" The Art of Letting Go " (Version 2.0)

1 0 1
                                    

Version: 2.0

Now here it comes, the hardest part of all

Unchain my heart that's holding on

How do I start to live my life alone?

Guess I'm just learning,

Learning the art of letting go...


Lyrics yan ng napakamadamdaming kantang,

The Art of Letting Go... (favorite ko na sya ngayon)

Let go?..hmmm... dalawang salita pero napakaraming meaning, madaling bigkasin pero sobrang hirap gawin...

Let go... paano nga ba mag let go? Gaano ba kahirap ang mag let go?? Sabi ko nga dati hindi ako naniniwalang lahat ng tao ay nahihirapan na kalimutan o bitawan ang tao o bagay na sobrang naging mahalaga sa kanila... pero mas marami paring lubos na nahihirapang kalimutan o i-let go yung taong sobrang minahal at pinahalagahan niya.

...lalo na kung yung tao na yun ay ibinigay lahat lahat sa taong gusto nyang kalimutan...yung naplano na nya ang buhay nya nakasama siya, yung minahal nya talaga ng higit pa sa sarili nya yung naging mundo nya nung mga panahong Masaya pa sila..

Sobrang hirap talagang mag let go sa taong nakasama mo ng matagal na panahon, nakasama mo sa Saya at Lungkot ng buhay mo.. yung taong nagpangiti at nag bigay pag asa sayo... yung unang taong nagbigay ng bulaklak at chocolates sayo... yung taong nagparamdam sayo na ikaw ang mundo nya.. ang hirap kalimutan yung unang taong nagpasaya sayo, yung unang taong nagparamdam sayo na mahalaga ka, na mahal ka, na importante ka sa kanya...ang hirap lang bitawan yung mga salitang yun. Kasi alam mong yun ang nagpasaya sayo nung mga panahong magkasama pa kayo...

ang hirap kalimutan yung mga magagandang alaala, yung mga masasayang alaala, yung mga malulungkot na alaala at kahit yung mga masasakit na alaala... ang hirap kalimutan kasi alam mong sa lahat ng yun siya ang kasama mo, na kahit alam mong nasasaktan ka, iniisip mo parin na magiging okay din kayo.. yung magiging Masaya ulit kayo.. yung babalik lahat ng mga magagandang alaala nyo... yung umaasa ka parin na mamahalin ka ulit nya... umaasa ka na ikaw parin talaga ang pipiliin nya...

Just let it go Girl! Let it go... ilang beses mo na bang narinig yang salitang yan? For sure, marami ng nagsabi sayo nyan.. Sabi ko nga.. ang daling sabihin pero napakahirap gawin. Kung pwede nga lang bukas na bukas mag let go kana db? Pero hindi ganun kadali eh, sabi nga nila may process daw.. but it seems impossible to the person still holding on...so what does it means to let go??

Oo nga naman.. papaano ka makakamove on or mag lelet go kung patuloy ka paring kumakapit at umaasa? Kumakapit ka parin sa kanya kahit alam mong matagal na syang bumitiw sayo,patuloy ka paring kumakapit sa mga masasayang alaala at sa mga binuo nyong mga pangarap nung mga panahong Masaya pa kayo.

Patuloy ka paring kumakapit at umaasa na sa huli kayo parin talaga. Na sa huli babalikan ka nya, at handa mo syang tanggapin sa kabila ng lahat... eh, kelan ka ba magsasawang umasa? Kelan ka ba magigising at mamumulat sa katotohanang hello!... iniwan ka na nga db.. pinagpalit ka na nga db.. Masaya na siya ngayon sa piling ng iba, tapos ikaw para paring TANGA sa kakaantay sa kanya. There's nothing wrong in hoping but sometimes you have to keep your hopes real. Gumising ka na... Tama na, wala na eh... wala na siya!

You can't keep living on lies and empty promises, that's not how you move on. The sooner you accept things, the sooner you will learn how to let go. Para daw makalimutan mo sya.. para daw maka move on at makapag let go ka.. kaylangan mo daw yung ACCEPTANCE! Kaylangan mo daw matanggap na Wala na talaga sya, na hindi ka na nya mahal, na hindi na sya Masaya sayo, na hindi na ikaw ang mundo nya, na hindi na ikaw ang kaligayahan nya, na hindi na ikaw ang mahal nya, kaylangan mo daw matanggap na iba na ang mahal nya... na iba na yung mundo nya, na iba na ang kaligayahan nya... kaylangan mo daw matanggap yun kahit masakit, kahit alam mong mahirap, kahit alam mong pag ginawa mo yun, para mo na rin itinapon lahat.. lahat-lahat ng masasayang alaala, lahat ng matatamis na pagsasama, lahat ng mga magagandang pangarap na nabuo nyong dalawa.. lahat lahat ng bagay na alam mong nagpasaya sayo ng bongga! Wala eh, yun daw ang process of letting go ang tanggapin lahat kahit alam mong masakit.

In moving on or letting go daw... kaylangan daw nating masaktan. The more daw na iniiwasan nating masaktan lalo lang tayong mahihirapan, Pain is important towards healing and letting go.. Feel it, learn from it. Kung feeling mong nanghihina ka hayaan mong manghina ka, kung feeling mong gusto mong sumigaw dahil sa galit, sumigaw ka, kung feeling mong naiiyak ka, umiyak ka. Iiyak mo lang lahat. Iyakan mo yung katotohanang wala ng pag asa para sa inyong dalawa, hayaan mong iyakan mo yung katotohanang hinding hindi na siya babalik sayo, iyakan mo yung katotohanang Hindi kana nya mahal. Iyakan mo lang lahat hanggang sa wala ng luhang lumabas sa mga mata mo, hanggang sa mapagod ka, hanggang sa masabi mo sa sarili mong huling iyak mo na ito sa kanya kasi Tanggap mo na lahat. At handa ka ng mahalin ang sarili mo, handa ka ng buksan ang puso mo sa iba, handa kana ulit kiligin sa iba, handa kana ulit sumaya sa iba, handa kana ulit bumuo ng bagong pangarap sa iba, handa kana ulit sumugal sa iba, handa kana ulit magmahal ng iba at higit sa lahat handa ka ng sumaya sa piling ng iba,

Sabi nga.. HAPPINESS IS THE GREATEST REVENGE!!!

Huwag mong ipagkait sa sarili mong maging Masaya.... Kaya kalimutan mo na siya. Mag Let go kana.

I know how to start to live my life alone.

Because I'm learning.. Learning the art of letting go.

-Rhiz 

06-30-2016

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Art of Letting Go (Version 2.0)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon