Chapter4: The Party

7 1 0
                                    

Lucas's Pov

                Papasikat na ang araw ng makarating kami sa Kaharian ng Dimensia . Ilang kilometro din kase ang layo nito mula sa tatlo pang Kaharian sa Silangan.

             Binuksan ng dalawang tagabantay ng Kaharian ang pintuan ng aming sinasakyan. Pag kalabas namin ng Ama ko , Sinamahan kami ng apat na Tagasilbi papunta sa Ilalim ng Kaharian na parang isang Underground Chamber.

     Doon sumalubong ang apat na Taong naka suot Ng cloak . Nang napansin nila kami , isa isa nilang tinanggal ang hood nila .

Si Lady Carolin , Lady Cristana , Dark Lord Greyn at ..

"Icelle ?" -nasabi kong bigla ng makita ko sya dito at tanging ngiti at tango lang ang sagot nya .

"Simulan na natin" Sabi ni Lady Cristana at nag kapit kapit sila ng  kamay .

"Dark Lord Saphiro." Tawag ni Lady Carolin

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ng aking ama.

"Magiingat ka anak ko" Sabi ng Ama ko at saka ako niyakap ng mahigpit , maririnig din ang mahina nyang pag hikbi sa balikat ko na lalong nag palungkot sa akin .

"Ama" Saka tuluyang bumagsak ang mga luha ko sa balikat nya .

"Oh sya pumunta ka na sa gitna namin ng masimulan na" Sabi ni ama na nakangiti at inayos ang kanyang sarili .

Pumunta na ko sa gitna nila . Habang kapit kapit silang nakapikit , isang parang barrier ang pumalibot sa akin .

       Nandoon ang mga larawan ng aking mga alaala sa mundong ito .

Ang Ama at Ina ko na masayang inaalagaan ako , Ang pag kamatay ng ina ko , Ang mga Headmaster , Ang mga guro namin , Ang mga kaklase at kaibigan ko , Ang pagdating ni Chandria sa Kahariang Penumbra , Ung mga araw na pinipilit ko syang maglaro tas puro 'Ayoko' Ang sagot niya , Yung paggawa ko ng Tree house , Ung unang beses nyang pag payag , Yung namamangha nyang mukha ng makita ung Tree house , Yung pangako ko sa kanya , Yung halik , Yung surpresa namin nung kaarawan niya ..... Yung nakita ko sya sa Ibabang training Room .. Ung mga salitang huling narinig ko mula sa kanya .

              Unti unti ng Lumabo ang lahat ng Larawan , Naramdaman ko rin ang sobrang pag sakit ng ulo ko kaya Ipinikit ko nalang ang mga mata ko hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paligid .

Icelle's Pov

                  Tuluyan ng naglaho sa gitna namin si Lucas . Nakita ko ang pag iyak ni Dark Lord Saphiro , Sa tagal ng panahon ngayon ko lang nakita ang pangatlo sa pinakamalakas na Pinuno sa Magic World na umiiyak . Marahil nalungkot sya sa naging kapalaran ng nag iisang Anak niya .

"Dark Lord Saphiro , Magiging maayos din ang lahat . Malakas at matapang ang iyong anak kaya makakabalik sya ng maayos dito" Sinabi ni Lady Carolin habang pinapakalma si Dark Lord Saphiro .

"Ina babalik na ako sa aking silid at kailangan ko pang mag ayos ng aking sarili" Paalam ko kay Lady Cristana , Ina namin ni Zxander .

"Sige Anak" Sagot niya saka ako nag mamadaling umakyat at tumungo sa aking silid .

                 Pag dating ko doon , nakita ko si Zxander na nakahiga sa kama ko .

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at saka tinanggal ung cloak na suot ko .

"Porket ba nandito ako may kailangan na agad ? Di ba pwedeng Gusto lang kitang sabayan pumasok ?" Sabi niya saka umupo sa kama .

"Wag mo akong paikutin . Ano bang kailangan mo ? Kilala kita Zxander" Seryosong sabi ko sa kanya at saka nag palit ng uniporme ko.

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon