SOAL#3: MISTERY MAN

142 20 43
                                    

Isabella Point Of View

Kasama ko ngayon sina Katty and Jamaica. Si Patrick ay may pupuntahan daw. Siguradong mga chicks na naman niya iyon. Ito namang si katty, kanina pa naiinis Kay pat. Kasi daw chicks lang ang inaatupag kesa sa pag aaral niya. Palibhasa, gusto lang nitong si Katty si Patrick kaya laging siyang naiinis pag pinapairal ni Pat ang pagka playboy nito. Ito namang si Patrick, sobrang manhid. Hindi man lang niya nahalata na may nagkakagusto sakanya. Tsk, ganyan talaga ang buhay!

Si Joseph daw ay may basketball practice. Kasali kasi siya sa Varsity. Aaminin ko, kung hindi ko lang pinsan tong si Joseph ay siguradong maiinlove na ako rito. Sobra kasi siyang gentleman.

"Sure kana ba talaga?"-tanong uli ni Jamaica. Ewan ko ba, palagi nalang niya akong tinatanong kung sigurado na ba daw ako na papasok sa school of all ugly. Ano bang meron sa school na iyon?

"Oo naman, bakit?"tanong ko naman.

"Ah, Wala."sabi naman ni jamaica.

"Ito na yung last shopping natin. Nakakalungkot lang na lilipat kana nang school, bes."sabi ni Katty. Ang drama talaga nito.

"Ang drama mo talaga!"sabi ko naman.

Nandito na kami sa Mall. Bibili kasi kami ng mga gamit na kailangan para sa disguise look ko. Una kaming pumunta sa boutique na may mga eye glasses.

"Wag kang pumili ng mga may grado. Baka lalong lumabo ang mata mo."sabi ni Jamaica.

"For Your Information, Malinaw na malinaw ang mata ko. Walang Malabo no. Ikaw ang malabo."sabi ko. Ganyan talaga kami kung mag asaran. Siguradong mamimiss ko ito.

Nagpeace sign nalang siya. 20 eyeglasses na malaki yung binili namin. Next step ay pumunta naman kami sa boutique ng mga damit. May nakita akong magandang dress, kukunin ko na dapat kaso..

"Ooopss! Wag diyan, dun tayo sa may mga pants and cloth."mabilis na sabi ni Jamaica. Tsk, kontrabida talaga to. Wala naman akong nagawa kaya sumunod nalang ako sakanya kahit labag sa kalooban ko.

Madaming pants na black. T-shirt lahat pati rubber shoes. Sa totoo lang. Never pa akong nagsuot ng mga pants or what. Nag susuot lang talaga ako ng mga dress,palda or skirt lang ang sinusuot ko magsimula nang bata pa ako.

"Guys, kain muna tayo. Gutom na ako."sabi ko. Kanina pa kasi ako nagugutom. Sila kasi ang nagpipili ng mga susuot ko.

"Okay!"sabay sabi nila.

Nag order na ako ng makakain namin. Hawak na hawak ko yung mga pagkain na in order namin, papunta na sana ako sa table namin ng biglang

BLOooG

Tsk, wrong move! Bigla nalang natapon lahat ng pagkain na in order ko. Ako kasi ang nag volunteer na mag order.

 Sakin tuloy natapon ang pagkain imbis na sa lalaking bumangga saakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sakin tuloy natapon ang pagkain imbis na sa lalaking bumangga saakin.

"Tsk!"sabi niya sabay iling. Gwapo naman yung lalaki, maputi, matangos ang ilong,singkit. Parang pamilyar ang mukha niya. Bigla nalang niya akong nilagpasan.

"Hoy!"sigaw ko. Bigla nalang siyang huminto maglakad kaso hindi man lang lumingon. Jerk!

"Wala ka man lang ba sasabihin saakin?!"inis na tanong ko.

Bigla siyang humarap at naglakad pabalik papunta sa harapan ko.

"Ano naman ang sasabihin ko?! Na magsosorry ako ? Tsk."sabi niya. Aba! Ang yabang! Kala mo naman sobrang gwapo. Aaminin kong gwapo siya kaso hindi ko siya type. Sobrang yabang. Tska ang sama pa ng ugali.

"Jerk!"sigaw ko sakanya.
Bigla nalang siyang lumapit ng lumapit saakin at may binulong

"Hindi porke't pinahiya kita eh papahiya mo naman ako. Nice one ,honey." Bulong niya saakin. Bigla nalang nagsitaasan ang mga balahido ko sa katawan sa last word na sinabi niya. Honey?
Ewan ko ba pero bigla nalang akong namula.
Bigla nalang siyang umalis at ako naman eh tulala. Hindi ako makagalaw.

============
Author Note

Salamat sa pagbabasa. Just Follow joyjoy2314 para updated kayo sa story na ito. Just comment and vote. Thanks!

SCHOOL OF ALL UGLY #WATTYS2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon