A friends date to remember

27 3 1
                                    

Crizhel POV.

Kasalukuyan kaming kumakain ni ranz ng biglang dumating si daddy kasama si tito joseph ang tatay ni ranz.

"Oh crizhel dalaga kana, kumusta ang pag-aaral iha" na hawak hawak niya ang isang basong wine.

"She's already in 4th year college jose" saad ni daddy sabay tapik sa balikat ni tito joseph

Nginitian ko lang silang dalawa at nagpatuloy sa pagkain.

"Ranz why dont you go and hang out with my daughter, alam mo bang palagi ka niyang iniiyakan nong umalis ka" na nagtagay din ng wine sabay tingin sa akin.

Inirapan ko siya sa sinabi niya. Matagal na kaya yun.

"Dad naman matagal na yun." Saad ko sakanila

"I think its a good idea tito" ngiting tagumpay na singit ni ranz habang umiinom ng juice

"Sige mamasyal kayo kong saan niyo gusto. Basta iuwi mo nang walang gasgas ang anak ni leonardo baka mawalan pa tayo ng business partner" saad ni tito joseph kaya napatawa naman sina daddy at ranz

"Pero dad, kagagaling ko lang po sa ospital eh, sabi ng doctor huwag mona akong mag papa-pagod" protesta ko sakanila.

"Bakit anong nangyari sayo??" Napa balikwas naman si ranz saakin at nilapag ng maingat ang kutsara.

"Alcoholic intoxication" tipid na sagot ko. Ayoko sanang sabihin dahil sigurado ako makakarinig na naman ako ng sermon mula sakanya.

"WHAT???!!!!!" Nagulat yata siya sa sinabi ko kaya humarap siya saakin at hinawakan ang kamay kong nasa lamesa. Tila nanggigi-gil ito kaya minarapat kong hawakan din ang kamay niya.

"Im sorry ranz. Sorry. Depressed lang talaga ako noon. Im sorry.pati sainyo dad,tito sorry" paghihingi ko ng tawad sakanila. Yumuko nalang ako dahil sa kahihiyan.

"Its okey anak. Nagkulang din naman kami ng nanay mo sa pag aruga sayo" lumapit kaagad si daddy saakin tsaka niya ako hinalikan sa pisngi.

"Leonardo tama na yan. Hayaan na muna nating magkwentohan ang mga bata. May titignan pa tayong transactions sa opisina mo" saad ni tito joseph habang nagtawanan sila ni daddy

Hindi parin ako umimik at nakayuko parin. Tila ayaw na ng ulo kong gumalaw, dahil isang galaw ko lang ay sigurado akong magtatama ang mga mata namin ni ranz.

Narinig ko nalang ang mga yabag nina daddy at tito palayo saaming dalawa.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni ranz ang baba ko at unti-unti itong iniangat. iniwas ko agad ang aking ma mata bago paman magtama ang mga ito.

"Look at me!!" Utos niya saakin. Hindi ko ito tinignan dahil papagalitan na naman niya ako tulad ng dati niyang ginagawa noon.

"Zhel, look at me please. Kung iniisip mong pagagalitan kita, hindi..i am marure enough para sa mga bagay na yan. Naiintindihan ko kung bakit mo yun ginawa." Hindi na ako nakasagot pa dahil niyakap na niya ako.

***********

"Huuuuuy!!crizhel bilisan mo namang mag-ayos!! Ganyan ka parin hanggang nayon!! Tatlong oras na akong naghihintay ohh" sigaw niya habang kinatok ng kinatok ang pinto sa aking kuwarto. Kulang nalang at masisira na niya ito

"Haynako ranz!! Kawawa yang pintoan sa ginagawa mo!! Eto na po, palabas na!! Sandali lang" pasigaw kong sagot sakanya.

Ganitong ganito parin yung eksena namin noon kapag may pupuntahan kami at susunduin niya ako. Sana hindi na talaga siya aalis pa.

Pupunta kami ngayon sa mall upang mag ikot-ikot at kumain. Gusto daw kasi niyang lumabas at pinilit pa niya akong sumama. No choice naman ako dahil miss na miss ko na siya kaya sinamahan kona.

Nagsuot lang ako ng simpleng floral dress na below the knee tsaka tinernohan ko ng flat sandal.

