Save Me, I'm Drowning

12 2 1
                                    

"Alam mo kasi, pare, wala kang pag-asa kay Ji Woo. Peksman. Kasi pag ako gumawa ng move sa kanya, nako!" Napairap si Taehyung sa sinabi ni Seung Cheol kay Jeong Han.

"Wag kang magpakasigurado. Alalahanin mo, marami tayong naghahangad na mapansin niya." Sabi ni Jeong Han sabay ngisi. "Pero pag napunta siya sakin, di ko na sya papakawalan. Di ko sya papaiyakin. Pangako yan."

"Tsk. Tingnan natin. Ako yata ang mas nakakakilala kay Ji Woo."

Anong ikaw? Ako kaya. Napailing si Taehyung sabay tingin sa malayo. Kung nasaan masayang naliligo si Ji Woo. Nasa may cottage kasi sila ngayon habang naliligo sa dagat si Ji Woo. Ang saya-saya nya at gusto kong ganyan na lang sya palagi.

Napangiti si Taehyung.

"Oh, ikaw, Taehyung. May balak ka din ba kay Ji Woo?" Tanong ni Seung Cheol kaya napatitig naman si Taehyung sa kanya.

"Baka dumagdag ka pa samin ha?" Natatawang sabi ni Jeong Han sabay kain ng french fries na ipinabili niya kanina.

Ngumiti na lang si Taehyung at di pinansin ang sinabi ng dalawa.

"Oh, kayong tatlo. Tulungan nyo nga akong mag-ihaw ng barbecue." Sabi ni Yuri sabay lapag ng tupper ware na may mga tinuhog na karne. Tumayo si Seung Cheol para ihanda ang ihawan at kinuha naman ni Jeong Han ang tupper ware para tingnan ang mga karne.

"Ji Woo!" Malakas na sigaw ni Hyun Sun ng makita nyang wala na ang malaking bato sa may dalampasigan. Kinabahan si Hyun Sun. Nag-aalisan na ang mga taong naliligo. Napatingin sya sa mga taong nagsisiahon na samantalang si Ji Woo, walang kaalam-alam na tumataas na ang tubig.

Naghahigh tide na.

"Ji Woo! Umahon ka na!" Nagpapanic na si Yuri at Bora. Nag-aalalang lumapit si Seung Cheol, Jeong Han at Taehyung.

"Asan na si Ji Woo?!" Kakadating lang nina Yoongi, Namjoon, Jimin, Seok Min, at Won Woo galing sauna.

"Ji Woo!!" Natataranta na din si Jehee at Eun Bin galing sa hydrolic pool.

Napatingin si Ji Woo sa mga kasama niya sa may dalampasigan. Sumisigaw pero hindi naman niya madinig ang mga sinasabi nito.

Kanina, nakatayo sya sa may buhanginan sa ilalim pero ngayon, kahit tumingkayad pa sya, hindi na niya abot ang ilalim. Tsaka niya lang naalala. Hindi pwede.

Nagpanic sya. Lumubog na sya dahil hindi sya makahinga ng maayos at isa pa nagiistruggle na din sya. Unti-unting nagdidilim ang paligid.

"Shit, Ji Woo. Please." Naiiyak na bulong ni Namjoon habang walang maisip na gawin kundi panooring malunod ang kapatid niya.

"Shit! Iligtas nyo sya! Iligtas nyo si Ji Woo!" Umiiyak na si Yuri habang sumisigaw. Napako naman sa kinatatayuan si Jeong Han. Ganun din si Seung Cheol na parang nakakita sya ng multo.

Wala na. Nagpanic na silang lahat. Pero may napansin sila. May dumating. Tatakbo na sana si Taehyung pero naunahan sya. Naunahan na naman sya.

Lumangoy na ang isang lalaki papunta kay Ji Woo na ngayon ay wala na sa paningin niya. Sumisid sya dahilan para makitang unti-unting lumulubog si Ji Woo. Ang payapa ng mukha niya.

Hindi pwede. Hinablot niya si Ji Woo atsaka sya lumangoy pabalik sa dalampasigan.

"Teka, si—" natigilan si Taehyung sa nakita niya.

"Ji Woo!" Napuno ng pag-asa ang mukha ng lahat. Maliban kay Taehyung.

Sya yun.

Tumakbo si Seung Cheol papunta kay Ji Woo at tinulungan niya yung lalaking nagligtas dito. Inihiga ng lalaki si Ji Woo atsaka sinimulan niyang ipump ang chest nito. Hindi masyadong malakas, hindi din ganun kahina.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon