Chapter2: SurpriseBirthday Party

6 1 0
                                    

Chandria's Pov
    

"Ako nga pala si Penumbra. Ang kakambal ni Draven" sabi ng anino saka sya tuluyang nag laho at naiwan akong mag isa sa training room .

  Mag aalasingko na ng hapon nang tuluyan akong lumabas sa training room na un .
   Iniisip ko parin kung bakit ang bitter ni Draven at kung paanong nag karoon sya ng kakambal na isang anino .

Habang nag lalakad ako .

"Arayy !" Sigaw ko matapos mabangga sa taong nasa harap ko .

"Ohw my god ,sorry . ikaw pala yan Cha ! Saan ka nanggaling ? alam mo bang kung saan saan ka namin hinanap !" - nag aalalang sabi ni Icelle .

"Sorry galing ako dun sa ibabang training room" Sagot ko sa kanya .

"Ah buti doon lang . Alam mo bang may nangyaring kaguluhan kanina sa Field . may Ilang goblins ang nag tangkang pumasok sa barrier" Sabi nya pero wala doon ang isip ko .

"Kilala mo ba si Draven?" - wala sa sarili kong tanong . Napataas sya ng kilay dahil sa tanong ko .

"Oo walang kahit sino ang hindi nakakilala sa isang Draven Darktower" - Sagot niya na nasa seryosong tono .

Habang nag lalakad kami ni Icelle papunta ng Classroom kinukwento nya lahat ng alam niya tungkol kay Draven at sa kakambal nitong anino .

Dahil sa taglay na Dark Charm at Special ability ni Draven at Kakambal nito , Kinakatakutan siya ng mga estudyante dahil pag nagalit si Draven kaya nyang ipadala ang isang tao sa Under World . Naalala ko ang malungkot na mukha ni Draven kanina .

"Kaya pala wala syang kaibigan" Malungkot na bulong ko sa sarili .

"Huh may sinasabi ka ba Cha ?" Nakataas na kilay na sabi ni Icelle . Pero Isang iling at ngiti lang Ang sagot ko dito .

"Oyy ! Andito na pala si Cha!" - Sigaw ni Liliana ng makita kaming malapit na kami sa Classroom .

PagPasok namin sa Classroom napakadilim sa Paligid at Nagulat ako ng Pag bukas ng ilaw  sumigaw ang mga kaklase ko .

"Happy Birthday Chandria" Sabay sabay na bati nila sa akin . Hindi ko namalayan na Birthday ko pala ngayon . Naalala ko nanaman si Draven at Penumbra , Pag birthday din kaya nila may mga kaibigan din silang gumagawa ng ganitong Surpresa ?

"Uy Cha , Wala ka bang sasabihin? Lutang ka nanaman e hehe" Bulong sakin ni Zxander na ngayon ko lang namalayan na nasa tabi ko .

"Guys thanks sa effort niyo grabe kayo ah natouch ako haha" Sabi ko saka nag unahan ng bumagsak ung luha ko . Tears of Joy kumbaga pero kasama na dito ang awa ko para kay Draven at kakambal niya .

"Teka ? nasaan nga pala si Lucas ?" Tanong ko saka nag palinga linga

Biglang may isang kanta na hindi pamilyar sakin ang tumugtog .

Your Insicure Dont Know What For

Your Turning Head When You walk through the Door

Dont Need make up , To cover up

Being the way that you are is Enough

Mula sa likod ng mga kaklase ko biglang lumabas si Lucas na may hawak na Bouquet ng pink at white Roses , para rin syang sumasabay sa kanta habang sumasayaw . Di ko mapigilang matawa sa ginagawa niya .

Everyone else in the room can See it

Everyone else But you.

Baby you light up my world like nobody else .

Dama ko sa mga ngiti niya na gusto nya tong ginagawa niya . Itong lalake talagang to , alam kung paano ako papangitiin . :)

The way that you flipped your hair makes me overwhelmed

But when you smile at the ground it is hard to tell

You dont know oow

You dont know your beautiful oow

Thats what makes you beautiful

Huminto na ung kanta at tuluyan na rin syang nakalapit sa akin .

"Happy birthday best" Sabi nya ng nakangiti saka iniabot ung Bouquet ng Flowers sakin.

"Ayyyyiiiieeehhhh"

"Ang sweet niyo naman"

"Bagay kayo!^o^"

"Ay wala na akong pag asa haha"

"Ang swerte mo jan kay Lucas , Cha !"

Hiyawan ng mga kaklase namin na mas lalong nag pangiti sa akin.

"Ohy tama na yang kasweetan niyo !" Sigaw ni Ash na papalapit sa amin at may hawak na cake na may nakasinding pitong nakandila .

Happy Birthday to you

Happy Birthday to you

Happy Birthday our Dearest .

Happy Birthday to you.

"Mag wish ka muna bago mo hipan ung Kandila" masayang Sigaw ng kaklase naming si Inocencia at saka ako pumikit .

"Ang tanging hiling ko lang ngayong kaarawan ko ay sana maging maayos ang lahat sa araw araw . Sana lagi lang kami mag kakasama ng mga kaibigan ko dahil sila nalang ang natitirang meron ako , Bigyan niyo po ng kapayapaan ang lahat ng Daynastiya sa buong Magic World at ang huli po , sana po laging nasa maayos na lagay si Draven at ang kakambal niya" Agad akong dumilat at hinipan ung pitong kandila .

"Woooooooohhhhhh Happy Birthday Chandria!" Sabay sabay nilang sigaw at saka masayang kumain ng mga inihanda nila .

"Nagustuhan mo ba Cha ?" Nkangiting tanong ni Ash.

"Oo Sobra " Masayang sagot ko .

"Si Lucas nag plano niyan . Alam mo bang pumasok pa sya sa ibang dimension para kunin ung kanta na pinatugtog kanina" Nakangiting sabi ni Zxander habang kumakain ng Cake .

Akalain mo , ang isang Loko lokong grade school student na si Lucas Tyler kayang gumawa ng ganito kagandang surpresa .

"Uy best bakit ngumingiti ka mag isa jan ? Iniisip mo ako nuh ?" Saka ko lang namalayan na nasa tabi ko na si Lucas na may sandamakmak na pagkain sa plato nya .

Haha ang takaw talaga nito  .

"Asa ka pa ! Saka ano ba yan ! Ang takaw mo naman haha parang pang tatlong tao na yang pagkain mo" Asar ko sa kanya .

"Eeh inggit ka lang . Hahaha gaya ka kung gusto mo" Sabi niya ng tumatawa saka tinuloy ang pagkain .

'Di ko nalang alam kung anong gagawin ko pag nawala tong mokong na toh sa buhay ko' Sabi ko sa isip  .

Natapos ang kaarawan ko , umuwi kaming lahat ng masaya .

Pag kauwi ko sa palasyo binati ako ng mga taga silbi ng 'Maligayang kaarawan' at isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanila .

Salamat sa mga kaibigan ko , Lalong lalo na kay Lucas . Ito na ata ang pinaka masayang kaarawan na naranasan ko .

Salamat sayo Lucas :)

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon