Bata pa lang si Shakira ay may malubhang sakit na siya..
Ang sakit niya ay Leukemia..
Kanser sa dugo, kaya kahit anong oras ay pwede siyang mamatay...
Bata pa lang siya ni isang bata ayaw makipaglaro sa kanya...
Marahil dahil sa kaniyang karamdaman ...
Isang Araw may lumapit kay Shakira, isang batang lalaki
Tinanong ng batang lalaki si Shakira kung ano ang pangalan nito ngunit imbes na sumagot si Shakira,ngumiti na lang ito sa kaniya at nagpakilala sa kaniya
"Ako pala si Shakira Mae Reyes,Shakira na lang itawag mo sakin... Ikaw ano pangalan mo??"- Shakira (tanong niya sa batang lalaki)
"Saimon, Saimon Smith"- Saimon
Sagot nito kay Shakira
Ngumiti si Saimon kay Shakira at nakalipas ng ilang araw ay naging mabuting magkaibigan sina Shakira at Saimon sa isa't-isa
At lumipas din ang araw na naisip ni Shakira na matagal niya rin pala tinatago kay Saimon ang kaniyang karamdaman dahil natatakot siya na kapag umamin siya kay Saimon ay baka layuan lang siya nito...
Kaya imbes na umamin ehh tinago na lang ni Shakira iyon kay Saimon...
Sabay silang nakatapos ng Elementarya at Sekondarya at parehas din silang nakapasa sa "Entrance Exam" sa kursong kinuha nila sa Kolehiyo
Masaya sina Shakira at Saimon marahil Konting taon na lang ay matutupad na nila ang kanilang pangarap nila sa isa't - isa..
Pero isang araw
.
.
kung kailan pasukan na nila sa klase...Habang sila ay naglalakad papuntang Registrar Office biglang nahimatay si Shakira
Nagulat at nataranta si Saimon dahil nahimatay si Shakira at nakitang nakahandusay sa sahig
Kaya binuhat ni Saimon si Shakira at dinala sa hospital para malaman ang sitwasyon ni Shakira ngayon...
Nang nasa Emergency Room si Shakira
.
.Habang si Saimon naman ay naghihintay sa labas ng Emergency Room bigla niyang naalala lahat ng pinagsamahan nila ni Shakira,,kung paano sila nagkakilala nung bata pa sila,, kung pano sila naging magkaibigan ,,nang parehas sila nakatapos ng Elementarya at Sekondarya at higit sa lahat nang parehas sila nakapasa sa Entrance Exam sa kursong kinuha nila..
Pero hindi alam ni Saimon na mahal niya na pala si Shakira pero di niya nararamdaman at nakikita yung pagmamahal niya kay Shakira at marahil tinuring niya lang itong kaibigan
Ngunit sa nakikita ni Saimon ngayon ay grabe siya magalala kay Shakira na halos patayin siya ng kaba dahil sa babaeng mahal niya ..
Makalipas ng 30 minuto lumabas na ang doktor ni Shakira at sinabi ang karamdaman ni Shakira kay Saimon....
Nagulat at halos di nakagalaw sa puwesto si Saimon ng marinig niya ang balita ng doktor tungkol sa sitwasyon ni Shakira ngayon. .
Nang umalis na ang doktor
Ngayon alam niya na ang dahilan kung bakit mailap si Shakira nung mga bata pa sila
Kaya ang unang pumasok sa isip ni Saimon ay paligayahan si Shakira sa mga natitira niyang oras sa mundo
Halos 3 araw hindi nagising si Shakira ngunit sa pang-4 na araw ay nagising na si Shakira ...
Nilapitan at tinanong agad ni Saimon si Shakira kung ano ang nararamdaman niya ngayon at inasikaso niya ng husto si Shakira..
Nagtaka si Shakira sa inasta ni Saimon marahil di naman ganito sa kaniya si Saimon noon...
Pagkatapos asikasuhin si Shakira,, umupo siya sa tabi nito at sinabi niya ang dapat niyang sabihin kay Shakira...
Arsienna ♡.♡
BINABASA MO ANG
One Last Chance
Short StoryThis is a short story Well based on a true story of my friend pero may iniba rin ako dun.. Hope you like it po. . ^^ Started: July 20,2016 Ended: July 20,2016 Matagal ko na tong sinulat sa notebook nung 2015 pa at matagal ko na rin tinaype to sa...