Tila isang ginto ang nabuo,
sa isang islang paraiso,
lukso ba ng dugo?
O eto na ba ang simula ng pagtibok ng puso?
Noon din ang dalawang tao ay nagpakilala sa isa't-isa,
kaunting pag-uusap nila'y nagdulot ng saya,
'di naglaon sila'y naging magkaibigan,
magkasamang naglalaro kahit saan.
Sa bawat araw na dumadaan,
lalong tumatamis ang tawanan,
sinusulit ang pagkamusmos,
balang araw, pag-ibig na ang tutubos.
Sabay silang naliligo sa batis,
nag-uunahang makasungkit sa puno ng bayabas,
kung minsan ay nag-aaway pero mabilis ding magbabati,
ang ganitong eksena'y ilang taon na pala ang nakalipas.
Naging dalaga't binata na,
marunong nang mahiya sa isa't-isa,
nawala na ang pagkatoto,
mukhang tinadhana nga ang pagtatagpo.
Ibang saya ang laging nadarama,
ang dating inosenteng pagsasama,
ngayon ay nilalagyan na ng kahulugan,
higit ka na ba ngayon sa kaibigan?
BINABASA MO ANG
Nakabaong Luha [Tula] (slow update)
PoetryChildhood friend. Naisip mo na bang baka matagal na pala siyang may gusto sa iyo? Papaano kung tanggihan ka ng kaibigan mo dahil kaibigan lang talaga ang turing niya sa iyo? Matatanggap mo kaya?