First love story

24 0 0
                                    

ONE SHOT

Dati may ngsabi sakin na madami pa akong dapat malaman, sa edad kong labing anim, ang sbi ko sa kanya" hindi ah, alam ko na yun. Madami na'kong alam pagdating sa love "

 Dumating ang araw na nainlove ako. Oo aaminin ko nainlove ako. Sa labing anim kong taon na nabubuhay sa mundo, ngayon ko lang to naramdaman. 

 Akala ko, ok na. Na kapag nag confess ako sa kanya, Matatanggap niya agad at magiging kami.

 Pero mali pala.

 Naging kampante ako.

 Akala ko tama at sapat na ang alam ko pagdating sa lintik na love na yan.

 Di pala. Mali ako.

 Hanggang isang araw, nagsabi siya na layuan ko siya.

Unang beses kong umiyak dahil sa nawalan ako ng minamahal.

 Sobrang sakit.

 Nawalan na'ko ng gana sa lahat.

 Pero ni minsan di'ko sinisi ang Diyos. Dahil alam ko nmang may dahilan ang lahat. At mas mahal ko ang Diyos higit kanino man.

 Lumipas ang mga buwan.

 Merong mga nagpparamdam sakin, pero di'ko pinapansin. 

Dahil siya pa din. Siya pa din ang gusto ko.

 Nagtry ako na makipag flirt. Kasi marami akong nababasa at napapanood na ganun ang ginagawa. Yung tipong tatakbuhan ang problema.

Ginawa ko yun.

Pero.

Niloko ko lang ang sarili ko. Akala ko mawawala, pero sa tuwing nakikita ko ang itsura niya , naaalala ko ang lahat.

 Lahat ng mga pangyayari kung bakit na ang isang katulad ko na masungit, hindi nagseseryoso at pasaway ay nahulog sa kanya.

 Sa pangyayaring yun, alam ko na may naging kaparehas ako ng storya.

O may higit pang mas malungkot.

Pero hindi ko naman ginawa at ibinahagi ang istorya ko para makipag kompetensiya.

Kasi gusto ko, bago ako gumawa ng istorya, dapat napagdaanan ko na. Mas magandang idaan sa pagsusulat ang mga naranasan na masakit. Kasi dito, pwede mo lahat sabihin. Lahat lahat.

Ahmm. Dito sa istorya ko ang masasabi ko lang, nabulag at nabiktima ako. Isa ako sa inatake ng love.

 Naniniwala ako na hindi pa tapos at huli ang lahat. Napakarami pang isda sa paligid na pwede mong maging kasama sa pang habang buhay. Siguro ang kailangan mo lang gawin ay ang siguraduhin sa sarili mo na ito na. Na itong napili ko ay ako din ang pinili. Na pang habangbuhay na to. Na ang Diyos ang nagtadhana sa inyong dalawa. Na sa kahit anong pagsubok ay malalagpasan niyo ng magkasama. Kasi sa panahon ngayon, andaming sumusuko. Ang daming bumibigay agad.

 Basta ang alam ko lang isang araw may magmamahal din sakin. Yung tipong hindi ko na kailangang isa isahin ang bawat kaliskis at laman loob ng isda para masigurado ko na siya na yun. Dahil ang Diyos na ang gagawa nun para sakin.

 Ang dapat ko lang gawin ngayon...

Ay ang maghintay.

 Dahil sa paghihintay kong ito, alam ko na may dadating.

 Kaya sa mga katulad ko na nabiktima.

Pleaase po. Maging wise na tayo. Hindi sa nagmamarunong ako, pero sana magising na tayo sa katotohanan na dapat ang love di yan minamadali. Dapat inaantay yan. Kasi kusang dadating yan. At ang tawag dun ay True Love.

One of the priest said:

 "Don't find for true happiness, because true happiness just happens"

Keep Safe and God bless everyone :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon