Chapter Two
Malakas ang patak ng ulan at walang habas na bumabayo ang hangin. Mabuti na lamang ay subok na ng mga nagdaang bagyo ang munting kubong tahanan ng pamilya Dimapayo. Kung hindi ay napasama na rin ito sa mga punong nabuwal sa kanilang bakuran.
At habang walang humpay na nangangalit ang bagyong Reming, nasa labas ng kubo ang dalawang lalaki sa pamilya.
Isang binata at isang matandang lalaking nasa sisenta na ang gulang.
Tinataboy nila ang mga alagang kambing at baboy papasok sa mga kulungan ng mga ito. Hindi alintana ang lakas ng buhos ng ulan.
"Tay! Natumba ata ang poste ng kulungan ng mga baboy kaya nakatakas sila!" malakas na wika ni Alec kay Mang Estong na kasalukuyang karga-karga ang isang biik.
"Natumba nga, anak! Paayos nga habang inaasikaso ko ang mga biik natin!" sagot naman ng matanda.
Halos lunurin na ng malakas na ulan ang kanilang mga tinig.
"Opo, tay! " sagot naman niya at mabilis na tinungo ang kulungan ng mga baboy. Kinuha niya ang martilyo at pako sa gilid ng kulungan at agad na inayos ang natumbang poste.
Makalipas ang limang minuto ay nakumpuni na rin ang sirang poste. Agad niyang tinawag ang tatay-tatayan at ipinasok na nila sa kulungan ang mga nakawalang baboy.
Matapos maiayos ang ilang bagay sa bakuran ay pumasok na rin sa loob ng kubo ang mag ama.
Agad silang sinalubong ni Aling Sita na may dalang dalawang tuwalya.
"Hala't maligo kayo at magpalit ng damit. Baka kayo sipunin. Nagsabaw ng manok si Marcella. Malapit nang maluto iyon. Tamang-tama at nang mainitan ang mga sikmura nyo." nakangiting wika nito sa kanila.
"Salamat, nay!" pagpapasalamat niya sa ina-inahan at binigyan ito ng halik sa pisngi.
"Aba'y walang anuman, anak.." sagot nito sa kanya.
Humalik din sa pisngi nito si Mang Estong.
"Da best talaga ang mahal ko." papuri niya sa asawa.
Napangiti naman si Alec sa mga kinikilalang magulang. Kahit matatanda na, hindi parin kumukupas ang pagibig ng mga ito sa isa't - isa. Salat man sa buhay ay masasaya ang pagsasama nila. Napalaki rin ng mabuti at tama ang nag iisang babaeng anak ng mga ito na si Marcella...
At s'ya...itinuring siya na anak kahit pa naisalba lamang siya ng mga ito limang taon na ang nakakaraan.
Gumastos ang mag asawa para lang gumaling siya kahit pa naubos ang kanilang ipon sa pagpapagamot sa kanya. Hindi rin inilihim ng mga ito na nabura na ang kanyang mga alaala at tila imposible nang maibalik ito.
Paminsan-minsan ay naitatanong pa rin niya kung ano nga ba ang kanyang tunay na pagkatao.
Paminsan-minsan rin ay nagkakaroon siya ng mga makatotohanang panaginip...mga panaginip na puro sakit, galit, at lungkot lang ang dinadala.
Dahil nga rito ay pinili na lamang niyang huwag nang alamin pa ang nakaraan o pilitin pa itong alalahanin.
May malaking hinala kasi siya na hindi maganda ang kanyang nakaraan. Ayaw niyang bumalik pa kung masasama at malulungkot na bagay lang ang kanyang maaalala.
BINABASA MO ANG
Seducing The Sex Goddess ( SMSG BOOK TWO )
Ficción GeneralA romance, erotic sequel of Seducing Mr. Sex God. Written by : Chennieberries Language : Filipino Copyright 2016 All Rights Reserved.