Chapter 14 My Girl

3 0 1
                                    


Jaeri's POV

Pagpasok ko naman ng room, nandoon na pala si Sir Sungit na mukhang lukot na ang mukha nang mapansin niyang pumasok ako. Ngumiti na lamang ako sa kanya kahit nababalutan na siya ng dark aura. (^__^;)

Pagkaupo ko naman ay bigla naman akong sinundot ni bhessy sa tagiliran ko. (_ _")

"Kumusta naman ang lakad mo?" Pabulong niyang tanong para di marinig ni Sir.

"Maayos naman." Nakangiti kong bulong. "Lahat naman sila mababait."

"Hep! Correction ko lang bhessy." Siya sabay taas pa ng hintuturo niya. "Hindi lahat sila mababait noh. Cold yung ilan sa kanila like their leader, Lance."

"Huh?" Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Hindi naman siya ganon kung makikilala mo nang mabuti."

"Ha-ha. That's for you kasi you're his first love." Minji said.

Nang...

"Miss Yoon! Miss Park!" Sigaw ni Sir Sungit na mukhang sasabog na yata sa galit anytime. "Anong tsismisan iyan!?" Galit niyang sigaw.

"Ummm..." Napakamot naman ako sa ulo. "Wala lang po iyon...Si-Sir, hehe" (^__^;)>

"Stand up Miss Park kapag kinakausap kita!" Sigaw na naman niya. (-__-) May PMS kaya si Sir? Oops! Noon pa man eh mainit na ang ulo niya sakin eh, mabuti nga at di niya ako binabagsak sa mga subjects niya noong nasa lower year pa ako.

"Umm... Kasi po... Sir... tina-tanong ko lang po kung ano yung naunang diniscuss niyo nung pumasok ako." Palusot ko. Sana umobra. (>__<)

"Iyan ka kasi Miss Park. You're always late in my class." Panenermon na naman niya na aprati niyang ginagawa sakin.

"Tsk. Loser." Narinig ko namang bulong ni Audrey na ang alam ko ay may Janitor duty ngayon sa school bago siya masuspend bukas. Ewan ko ba kasi dun kina Ryuji kung bakit nagkaganon yung punishment na ibinigay nila sa kanya. Ano kaya yun? Baliktad ata? (o__o)?

"Sorry po, Sir." Tumungo naman ako. Naku naman Jaeri, ilang kapalpakan na ba ang nagawa mo kay Sir Sungit sa buong taon mo ng highschool? (>__<)

"Ilang ulit kana bang nag-sorry ha Miss Park?" Tanong niya at itinutok yung hawak niyang stick sa teacher's table. "Ilang ulit na kitang naging estudyante at hanggang ngayon ay ganyan kapa din? Pasalamat ka at magaling ka pagdating sa academics kundi patay ka talaga."

"Sorry po ulit Sir." Sabi ko naman habang nakatungo parin.

Well, wala nang bago sakin kung si Sir Sungit lamang ang pag-uusapan kasi mukhang nagsasawa narin siya sakin sa kakasermon sa harapan ng klase dahil sa mga kapalpakan ko na kagaya kanina lamang na mahuli niya akong nakikipag-tsismisan. Ayaw na ayaw niya kasi nang may nagtsitsismisan sa kanyang klase unless importante iyon.

"Sa susunod... huwag-" Di na niya naituloy ang sasabihin niya nang may lumipad namang dagger sa tabi ni Sir at tumarak dun sa blackboard sa likod niya. Sa gulat niya ay bigla siyang namutla at pinagpawisan nang husto.

Lahat din ng mga kaklase namin ay sobrang nagulat, yung ilan sa kanila ay napanganga, yung ilan naman ay napatulala, yung ilan naman ay napatakip na lamang ng bibig at yung ilan naman ay pinagpapawisan na sa sobrang takot.

"Sa susunod pa na pagsalitaan mo siya nang ganyan. Alam mo na ang susunod na mangyayari... Mr. Mendeso." Sambit ng isang pamilyar na boses. (>__<) Naku, what have I done!?

"Ha...ha? A-ano i-iyon? Mi-Mr. Re-Red...naxe-xela?" Nanginginig na tanong ni Sir dun sa lalaking nakasandal dun sa pintuan habang nilalaro pa yung isang dagger na kanyang hawak. Nandun naman at katabi ni Ryuji si Shean na napakamot na lamang ng ulo, ganon din si Jasper. Sina Vinxe at Dariel naman ay prente nang nakaupo dun sa mga upuan sa likod.

Teka! (0__0) Classmates ko ba sila ngayon sa Physics!?

"Tsk." Bigla namang pinosisyon ni Ryuji yung dagger na parang ibabato na naman kay Sir, habang ang masungit naman naming guro ay kinuha yung harbound book niya at itinakip na lamang sa kanyang mukha sa sobrang takot.

"Ryuji, stop what you're doing. You're making our teacher scared." Sigaw ko naman sa kanya na maging ako ay natatakot na din sa kanya. "Please...stop?"

I heard him sighed then throw the dagger to Shean na nataranta naman sa pagsalo dahil iniiwasan nito yung blade. "You're lucky, Mr. Mendeso." Ang sabi niya at naglakad na papunta sa upuan niya dun sa pinakadulo sa tabi ng bintana at tsaka naupo. "Apologize to her before I change my mind on firing you."

Sa takot naman ni Sir at mabilis sa sa alas kwatro na tumakbo ito papunta sakin sabay kuha ng kamay ko at lumuhod sabay sabing. "Ija, patawarin mo ako sa lahat ng pagpapahiyang idinulot ko sayo. Please forgive me. Ayokong mafire nang wala sa oras, mayroon pa akong pinapag-aral na pamangkin ko. Please forgive me." Sunod-sunod niyang sambit. (o__o)

"It's... okay Sir. Apology accepted." Iyon na lamang ang nasabi ko. (^__^;)

"Talaga!?" Sabay tayo naman niya at niyakap ako nang mahigpit. "Huwaah! Thank you talaga ija! Maraming salamat talaga!"

Nang...

(0__0) Ganyang na naman ang itsura ko nang may tumarak na namang dagger dun sa board. Kaya naman agad na bumitaw si Sir at mabilis na nagtungo sa harapan kahit nanginginig na naman ito sa takot.

"I told you to apologize. Not to hug... MY GIRL." Sabay death glare ni Ryuji kay Sir.

Lahat naman ng nasa room ay napa-WHAT!? Nang dahil sa sinabi ni Ryuji. (>__<)

Ako naman ay gusto ko nang lamunin ako ng lupa ngayon dahil nasa akin na lahat ng mga mata nakatingin; may ibang papatayin na ako sa tingin at yung iba naman ay nakangiti like my friends at heto namang si bhessy, nakakalokong ngiti yung ibinibigay niya sakin.

"If you mess with her around." Ryuji then smirked while staring at me. "I swear na AKO ang makakaharap ninyo, UNDERSTOOD?"

Nag-aalangan namang tumango yung mga classmate kong natatakot.

At ako?

(_ _") Ayoko nang mabuhay. Nagkaroon ata ako ng boyfriend noon may may pagkatakas sa mental ata.


~~~~

Short update again, hihi (^ 3 ^)

Your AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon