Chapter5: LoveLoveLove

2 0 0
                                    

Chandria's Pov

            

             Andito ako ngayon sa Ibabang training room kasama ko si Penumbra , nag kukwento sya tungkol doon sa batang tinulungan ni Draven noong bata pa sila .

"Hahahahaha grabi naman pala si Draven , mabait pala un kahit mukha siyang masungit"  sabi ko ng tumatawa . Nakakagulat kasi na mabait din pala ung masungit na Draven na yun haha.

"Hahaha oo si Luffy ang pinaka una nyang kaibigan kaso ipinadala un sa ibang dimensyon" Malungkot na boses na sabi ni Penumbra saka Lumabas sa dilim at tumabi saakin .

Ipinadala sa ibang Dimensyon ? Bakit kaya ? Sigurado akong nalungkot ng sobra si Draven dahil doon . Paano pa kaya kung saakin nangyari yon ? pano kung isa sa mga kaibigan ko ang ipadala sa Ibang Dimensyon ? Paano kung si Lucas ? Baka di ko kayanin .

"Ah nakakalungkot naman yun , siguro kung ipapadala sa ibang Dimensyon si Lucas siguradong malulungkot ako ng sobra" Sabi ko kay Penumbra .

"Pero di naman ako iiwan ni Lucas kasi nangako siya sakin na Di nya ako iiwan , Lagi nya akong poprotektahan at Ako lang papakasalan niya . Alam mo ba Penumbra , Mahal ko ung bestfriend kong yun . Mahal na mahal" Nakangiting sabi ko nang maalala ko yung pangako niya sa akin .

Oo mahal ko na sya . At di ko alam ang gagawin ko pag nawala sya .

"Mahal ka rin nya Cha" Sabi ni Penumbra .

"Ano yun ? Hindi ko masyadong narinig e ." Tanong ko dahil hindi ko narinig ung sinabe nya

"Wala" sabi niya.

        Makalipas ng ilang oras na pagkukwentuhan , nag paalam na kami sa isa't isa . Hahanapin nya na daw si Draven at baka gumawa pa ng gulo . At ako naman hahanapin ko si Lucas , miss ko n rin kasi yung mokong na yun ee .

Agad akong tumakbo papunta sa itaas na training room para hanapin sila Lucas .

          Pag Dating ko doon , tanging si Icelle , Zxander at Ash lang ang Nakita ko .

"Nasaan si Lucas ?" Tanong ko sa kanila .

"Oh Cha ? Kanina lang galing sya dito hinahanap ka din" Sabi ni Zxander .

"Oo nga eh hindi ba sya nagpunta doon sa baba?" nagtatakang tanong ni Ash.

Isang Iling lang ang Sinagot ko sa kanila  saka ako tuluyang umalis .

'Nasaan ka ba Lucas?' tanong ko sa isip .

Mahigit tatlong oras na akong naghahanap , Mag didilim na kaya napag pasyahan kong umuwi na sa palasyo .

Inisip ko nalang na baka nandoon sya sa Illinum at baka may mahalaga lang na ginagawa .

                 Habang naglalakad ako sa Hallway patungo sa Silid ko , napahinto ako ng makakita ng liwanag mula sa pinakadulong silid . Dahan dahan akong nag lakad papunta doon at nakita ko si Draven sa Loob ng silid , nakaupo sya na parang may malalim na iniisip  .

"Draven, Anak kailangan mong sumunod sa Aklat ng Pagkakapantay pantay , Kailangan mong maging Team Captain ng grupo para sa susunod Na Wingston Cup " Sabi ni Dark Lord Greyn. Pero ano daw ? 'Anak' !? Bakit ngayon ko lang naisip un . Perehas silang Darktower ang apelyido. =.=

"Hindi ko kaya Ama , Ayokong may mawala sa isa sa mga kaklase ko dahil hindi ko sila kayang protektahan" Sabi ni Draven.

"Isa Kang malaking Duwag Draven !" Galit na sigaw ni Dark Lord Greyn kasunod ng isang Malutong na Sampal.

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon