Untitled

24 0 2
                                    

Ayaw ko pang magsulat dahil hindi nman talaga ako ganun kagaling. Siguro pag nagkaroon ng panahon..  hehe. bakit kasi ngayon lang ito naimbento at hindi nung kapanahonan ko nung highschool? (haha, parang ang tanda na nga. di kasi uso computer noon sa school namin, typewriter lang. mahirap eh!). Maswerte yung mga batang may talentong mag sulat ngayon, kasi nga may wattpad na at kung anu-ano pa. Samantalang sa akin noon pinagtitiisan ko yung mga lumang notebook ko. Kadalasan mag-uumpisa ka sa likod ng subject notebook para hindi pa mahalata. Kapag nag sulat ka dapat sigurado walang erasure para malinis. limited ang pages kahit na gusto mo pang dagdagan yung story. At kapag may nanghiram ay naku, mahirap yun, kasi kadalasan ang tagal ibalik, at yung mga panahong may idea ka na, nasa mood ka nang magsulat, pagbalik ng notebook mo nawawala lahat ng idea mo. (mga tamad kasi, di nagsusulat twing nagpapasulat o nag lelecture ang guro, asa bah) eh kasi nga nung highschool ako eh medyo matino pa po ako. yung tipong, bahay, school, practice, bahay at notebook ulit. ang sarap ng buhay noon. pero mas masarap ngaun, hindi na mangangalay kamay mo sa kakasulat. malinis pa dahil hindi na kailangan e erase ng pakuskos ulit ng ballpen dahil may BACKspace na at delete. anytime pweding e edit. ang sa notebook hindi, kapag may gusto kang e-revise kailangan isulat ulit lahat mula sa umpisa para maging malinis. ganyan ako noon... tiis tiis sa kakarampot na pahina ng notebook. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon