p r o l o g u e

55 2 0
                                    

I have a friend. Ang pangalan niya ay Gabriel Madrigal. He's your typical childhood friend.
We gave each other our pet names. Ako si "Neen" at siya si "Gab" pag magkasama kami.
We do the stupidest things together, like arguing kung ano dapat ang maging pambansang ulam while brushing our teeth. Shouting "Sinigang!" "Adobo!" at each other hanggang masamid kami sa pinagsamang laway at toothpaste at magtulakan kung sinong unang makakapag-gargle ng tubig sa lababo.
He also knows a lot of embarrassing things. Lagi ata akong may ginagawang katangahan kapag kasama ko siya. Pero ngayong araw na ito, seryoso kami. Hindi lang ito basta-bastang ordinaryong gabi. Ito ang gabi na ini-release ng college na sabay naming pinag-applyan ang list of qualifiers nila.
Halos sigawan ko si Gab sa telepono noong nalaman kong nakapost na daw sa internet kaya dali-dali siyang nagbisikleta papunta sa bahay ko para sabay naming harapin ang resulta. Minutes later after kong magdasal nang taitim para sa future naming dalawa, nauna yung laptop ni Gab at sinabi niya sakin na hindi siya pumasa sa MassComm pero nakapasok siya sa second choice niya na Computer Science. Lumundag din yung puso ko sa saya para sa kanya kasi finally, may papasukan na siya. Na-greet ko siya ng congrats pero hindi rin masyaodng sincere kasi kinakabahan din ako para sa sarili ko...samantala, yung laptop kong ugod-ugod, loading pa rin... hanggang lumabas ang isang malaking:
YOU HAVE BEEN REJECTED. Thank you for applying! We wish you luck!
Napa-upo na lang ako sa sahig. Hindi ako pumasa? Sht.Ni-refresh ko ng ilang beses yung screen hanggang hindi ko na maramdaman yung mga daliri kong pumipindot sa mouse. Noong napagod ako saka na lang ako naglumpasay. "AHHHHHHHHHH HINDI AKO PUMASA NYEMAS! DREAM SCHOOL KO 'TO EH, SAAN NA AKO MAG-AARAL?! MAGHIHIWALAY NA TAYO GAAAAAAAB!" I sobbed. "SAAN NA AKO PUPULUTIN?! HUHUHU GAAAAAB, SAMAHAN MO NA AKO MAG-APPLY SA JOLIBEE CREW DALI. TUMATANGGAP BA SILA NG HIGH SCHOOL GRADUATES DOON? PLEASEEEE I NEED A STABLE JOB."
Hindi alam ni Gab kung tatawa siya o makiki-simpatiya noong nilapitan niya ako. I couldn't blame him - I looked stupid in any way you looked at it. But he did say: "Wag ka nga muna umiyak. Teka - sigurado ako may mali dito eh. Ako pumasa tapos ikaw hindi? Ako magchecheck sa computer ko!" bago siya tumakbo pabalik sa lungga niya.
Meanwhile, iniisip ko na kung ano lalagay ko sa resume ko sa application. Finished Primary and Secondary Education. Honor Student. Consistent achiever. Fast learner. Parang ang boring? What if...fire-breather, dragonslayer, the last airbender ganon...tataas ba chance ko matanggap?
"Huy Neen!" Biglang bulyaw ni Gab at na-pluck ako away from my thoughts. "Ano exam permit number mo? 400086 diba?"
"Oo..." Mangiyakngiyak kong sagot.
"Tignan mo'to."
Halos mag-cartwheel ako papunta doon sa laptop ni Gab pero ayun noong nakarating na ako, sumalubong sa akin ang isang malaking...
YOU HAVE BEEN ACCEPTED. Congratulations! Welcome to BA Film!
"Hah?! Eh ano yung nag-appear sa laptop ko??" I asked in disbelief. Agad kong hinakot yung laptop at ipinatong sa table katabi noong kay Gab. Sabay naming tinignan yung screen, hinahanap yung mali. Binatukan ako ni Gab at tinuro yung home screen. It read:
Welcome, User 40086!
Nyemas!!! Kulang pala ng zero yung na-check ko! Hehehe...oops.
"Sabi ko sa'yo, tanggap ka eh. Sige ka, ipapa-hire talaga kita sa Jolibee!"
"Uaaaaargh ahhhhh-yaaay akshupted aker! Shubraaang relief! Congraaasht sha atin!!!" sigaw ko habang kinukurot pa rin ni Gab yung dalawang pisngi ko. I guess I deserved it. Pinakaba ko din siguro siya. Sumayaw kami sa Top Hits Philippines playlist na tumututogtog sa background namin para sa aming big achievement bago kami umupo ulit sa couch na hingal sa pagod. Hindi pa rin mabura yung mga ngiti sa labi namin.
"Uy, pareho na naman tayong ng school, hah?" I asked happily and then added, "Haaaay, umay na ako..." as a joke. Hindi ko man masabi sa kanya nang diretsahan dahil mahiyain akong tao pero gusto ko talagang maging magkaibigan kami nang mahabang mahabang panahon. Isa nga yun sa mga reasons kung bakit nalungkot ako noong akala ko hindi ako pumasa. Akala ko maghihiwalay na kami for good....well aside sa fact na akala ko talaga mawawalan na ako ng kinabukasan.
"Umay ka na rin? Nakakasawa na nga, ilang taon na din..." Gab said, looking away and putting his right hand to his neck.
"Hoy, nagjoke lang ako doon, sineryoso mo naman?!! Umay ka talaga?!?" I replied, annoyed. Psh. Akala ko pa naman matutuwa siya kasi hanggang college magiging magkasama kami. "May inaapplyan ka bang ibang college na hindi ko alam? Ha! Ha?'
"Aray! Araaaaay! Joke lang, huy!" depensa ni Gab, iniiwasan yung pagsuntok ko sa kanang balikat niya. "Wala akong ibang college na inapplyan no! Kaya nga magtiyatiyaga muna ako sa Computer Science hanggang maka-shift ako sa second year..."
I stopped punching him because I realized something. "Teka, oo nga pala...Com Sci ka meaning hindi tayo pareho ng college at building."
"Ngayon mo lang na-realize yon?" Tanong ni Gab, tinitignan ako na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.
"Ang lungkot naman..." I pouted. Iniisip ko na ang mga lunch break ko na mag-isa at ang matinding effort na kailangan kong i-exert para gumawa ng mga bagong kaibigan sa college. "O sige, para hindi na lang ako malungkot, labas na lang tayo lagi ngayong summer!"
"Hindi pwede." Agad sinagot ni Gab.
"Hah? Bakit??"
"Diba nga sinabi ko na sayo pupunta ako sa America this 2 months?"
"HAAAAAAAAAAAAAAAAAH?"
At matapos ng pinaka-boring kong 2-months summer vacation na wala si Gab, nagsimula din ang bagong yugto ng kwento naming dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Like ThisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon