Jared POV.
"ano naman ngayon kung buntis ka??" Sagot ko kay mica habang kunot noo ko siyang tinignan.
"Buntis ako!! Ikaw yung ama jared!! Ikaw yung ama ng sanggol na dinadala ko" nabinginako sa sinabi niya dahil sumigaw na ito saakin.
"Hahaha, sa tingin mo maniniwala ako sa mga kabaliwan mo? Paanong magiging ako ang ama ng batang yan huh? Ako lang ba ang gumalaw sa yo?? " sagot ko sa kanya.
At sa ikalawang pagkakataon ay nakatanggap ulit ako ng sampal galing sa kanya. Ano bang problema nito??
"Ni minsan hindi ako nagpagalaw sa iba. Ikaw yung pinili ko dahil alam kong hindi mo ako sasaktan. Please jared i need you..we need you" mas diniinan pa niya ang pagbigkas sa hula niyang salita saakin.
Totoo bang sinasabi niya?? Ako ba talaga ang ama ng batang dinadala niya? Kung totoo nga, sigurado ako papatayin ako ng ama ko. Isa itong malaking pagkakamali at kahihiyan sa aking pamilya. Hindi ito pwede. It cant be!
Humarap ako sa kanya bago ako nagsalita.
"Im sorry pero hindi ko matatanggap na anak ko ng yang bata. Dont worry, bibigyan kita ng isang milyon. Just stay away from me!!" Galit na galit kong saad sakanya."Anong klase kang ama?! Hahayaan mo yung anak mong walang makikilalang ama?! F*ck you jared!! Akala ko pa naman matino kang lalake!! " pinagsusuntok na niya ako sa dibdib pero hindi ko alinta ang bawat suntok niya dahil hindi ko parin akalaing magkakaroon na ako ng anak.
Gusto kong magkaroon ng anak. Masaya ako sa sinabi niyang magiging ama na ako. Pero sa tamang panahon at oras. Hindi ngayon!
Naalala ko bigla ang pagkawala ni mommy noong bata palang ako. 3 years old palang ako ng iniwan kami ni mommy dahil sa leukemia cancer stage 4. Doon gumuho ang mundo namin ni daddy. Araw araw siyang nag umiinom ng alak. Madami akong naranasang pasakit kay daddy sa mga oras na iyon.
Elementary na ako ganon parin si daddy. minsan kapag umuwi siya sa bahay ay may dalang ibat ibang babae. Pinagtangkaan pa niyang patayin ang kanyang sarili. masakit mawalan na nanay.
Hanggang sa nag high school ako at laking pasasalamat ko ng dumating si tita clarissa. Ang tinuturing kong nanay ngayon. Dahil sa kanya nagbago ang pakikitungo saakin ni daddy. Bumalik ang sigla niya, naging mas malapit ulit kami ni dad. Noong una ay ayaw ko pa sa bago kong ina dahil papalitan niya ang respondibilidad ng aking mommy. Pero dahil nakita ko sa mata ni daddy na masaya siy t nabuo siyang muli. Ginawa ko ang lahat upang mapalapit sa kanay. At ngayon, super close na kami at tinuring ko na diyang parang totoo kong ina. I learn to love her as my second mon. Because of my step mom masaya na ulit si daddy.
"Jared please dont do this to us." Wika ni mica saakin na ngayon ay nakayakap na pala mula sa aking likuran.
Bumagsak ang isang munting luha sa aking mga mata, pero pinunasan ko agad iyon.
Hinarap ko ulit si mica. Ngayon alam ko na kung ano ang magiging desisyon ko. Gagawin ko iyon para sa magiging anak ko.
"Tatanggapin ko ang responsibilidad ko bilang ama sa aking anak" saad ko sa kanya Tsaka hinawakan ang tiyan ni mica. Hindi pa masiyadong malaki ang tiyan niya kaya kung titignan ay parang walang sanggol ang nakakapit doon.
Ngumiti ng maluwag si mica habang umiiyak parin dahil sa saya. Mas hinigpitan pa niya ang pagyakap sa akin.
"Thank you..thank you so much jared. Thankyou." Dire-diretso niyang sabi sa pagitan ng kanyang pagyakap sa akin.
"Please. Stop." Sagot ko habang tinatanggal ang kamay niyang nakapulopot sa katawan ko.
Tinignan lang niya ako kasabay ng pagkawala ng saya sa kanyang mukha.
"Hindi dahil tinanggap kona ang pagiging ama ko sa bata ay ganun narin sayo. Im sorry" saad ko.
"Pero paano ako? Ako yung ina? Babe naman huwag mo naman akong pahirapan please" tumulo na naman ang kanyang mga luha
"Please, huwag muna ngayon. Siya nga pala, may kondisyon ako para sa ikakabuti ng anak ko" alam kong ito lang yung paraan para malayo sa gulo ang magiging anak ko.
"Tayo na muna ang makakaalam tungkol sa bata. Alam mo kung anong gulo ang napasukan mo. Hindi naman ako demonyo para ipalaglag ang batang walang kamuwang muwang. Hindi naman ako mamamatay tao." Wika ko pero hindi ko parin ito tinitignan.
"Paano kapag mas lumaki na itong tiyan ko??Paano kapag manganganak nako?? Jared paano?" Sagot niya saakin habang iyak parin siya ng iyak.
"Dont worry. Akong bahala. Pag uwi mo mag impake kana. Titira ka muna sa bahay ko sa bacolod. Malayo dito sa manila." Saad ko ulit sa kanya.
"Hindi ka sasama?" Tila na dis appoint ito sa sinabi ko.
"Hindi ako pwedeng mawala dito sa hospital. Dont worry, every saturday and sunday dadalawin ko kayo ni baby" saka ko tinanggal ang susing naka kabit sa susi ng cotse ko. Yun yung susi ng bahay ko sa bacolod.
Doon kasi ako sa bacolod nag summer class kaya binilihan ako ni mommy ng bahay. Hindi naman yun gaano kalaki pero kasiya ang isang pamilya.
"Jared thankyou." Sagot niya saakin.
"Sige mauna na muna ako, may pupuntahan lang" tinalikuran ko na ito tsaka dire-diretsong lumabas ng pintoan.
Hindi naman ulit siya umimik kaya ipinagpatuloy ko na ang paglalakad patungo sa parking lot kung saan ko ipinarada ang cotse ko kanina.
Habang minamaneho ko ang aking cotse at hindi ko maiwasang magtanong sa aking isip.
"Tama ba ang desisyon ko? Magiging mabuti ba akong ama sa anak ko? " marami ang nabubuong tanong sa aking isip pero ni isa ay hindi ko masagot.
Dinala ako ng mga paa ko sa sementeryo.
"Ma, ako ulit to, si jared." Ngiti ko habang inaalis ang mga tuyong dahon sa puntod ng aking ina.
"Magkakaroon na po ako ng baby. Ma magiging ama na ako." Titig na titig ako sa pangalang nakaukit sa lapida ng aking ina.
"Tama po ba itong naging desisyon ko ma?" Biglang nahulog ang munting luha sa aking mga mata.
"Umiiyak ako ma oh, ano bayan nakakabakla." Saad ko habang pinupunasan ang aking mga mata.
"Siguro eto na yung karma ko sa lahat ng babaeng pinaglaruan ko. Ang hirap pala ng karma ma. Ang sakit po dito oh" wika ko sabay turo sa aking dibdib
"Pero alam mo ma, ang saya ko ng marealize ko magiging ama na ako. Ang sarap sa pakiramdam. Pero kapag po naaalala ko si daddy, mawawala na yung saya na nararamdaman ko. Alam kong para sa kanya Isang malaking kahihiyan sa pamilya ang pagkakaroon ko ng baby ngayon. " nagbagsakan lalo ang aking mga luha.
"Kaya kailangan kong itago ang aking anak. Pero ma, bakit nasasaktan ako sa pagtago ko sa anak ko. Dapat proud pa nga ako eh. Pero hindi. Dahil alam kong itatakwil ako ni daddy" humugot ako ng pagkalalim lalim na hininga bgo ko ito pakawalan.
"Pero isa lang ang sinisiguro kong gagawin ko ma, bibigyan ko ng magandang buhay ang aking magiging anak. Gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting ama. " tumingin ako sa langit at ipinikit ang aking mga mata.
"Tulungan niyo po ako at sa magiging anak namin ni mica" panalangin ko sa panginoon.
****************
Hindi na ako bumalik pa sa opisina at nagfile nalang ako ng 2days na leave.
Alasunse na ng gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Bigla kong naalala si mommy. May dinner pala kami. Di bale na, mag eexplaine nalang ako sakanya. Maiintindihan naman niya ako.
Ilang saglit lang ay napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa aking kama. Naalala ko si Ms. Medina at yung lasagna na ipapaluto niya.
Napapikit nalang ako gamit ang aking palad. Alam kong magagalit yun saakin. Nagpromise pa naman ako.
*************
May baby na si jared. Hayy!! Yan kase!! Nagustuhan niyo ba ang ating chapter 11?? Well hit vote and comment :) i love you sa mga zero readers ko <3
-aselDgreat

YOU ARE READING
A thousand years for us
RomanceSa unang pagkakataon na gumawa ako ng istorya dito sa wattpad,sana po'y suportahan niyo ang bawat karakter na bibigyang buhay ko.para po ito sa mga taong naghahangad ng totoong pagmamahal :) sa ating panginoon salamat po sa binibigay niyong chance n...