Ang isang sanggol na bata na nakunan sa sinapupunan, ipinalaglag ng kanyang ina, o kaya’y namatay ng hindi binibinyagan ay sinasabing maaring maging isang tiyanak. Ginagamit ng masamang espiritu ang katawan ng sanggol upang umatake ng biktima. Ang tiyanak ay diumanong kumakain ng lamang-loob ng tao at umiinom ng dugo nito.
Sa araw, ang tiyanak ay mistulang isang ordinaryong sanggol. Ngunit sa gabi ito ay nagiging halimaw. Humahaba at nagiging matulis ang mga ngipin, humahaba ng mga kuko, nangingitim ang balat, at nagiging mabalahibo.
Ginagamit ng tiyanak ang iyak ng isang sanggol na naabandona upang akitin ang kanyang biktima. Ang taong magkamali na siya ay lapitan o damputin ay agad sinusungaban ng tiyanak at pinapatay. May nagsasabi din na mahilig iligaw ng tiyanak ang isang biyahero at kumidnap ng mga bata ngunit di niya pinapatay ang mga bata. Ang isang ina na magkamaling pasusuhin ang tiyanak na nag-aanyong sanggol ay mamamatay dahil sisipsipin ng halimaw ang lahat ng dugo niya.
May ilang paraan upang maiwasang maging biktima ng tiyanak. Pag may hinala na inililigaw ng tiyanak, mabutihing baliktarin ang suot ng damit. Minsan daw nagiging katawatawa ito sa tiyanak at hinahayaan na lamang ang biyahero. Takot daw ang tiyanak sa malalakas ng tunog tulad ng mga paputok tuwing bagong taon. Sindak ang tiyanak sa rosaryo at umiiwas sa amoy ng bawang.
Sa pelikula ni Lore Reyes at Peque Gallaga na pinamagatang "Tiyanak" noong 1998, maaari daw patayin ang tiyanak sa pamamagitan ng pagsunog sa orihinal na saplot ng tiyanak na nagbabalatkayong sanggol. Ang saplot na sanggol ay ang totoong balat ng tiyanak.
WAKAS
BINABASA MO ANG
HORROR STORY (SHORT STORY)
Misteri / ThrillerTHIS IS A TRUE STORY Mayaman sa kuwentong kababalaghan ang mga Pinoy. Maraming istorya ang bumabalot sa iba’t ibang uri ng mga nilalang na tunay namang magpapataas ng iyong balahibo. PLS. LEAVE YOUR COMMENTS. TNX ENJOY READING!!!