Chandria's Pov
Mag aalasais na ng Makarating kami sa Kaharian ng Illinum . Madaming magagarang sasakyan ang nakaparada sa labas .
"Handa ka na ba ?" Nakangiting tanong ni Penumbra habang ipinaparada ang sasakyan namin .
"Oo naman . Tara na " Sabi ko saka inihanda ang sarili .
Paghinto ng sasakyan . Agad lumabas si Penumbra at pinag buksan ako ng pinto . Inalalayan nya pa ako ah . Eh di sya na ang Maginoo haha.
Habang nag lalakad kami sa hallway , ang dami naming naririnig na kung ano ano.
"Ang gwapo naman nung Lalake"
"Mukha syang anghel"
"Ngayon ko lang sya nakita"
"Sana akin na lang sya"
Agad akong napatingin kay mokong , at eto sya wagas mag pa cute . Nakakainis talaga ung mga lalaking pacute ng pacute .
Naalala ko nanaman si Lucas . Kelangan ko sya makita . Miss ko na yun ee . haha.
"Pen una na ako sa loob huh ? Hahanapin ko pa kase ung bestfriend ko eh . Maiwan muna kita" Pag papaalam ko sa kanya at saka ako mabilis na nag lakad papasok sa Hall .
Namangha ako sa napakagandang mga disenyo dito sa Hall . Para kang nasa ilusyon lamang .
"Tama ka , ilusyon lang lahat ito" Narinig kong boses ng isang babae mula sa likod ko at Di ako pwedeng mag kamali .
"Ash !"Sigaw ko ng nakangiti nang makita ko sya."Oh my gosh your so gorgeous" Bati ko sa kanya ng makita ko ang kabuoan nya . Nkasuot sya ng isang kulay Scarlet na gown na sobrang bumagay sa kanya .
"Hahaha matagal ko ng alam yan" Sabi niya at saka ngumiti ng nakakaloko .
Habang nag lalakad kami papunta sa lamesa sa gitna . Hindi ko maiwasang mag tanong .
"Nga pala Ash nakita mo ba si Lucas ? kahapon ko pa sya hindi nakikita eh" Tanong ko kay Ash .
"Hindi pa nga eh baka malelate lang yun" Nakangiting sagot ni Ash .
Si Lucas malelate ?? Bigla akong kinabahan . Parang may nangyari na hindi ko alam .
Makalipas ang ilang Minuto , lumabas na mula sa malaking pinto ang dalawang may kaarawan ngayung araw .
Si Icelle at Zxander Graves .
Ang Ganda at Gwapo nila sa mga kasuotan nila .Maririnig mo ang pag bati ng Mga bisita sa dalawang may kaarawan.
Nang mapansin nila kami ay agad nag lakad si Icelle patungo sa amin .
"Happy birthday Ice at Zxan" Sabay na bati namin ni Ash .
"Ganda natin ngayon ah" Biro ni Ash kay Icelle.
"Ngayun lang ba ? haha" Biro pa ni Icelle at saka tumawa .
"Ah nga pala guys ? Napansin niyo ba si Lucas ? Kahapon ko pa kasi siya hindi nakikita . Nag aalala na ako hehe" At mula sa masayang mukha ni Icelle bigla itong naging seryoso .
"Oo nga Icelle napansin mo na ba si Lucas? Hindi kase nalelate yun sa mga pagdiriwang eh" Nag aalalang tanong ni Ash.
"A-Ah ehh hindi ko pa siya napapansin" Nag aalangang sagot ni Icelle . "Cge ahm ano ientertain ko lang ibang bisita" Pag papaalam niya saka umalis .
BINABASA MO ANG
UNBREAKABLE
De TodoSa buong kalawakan , pinaniniwalalaan ng Lahat na may iba't ibang dimensyon o mundo . Isa dito ang Magic world at Realworld . Sa isang Aklat , Ang aklat ng pag kakapantay pantay o ang Book Of Equality nasusulat ang tadhana ng lahat ng Charmers at Ti...