TIKBALANG

979 5 0
                                    

              Ang tikbalang ay kalahating tao at kalahating kabayo. Taglay nito ang ulo ng kabayo, katawan ng tao at paa ng kabayo.

Kapag lalakbay sa gabi, dapat daw magdala ng kasama at baka iligaw ka lamang ng tikbalang sa daan. Kayang-kaya daw ng tikbalang na gayahin ang anyo ng isang kakilala upang tuluyang iligaw ang isang tao sa kagitnaan ng gubat o bulubundukin. Kung ikaw ay naliligaw at may hinala kang isang tikbalang ang nasa likod nito, maaari daw hubarin ang suot na damit, baliktarin ito, at isuot muli.

Sa isang banda, may nagsasabing ang tikbalang ay mahilig gumala sa gabi upang pagsamantalahan ang kababaihan na makasalubong nito. Ang babae na pinagsamantalahan ay mabubuntis at manganganak ng isa ding tikbalang. Ayon sa aking pananaliksik, marahil daw ang kwentong ito ay binuo ng mga conquistador upang takutin ang mga Pilipino sa gabi.

Sabi naman ng matatanda pag umuulan at kasalukuyang sumisikat din ang araw, meron daw kinakasal na tikbalang.

WAKAS

HORROR STORY (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon