The big revelation

23 3 1
                                    

Crizhel POV.

"Masarap ba??" Tanong nito saakin habang kinakain niya ang hawak hawak niyang lumpia.

"Oo, masarap" sagot ko sa pagitan ng aking pagnguya. Sorry pero sadyang gutom lang talaga ako. Baka sabihin nito hindi ko alam yung good manners.

"Ang lakas mo palang kumain noh?" Saad niya habang nakatitig parin sa kanyang kinakain.

"Naku hindi naman, gutom lang talaga ako" sagot ko sa kanya. Ang sarap nitong adobong manok grabe!!

"Gusto mo mamayang gabi ipagbaon kita?" Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata sakanya.

"Ay naku huwag na, ako pang iistorbo sayo na magluto" sagot ko. Pero ang totoo gusto ko. Ang sarap talaga ng mga pagkaing dala niya. Siguro dapat hindi lang nurse ang trabaho niya saamin, dapat private cook din siya. Marequire nga kina mommy. Hahaha

"Bakit ka naman magiging istorbo? Sa ayaw at sa gusto mo dadalhan kita ng pagkain mamayang gabi. Ano bang paborito mo?" Tanong niya saakin. Maami akong paborito eh. Kapag kaya sinabi ko lahat eh lulutuhin niya lahat??

"Marunong kabang magluto ng italian food?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong ipaluto sa kanya yung pinakapaborito kong pagkain dito sa mundo. Lasagna is the best!!

"Oo naman, lalo na yung paborito kong italian food, lasagna. Sarap non eh" dire-diretso niyang sagot saakin.

Nagulat ako sa sinabi niya. Pareho kami ng paborito. Naku magkakasundo kami nito.

"Talaga?? Yan yung paborito kong gusto kong ipaluto eh" sagot ko sakanya ng nakangiti. Nakakatuwa talga. Thank you lord may cook na ako. Hindi ko na kailangang magtiis pa sa mga restaurant. Yeheyy!!

"Serriously? Paborito mo rin? Sige sure! Ipagluluto kita ng paborito natin. I promise" he smirk then suddenly nag high five siya saakin.

Mabait pala tong nilalang nato. Siguro mali lang yung pagkakakilala ko sakanya. Ika nga nila, DONT JUDGE THE BOOK BY HIS COVER!!

"Promise??" tanong ko ulit

"Yup. promise" sagot naman niya at inilagay pa ang kanyang kamay sa may bandang puso niy.

"Thankyou. Hintayin ko mamayang gabi yun a" saad ko habang nakangiting kumain. Finally, for almost a week makakatikim na ulit ako ng lasagna. Yieeeh excited ako.

"Youre welcome" sagot niya

"Siya nga pala, dapat matikman ni ran tong luto mo. Sigurado ako magugustuhan niyato. Pareho kasi kaming addik sa pagkain eh" natutuwa kong saad sakanya.

"Oh sure. why not. Imbitahan mo siya mamaya at magdidinner tayo dito sa room mo. May dining table naman dito sa silid mo" wika niya habang chineck ang dining table.

"Oo pupunta siya dito mamayang alasingko. You should meet him. Sigurado din ako na magkakasundo kayong dalawa" ngiti ko sakanya

"Sure. Cheers?" Saka niya itinaas ang juice na hawak niya. Itinaas ko din ang isang baso ng tubig.

"Cheers" sagot ko tsaka kami uminom.

*************

Crizhel POV.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si jared dahil may pasiyente pa daw siyang i memeet sa 2nd floor. Medyo malayo yun dahil nasa 6th floor kami ng ospital kung saan dito ay may private nurse ang bawat pasiyente.

Alasdos na ng tanghali, wala akong magawa kaya napagpasiyahan kung manood ng TV.

Kinuha ko ang controler na nasa bedside table ko tsaka in on ang TV. Biglang lumabas sa screen si Kim Chui.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now