Mr. Lasagna

18 3 0
                                    

Crizhel POV.

Isang napakahabang katahimikan ang nabalot sa silid ko habang kumakain kami ni ranz ng lasagna.

Wala ako sa mood na pansinin siya dahil naiinis ako ngayon!! Dahil lang naman sa lalaking cook na nurse na yun!!

FLASHBACK

Katatapos ko lang tinawagan yung telepono sa bahay upang i cancel ang lulutuin sana ni yaya na dadalhin dito sa ospital, dahil ipagluluto ako ng aking cook slash nurse.

Nandito narin si ranz na makikisalo sa amin ni jared. Nag aalanganin pa siya nong una pero nang sinabi kong may pagkain ay hindi na siya nagdalawang isip pa.

6:50 pero wala parin si jared. Inisip nalang namin na late siya dahil baka pinaghandaan niya at pinasarap ang lasagna.

Habang iniisip ko ang lasagna ay diko mapigilang mapalunok. Sabik na sabik na talaga akong matikman ang luto niya.

"Ranz, baka natraffic lang sa daan. Hintay lang muna tayo ha" saad ko sakanya tsaka ko tinignan ang orasan. 7:20 pero wala pa siya.

Gutom na ako ano ba naman yan. Naramdaman kong tumunog ang tiyanko. Mabuti nalang at hindi ito narinig ni ranz kundi oorder na siya ng pagkain namin.

"Ala mo masarap yung luto ni jared. Sigurado ako magkakasundo kayo." Wika ko kay ranz na nag pokerface lang saakin. Siguro gutom nadin siya.

Gumawa ako ng maraming palusot kay ranz para lang hindi siya mainip na maghintay. Kung ano anong pinagsasabi ko para lang hindi siya mabored.

Hinawakan pa nga niya yung tiyan niya saka niya ako titignan habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

8:30 na pero wala paring dumating na kahit anino ng nurse nayun!! At doon na nagsimulang magsalita si ranz.

"Alam mo, kesa mghintay ka diyan bay dina lang tayo mag order ng pagkain?!" Pasigaw niyang saad saakin habang patayo na ito mula sa kanyang upuan.

Agad ko namang nahawakan ito at tinignan siya.
"Ranz naman oh. Gusto ko nga yung lasagna !" pagpipigil ko sakanya.

"So hihintayin mo pa talaga yang lasagna na yan?" Sagot niya saakin na ngayon ay nag crossarms na sa harap ko.

"Oo. Tsaka nagpromise naman siya saakin eh" wika ko ulit kay ranz.

"Ah ganon nagpromise siya sayo?? Eh nasan na siya?? Ano traffic??late??nagluluto pa?? Ano??" Sarkastikong sagot nito saakin. Naiinis narin ako pero dahil mahal ko ang lasagna, hindi parin ako nagpaawat kay ranz

"Konting tiis lang naman ranz oh. 8 pa lang naman eh. Darating yun promise" saad ko habang pilit kong ininibigay ang aking munting ngiti sa labi.

"Konting tiis?? Eh kanina pa ako nagtitiis ha. Anong oras ba akong nagpunta dito, alasingko. Eh nong oras na ngayon?? Alam mo dapat mag order nalang tayo kaysa hintayin pa yang jared na yan!" Naiinis na bulalas nito saakin.

"Gusto ko nga ng lasagna diba?! Gusto ko ng lasagna!" Sigaw ko sakanya. Oo alam ko na oover react na ako sa nangyayari pero hindi ko maitatanggi na gusto ko talagang kumain ngayon ng lasagna.

"Napaka simple lang naman eh!! Eh di mag order tayo sa italian restaurant. Ilang lasagna ba ang gusto mo?" Kunot noo siyang tumungin saakin.

"Limang lasagna. Yun lang" tipid kong sagot saka ako yumuko. i feel so shame.

"Sige. Hintayin mo ako dito. 10 minutes ill be right back" tsaka na siya dire-diretsong lumabas ng aking silid.

Naiinis ako sa nurse na iyon! Pero dahil ayokong magtuloy-tuloy ang pagkainis ko ay minabuti ko na lang na isiping may emergency siya kaya hindi siya nakapunta rito. Isa diyang nurse kaya hindi maiiwasang may emergency siyang puntahan.

A thousand years for usWhere stories live. Discover now