Nang buksan ko ang pintuan, isang guwapong nilalang ang tumama sa aking mga mata.

Denim pants at puting V-neck tshirt lang ang kanyang suot at tinernuhan ng vans shoes. Tumaas ang tingin ko sakanya at napatitig ako sa suot niyang eyeglass, na mas ikinaguwapo niya. Nagmumukha siyang propesyonal na lalaki. Oo nga pala, isa na pala siyang propesyonal na engineer.

"Mukha kang teacher" tukso ko sakanya. Natawa lang ito at hinablot ang kaliwang kamay ko tsaka dire-diretso niya akong ipinasok sa kanyang cotse.

"Hoy ranz hindi pa tayo nakapag paalam kina daddy" protesta ko habang papasok naman siya sa driver seat.

"Nakapag paalam nako kina tito, remember im 20 matanda na tayo noh" ngiti niyang sagot saakin

Hindi ko na siya sinagot pa at tuluyan na kaming nakaalis sa aming mansyon.

***************

"Namiss ko dito zhel" sabay kain niya sa kanyang ice cream.

Naupo naman kami sa isa sa mga bleachers dito sa isang sikat na ice cream parlor dito sa QC.

"Alam mo doon sa san francisco, malimit akong mamasyal"

Tinignan ko naman ito habang hawak ko rin ang strawberry ice cream ko.

"Puro ka kasi trabaho kaya ka ganyan. Oo nga pala, wala kabang napusoan doon??" Out of nowhere biglang lumabas sa bibig ko ang mga tanong na iyon.

Huminto siya sa pagkain ng kanyang ice cream at tumingin saakin, isang mapang-akit na titig ang kanyang isinagot saakin.

Napalunok ako sakanyang ginawa. Natetense ako dahilan para makagat ko ang pang ibabang labi ko.

"Are you trying to seduce me??" Tanong niya na siyang ikinagulat ko.

"Serriously?? At bakit ko naman gagawin yun??" Naiinis na saad ko sakanya.

"Im just kidding zhel" napakalawak ng kanyang ngiti tsaka niya ako aabutan ng yakap. Pero pinigilan ko agad siya.

"Oopsss. Ranz yang ice cream mo" tumayo agad ako at tinawanan nalang siya.

"Zhel babe balik ka dito" hinabol niya ako ng hinabol hanggang napadpad kami sa isang playground. Hindi to usual playground dahil dito nagsimula ang pagkakaibigan namin ni ranz.

"Ranz halika dali." Tawag ko sakanya na tinatali ang kanyang sintas sa sapatos.

"Oo sige na upo ka na doon" turo niya sa isang swing na nakatali sa taas ng puno. Umupo naman siya sa tabi ko sa isang swing din. Dalawang minutong katahimikan bago niya ito naisipang basagin.

"About doon sa tinanong mo kanina nong nasa ice cream parlor tayo, gusto kong magpaka honest sayo zhel" hindi parin ito tumitingin saakin. Hindi ko ito sinagot para pakinggan ang susunod na sasabihin nito.

"I fell inlove with someone" hindi ako nagulat sa kanyang sinabi dahil alam ko naman na makakahanap siya ng babaeng mapupusoan niya sa San Francisco.

"Ituloy mo lang" tipid na saad ko sakanya. Tumingin siya saakin ng diretso at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Hindi din naman yun nagtagal kasi i realized may gusto pala akong iba" this time, naguluhan ako sa sinabi niya.

"Huh?? Eh paano naman yun?? Sabi mo you fell inlove with someone. Tapos narealized mo iba pala yung gusto mo??ang gulo mo naman ranz" kunot noo kong tanong sakanya.

"Eh wala akong magagawa, yun yung sabi ng puso ko" sabay kamot sa kanyang balikat.

"Ang swerte naman nga babaeng yan" kinurot ko ang kanyang kamay dahil nanggigigil ako sakanya. Kinikilig ako eh :)

"Thats why youre lucky" saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Ano daw??ayaw higupin ng sistema ko ang sinabi niya.

Napatitig nalang din ako sakanya.

*************

Sorry for all the typo!!
-aselDgreat

A thousand years for usWhere stories live. Discover now