Chapter 6

63 11 1
                                    

Black

Hindi ko na ulit nakita sina Hendrick matapos noon. Hanggang sa makarating ako sa bahay. Nakita ko lang doon si Ashton at Klein na nag-uusap sa sala. Tinawag nila ako pero dumiretso ako sa kwarto ko. Saka ko lang naramdaman ang pananakit ng katawan ko nang makapasok ako sa kwarto.

Dumiretso ako sa bathroom at agad hinanda ang bathtub.

Hindi na rin ako bumaba para kumain. Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa nangyari kanina. Lahat na lang si Hendrick. Hendrick doon. Hendrick dito. Fucking Hendrick. Nakakainis na ang presensya mo.

“Sisiguraduhin kong ikaw ang mababaliw at hindi ako.” bulong ko sa kawalan.

I will do that. Humanda ka na Hendrick.

“Urielle! Wake up!” narinig ko ang paghampas ni Thorin sa pintuan ko.

Damn! It's only seven in the morning! Kahit nakapikit ay bumangon pa rin ako. What is his problem? Kararating nya palang nambubulabog na sya. I so freaking hate Thorin! Agaran kong binuksan ang pintuan ko at nakita kong nabusangot na naman si Thorin sakin.

“Why?” medyo paos pa ko dahil kagigising ko lang.

“Fix yourself nandyan ang damit mo para sa kasal. And Cleo is waiting for you downstairs.” sabi nya.

Tinanguan ko lang sya. Umalis na rin sya pagkatapos akong tingnan. Ang aga-aga highblood. Di kaya makipagbreak sa kanya si Cleo, kapag lagi syang ganyan? Inayos ko ang sarili ko at bumaba.

Nakita kong wala sila sa sala. Kaya dumiretso ako sa dining hall. Nasa pintuan pa lang ako ng dining hall ay amoy ko na ang nilulutong pancakes. Naririnig ko din ang tawa ni Cleo. Pumasok na ako doon tutal naroon sila. Si Cleo pala ang nagluluto. Napailing na lang ako sa ginagawa ni Thorin.

May itatamis pa pala ang dalawang 'to?

Nakayakap kasi sa likod si Thorin habang nagluluto si Cleo. Paminsan-minsan naman ay nakapatong ang ulo ni Thorin sa balikat ni Cleo. Tsk. Nagiging sweet lang talaga 'tong si Thorin pagdating sa Cleo nya. How I wished that...

Fuck! Don't even mention his name!

Napailing na ako at dahan-dahang umupo sa high stool. Sinigurado ko talagang hindi nila ako mahahalatang nandito. Gusto kasi silang panuorin. Kung alam ko lang na ganito ang dadatnan ko, sana pala ay dinala ko ang phone ko. Ang sarap irecord.

“Wife. You should marry me.” sabi ni Thorin.

Napangiwi ako sa narinig ko. Oh good Lord. What the eff! He's getting corny.

“Why?” narinig ko ang pagbungisngis ni Cleo. Kinikilig na sya.

“So that you'll cook for me everyday. How I love the day that I'll wake up and I'll see you cooking for me and our child.” sabi naman ni Thorin.

Kinikilabutan na ako sa sinasabi ng kapatid ko. I can't take it. This is embarassing. Pa'no kaya nakakayanan ni  Cleo ang ganyang side ni Thorin? God! I can't even imagine that one!

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang humarap si Cleo kay Thorin. Mas lalo pa noong siniil ni Thorin ang mga labi ni Cleo. Oh fuck! They're making out in the kitchen. Mas lalong naging wild pa si Thorin dahil parang hindi nila alam na may taong nanonood sa kanila. Gusto kong makita ang mga reaksyon nila kapag may nakahuli sa kanilang dalawa. Napasinghap ako nang marinig ko ang ungol ni Cleo.

Someone has to stop them. Or else!

“Time's up lovebirds!” sigaw ni Kein.

Halos mahulog ako sa upuan ko nang marinig ko yun. Napatalon pa nga si Thorin sa gulat. Si Cleo naman ay sumiksik sa tabi ni Thorin. Napatingin pa ako kay Klein na nakangisi pa. Nanlalaki ang mga mata ni Thorin habang nakatingin samin. Muntikan na akong tumawa nang makita kong sobrang pula ng mukha ni Thorin.

Urielle ( B&D Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon