Chapter7: After 6 Years

0 0 1
                                    

Chandria's Pov

                Nagising ako dahil sa liwanag na mula sa malaking bintana sa kwarto ko , teka ? Sa kwarto ko ?

Agad akong bumangon at tinignan ang suot ko . Naka tshirt at pajamas na ako ?? Huling naalala ko lang ay ang pag kasakay namin ni Draven sa sasakyan, bigla nalang nag dilim ung paligid ko at wala na kong ibang naalala .

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh—" Sigaw ko pero may bigla ding nag takip nung bibig ko .

"Ano ba ! Tumahimik ka nga mamaya marinig ka nila , sabihin pa na may ginagawa akong masama sayo !" Sigaw nung lalaki na nag takip sa bibig ko . Agad ko syang kinagat at napangiwi sya sa sakit kaya nabitawan niya ung bibig .

"Draven? Anong ginagawa mo dito !"  Tanong ko nang makilala ko sa kanya .

Naalala ko nanaman si Lucas . Tuwing umaga siya ung lagi kong nadadatnan pag gumigising ako sa umaga . Unti unti nanaman bumagsak ang mga luha ko .

"Lucas" Nasabi ko habang umiiyak . Wala na si Lucas. Iniwan niya na ako . :'(

"C-Cha tahan ka na" Sabi ni Draven na parang natataranta .

"Wala na siya , Iniwan niya na ako" Sabi ko habang nakayakap sa mga Tuhod ko at habang patuloy sa pagiyak  . Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Draven at Niyakap niya ako.

"Sige iiyak mo lang yan . Ganyan din naramdaman ko nung nawala sa akin si Luffy. Andito lang ako para sayo ok?" Sincere na sabi ni Draven kaya Lalo akong naiyak dahil doon .

Makalipas  ng mahigit isang oras . Tumahan na ako ,ang sakit na rin ng mata ko eh  .

"Ok ka na ba?" Tanong ni Draven.

"Medyo , pero sorry huh ? puro sipon na yang Polo mo . hehe " Sabi ko .

"Ok lang madali lang palitan toh" Sabi niya .

"Salamat ulit" Sabi ko saka ngumiti .

"May mga bisita ka" Biglang sabi ni Draven .

"Huh? " Sabi ko saka biglang bumukas ung pinto at iniluwal si Icelle , Zxander at Ash .

"C-Cha ?" Sabay sabay na sabi nila at saka sila tumakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit .

"Sorry Cha . Hindi ko sinasadyang magsinungaling sayo , Hindi ko lang talaga alam ang sasabihin ko kaya ko nagawa un sayo" Umiiyak na sabi ni Icelle .

"Cha sorry din kung di ko rin sinabi sayo ung totoo" Umiiyak din na sabi ni Zxander . Unti unti ng nangilid ang mga luha ko .

"Cha sorry kung inagaw ko sayo si Penny nakakaasar nga eh nung pinuntahan ko Sila Icelle para ipalala siya , Bigla naman siyang nawala" sabi naman ni Ash At dahil doon natawa nalang ako habang tumutulo ang luha ko .

"Guys Ok lang . sorry din " Sabi ko sa kanila . at saka yumakap na rin .

"Atsaka Anu ka ba Ash kaibigan ko lang si Penny" Sabi ko kay Ash atsaka ngumiti .

"Cha pinapatawad mo na ba kami ?" Sabay na sabi nung kambal . At saka nila inayos ung sarili niya .

"Oo ano ba kayo , k-kahit wala na Si Lucas alam ko namang hindi nyo ako iiwan diba ?" Sabi ko saka ko sila nginitian .

"Tnx Cha" Sabay sabay na sabi nila .

"Group Hug!" Sigaw ni Ash at saka kami nagyakapan .Tinignan ko si Draven napailing sya bago lumisan sa silid ko kasunod niya rin Si Penumbra na kumaway bago umalis sa silid ko .












After 6 Years .

              Makalipas ang anim na taon . Nasanay na rin ako na wala ng Lucas Tyler na gumigising sakin tuwing umaga . Nalulungkot parin ako tuwing naiisip sya pero napapalitan ng saya tuwing nakakasama ko ang mga natira kong mga kaibigan .

Im 17 years young . Si Icelle at Zxander mag 19 na . Mag 18 na si Ash . Si Lucas ? 17 na rin pala sya . Nung nakaraang taon ko lang nalaman na mag kaedad at magkabirthday din pala kami ? . Si Draven at Penumbra mag 21 na pala next 8 months . Pero alam niyo ba kung pano ko nalaman?

Tinignan ko sa Records hahaha . Wag kayo maingay huh?

Si Draven naman naging masungit at masamang ugali na . Nag debut na rin si Icelle nung nakaraang taon . Ganun din si Ash last week Lang . Pero hindi pa dito mag tatapos ang story namin sabi ni Ms. Author . Dito palang daw ito mag sisimula . :)

UNBREAKABLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon