seung Cheol naman ngayon ang lumapit sakin habang si Ate Yuri naman ay napahilot sa ulo niya.

"Oo eh." Ngumiti ako ng mapait. "Pero ganun naman talaga di ba? Lahat ng bagay may katapusan."

"So, single ka na ulit?" Tanong ni Seok Min.

"Oo." Malungkot na sabi ko.

"Wag ka ng malungkot! Okay nga yun eh! Atleast, malaya ka na ulit!" Sabi ni Won Woo.

"Oo nga naman!" Pagsang-ayon ni Seok Min.

Sumingit si Seung Cheol. "So, pwede na ba akong manli—"

"Ops! Kalimutan mo na yang iniisip mo." Sabi ko sa kanya. "Eenjoyin ko muna ang buhay. Next time na lang siguro kung mafall na ako sayo."

Nagpout naman si Seung Cheol.

"Paano ka naman nakamove on?" Tanong ni Jeong Han sakin.

"May tumulong sakin." Sagot ko.

"Sino?" Sabay sabay nilang tanong.

"Yung kaibigan ko, si Taehyung."

"Kaibigan nga lang ba?" Makahulugang tanong ni Ate Yuri.

"Oo naman, Ate. Ano ka ba?" Natawa ako tsaka napailing na din.

"Oo nga pala!" Bulalas ko. "Sama kayo sa Outing namin?"

Napaisip naman sila.

"Sino ba yung mga kasama?" Tanong ni Ate Yuri.

"Ako, yung mga Kuya ko kasama ng mga girlfriend nila atsaka si Taehyung." Excited na ako sa susunod na araw!

"Sama ako!" Tinaas ni Seung Cheol yung kamay niya.

"Ako din!" Sigaw din ni Seok Min at Won Woo.

"Sige, sasama na ako!" Anunsyo ni Ate Yuri.

"Ako din! Ako din!" Sigaw ni Bora.

"Okay, okay. Lahat tayo dito sasama? Eh ikaw, Jeong Han?" Tanong ko kay Jeong Han na ngayon ay nag-aabang din.

"Welcome ba ako?" Tanong niya.

"Pffffft. Oo naman! Sama ka na! Please?!" Pamimilit ko.

Tumawa siya. "Sige sige."

"Yes!" Nagclench fists ako. Nagtawanan kaming lahat. Nagdaldalan pa kami hanggang sa matapos ang break at nagsibalikan na nga kami sa trabaho.

                                 * * *
[DROPDEADGORGEOUSBITCH]

"Nandito na ba lahat?!"

"Nandito na!"

Isang double cub pick up van ang sasakyang ginamit nila. Si Namjoon ang nagdadrive habang katabi niya si Jehee. Si Jimin at Eun Bin naman sa likod nina Namjoon.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon