CHAPTER 18
Lagi nang dumadalaw sila mama sa bahay at nagdadala ng pagkain, karamihan mga prutas . Lagi nilang binibilin sa akin na dapat maging malusog ako para paglabas ng baby ko at malusog. Di ko alam kung kanino ba talaga sila concern, sakin ba o sa baby. Pero kung sa baby sila mas concern kesa sa akin, OK na rin kasi alam ko na agad na bukod sa amin ni Kevin, may mga kamag-anak na magmamahal at mag-aalaga sa kaniya .
Busy akong nanonood ng TV nang may nagdoorbell .
"Manang, please open the gate ." Pakiusap ko made namin .
"OK, ma'am ." Bumalik na ulit ako sa panonood ng TV .
"Ma'am may bisita po kayo ."
"Sino ?" Tanong ko at tumingin ako sa pintuan at doon nakita ko si Suzzeth . Anong ginagawa niya rito ?
"Suzzeth ? Naparito ka ?" Tanong ko at pinapasok ko siya sa sala at pinaupo sa sofa . "Uhm, anong gusto mong maiinom ? Coffee, juice, or tea ?"
"Juice na lang siguro."
"Manang, pwedeng magtimpla ka ng isang baso ng juice ?"
"OK, ma'am ."
Umupo ako sa tapat niya .
"Naisipan mo yatang dumalaw ? Uh, wala si Kevin dito . Nasa trabaho pa ." Nakangiting sabi ko sa kaniya .
"I'm not here for Kevin . I'm here for you and your baby ."
"Uh, alam mong buntis ako ? Pano mo nalaman ?"
"Sabihin na lang nating may pakpak talaga ang balita ." Natatawang tugon niya . "Siya nga pala, may dala ako para sa inyo ng baby mo." Binigay niya sa akin ang isang supot na may iba't-ibang klase ng prutas . Pinakuha ko naman ito kay manang .
"Mukhang lulusog itong mga anak ko paglabas dahil lagi kaming pinadadalhan ng prutas ." Matawa-tawang sabi ko .
"Mas mabuti nga iyon ."
"Ilang buwan na ba iyang dinadala mo?" Tanong niya at uminom siya ng juice .
"Tatlong buwan na ."
"Ganun ba ? Alagaan mo silang mabuti ."
"Sinabi mo pa ." Nakangiting sabi ko sa kaniya .
"Sige, hindi na ako magtatagal . Gusto ko lang makita ang kalagayan mo ngayong nagbubuntis ka na ." Sabi niya at tsaka tumayo .
"Talaga bang ako at ang dinadala ko ang sinadya mo?" Mahinahong tanong ko . Tumingin siya sa akin .
"Katulad ng sinabi ko kanina, kayo nga ."
"Hindi ba si Kevin ?" Bahagya naman siyang natawa .
"Tintin, kung ano man yang iniisip mo, ang sinasabi ko lang, past is past ." Sabi niya at ngumiti siya sa akin . "Sige, aalis na ako ."
"Salamat nga pala sa pinadala mong mga prutas ."
"You're welcome."
"Uh, manang pakihatid siya sa labas ."
Hindi ako naniniwala sa kaniya . Bakit kailangan pa niyang magsinungaling, eh, alam ko namang si Kevin talaga ang sadya niya rito ? Ano bang gusto niya ? Ang guluhin kami ? Hindi ko talaga alam kung ano ang sadya niya rito pero may kutob ako na si Kevin talaga ang pinunta niya rito kahit na nagdala pa siya ng prutas.
Hindi pa rin ba siya nakakamove on kay Kevin?
BINABASA MO ANG
True Man 2: MY MR. RIGHT
RomanceMula 1st year college ay miserable ang buhay ni Christine, magulo ang pamilya niya. Laging nag-aaway ang kaniyang mga magulang at upang matakasan ang mga problema sa kaniyang buhay ay lagi siyang pumupunta sa bar upang uminom at makipaghalikan sa ku...