*
Twinkle's.
ISANG buwan na kami sa Anderson College University. Marami na din ang nangyari. Sobrang saya namin dito. Hindi katulad last year. Kaming pito lang ang magkakasama, pero ngayon, madami na kaming kaibigan pero hindi namin sila kasama sa grupo. Bati dito, bati doon. Yun lang.
Nandito ako sa labas ng room. Hindi kasi pumasok si Shine ngayon kaya wala akong kasama. Hindi ko alam kung bakit hindi na naman pumasok ang loka-lokang yun. Lagi na lang akong iniwan. Hindi man lang nagtetext.
"Twinkle!"
Kaagad na napalingon ako. Napangiti ako nang makita ko yung tatlong siraulo. Si Zach, Blake at si Harold. Naglakad sila palapit sa akin. Nananatili lamang akong nakaupo.
"Hi," nakangiting bati ko sa kanila. Akala ko kasama nila si Red. Nasaan na naman kaya ang manyak na yun?
"Nasaan ang kaibigan mo? Hindi mo yata kasama?" Tanong ni Zach.
Napakunot-noo ako nang mapansin kong parang natigilan si Harold. Uh? Bakit kaya? "Hindi kasi siya pumasok, eh. Hindi ko din alam kung bakit."
Tumango si Zach. "Ahh, kaya pala."
"Anyway, n-nakita niyo ba si R-red?"
"Ahh, si Red? Oo, nakita namin sa Gym. Kasama yung kaklase niya. Shit. Ang ganda nung babaeng ----" Biglang tinakpan ni Blake ang bibig ni Zach.
"Kasama ni Red yung partner niya sa activity nila." Blake
Pinalis ni Zach ang kamay ni Blake. Alanganing ngumiti si Zach sa akin. Dahan-dahang tumango na lang ako sa kanilang tatlo. Tumayo na ako. "Ah, sige. Pasok na ako sa room ha?" Sabi ko at kaagad na iniwan ko na sila.
Meaning, kasama na naman ni Red yung Mae nga ba yun? Naupo na lang ako sa seat ko. Maingay ang mga kaklase ko dahil wala pa ang proffessor namin. Tahimik lang ako at nag-iisip. Kasama yung partner sa activity? Last month pa ang activity na yun. Hindi pa ba tapos yun?
Napabuntong-hininga ako. Ugh, bakit ko ba kasi iniisip yun? Kaklase yun ni Red. Hindi dapat ako magselos. Activity yun. Kalma lang dapat ako! Ibinagsak ko ang ulo ko sa desk ko.
Twinkle! Don't think too much! Sabi ko sa sarili ko.
"Yey! Wala si prof! Lezgo!"
Napa-angat kaagad ako nang marinig ko ang boses ng kaklase ko. Napabuntong-hininga na naman ako. No class again. Ano naman ang gagawin ko? Tutunganga na naman? Napairap na lang ako. Inayos ko yung gamit ko at lumabas na ako ng room.
"Twinky!"
"Ahhhh!" Nahulog lahat ng gamit ko nang dahil sa gulat. Bigla kasing sumulpot sa harap ko si Justine! Inihampas ko sa ulo niya yung mga bitbit kong folders. "Bakit ba nasulpot ka na lang bigla?! Letse ka! Aatakihin ako sa puso nang dahil sa'yo, e!
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomanceWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?