.
Isabella Point Of View
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Dalawang araw nalang at doon sa school of ugly na ako papasok.
Heto ako ngayon. Hindi parin ako maka get over don sa sinabi nung antipatikong lalaki na yun. Honey? Wala pang nagsasabi ng ganon saakin. Gusto ko sana, kung may magsasabi man saakin na honey ay yun yung tawagan namin nung lalaking mahal ko. Hindi yung fling lang. Sobrang laswa kung pakinggan. Pero yung don kay Mr. Antipatiko, bakit parang iba? Iba yung dating. Parang may gustong ipahiwatig?! tsk, Nevermind.
Habang bubuksan ko ang drawer ko upang kunin ang cellphone ko ay may mahagip ang mata ko, isang picture nung bata ako na may kasamang batang lalaki. Mga 13 years old siguro to. Naalala ko pa non nung saan kami unang nagkakilala ni Kil, my childhood sweetheart. Tinatanong niyo siguro kung ano ang childhood sweetheart?
Yun yung nangako kayo ng isang tao na kayo ang makakatuluyan. Yung parang nangako kayo na pagdating ng tamang panahon, kayong dalawa yung magpapakasal.
Flashback
Nandito ako ngayon sa may park, madaming mga bata ang naglalaro. May mga mag on na nakaholding hands, tapos may mga magulang na kasama ang kanilang anak. Ako, eto ngayon. Nagiisa dahil iniwan ako ni yaya. Nakikipagflirt kasi siya kay manong guard. Buhay talaga!
Uupo na sana ako sa may swing kaso bigla nalang may kung anong bumato sa ulo ko. Nang tingnan ko kung sino yun, tatlong bata na Babae na nagtatawanan na kasing edad ko lang na mukhang mataray ang bumato saakin.
"Kami ang nauna diyan kaya tsupi,"sabi niya. Wow! Siya daw ang nauna? Eh bakit ako ang nakaupo? Gusto kong sabihin yun sakanya kaso baka lalong lumalala kaya umiiwas nalang ako sa away.
Hindi ko nalang sila pinansin kaya deretsong umupo ako."Sabing saamin yan eh"sabi niya sabay turo dun sa swing.
"May pangalan mo ba?"sabi ko. Actually sa isip ko lang dapat sasabihin yun kaso huli na, lumabas na sa bibig ko.
"ah, sumasagot kapa ah!"sabi niya sabay hila sa buhok ko. Ouch, sobrang sakit nung pagsabunot niya saakin. Dapat Hindi ko nalang siya pinatulan.
Bigla nalang lumuwag ang pagsasabunot nila saakin, ewan koba pero parang..
"Kliner?!"sabi nung babaeng sumabunot saakin. Kliner? Sino yun? Nang ayusin ko ang magulo kong buhok, may nakita akong lalaking nakatayo sa harapan ko. Nakakunot ang kanyang noo. Kasing edad ko lang.
Bigla nalang nagsi takbo yung tatlong babaeng umaway sa akin.
"Salamat,"sabi ko."Tsk!"sabi niya. Mukha siyang masungit. Nakakunot lagi ang kanyang noo.
"Paano mo nagawa yun? Kilala mo ba yun?"tanong ko sakanya. Nakakabilib lang. Kase mukhang natakot sakanya yung mga babae. Bakit kaya?
"Sorry sa ginawa ng kapatid ko ah. Maldita talaga yun."sabi niya. Ako naman ang nakakunot ang noo. Kapatid?
"So kapatid mo pala yun?"tanong ko. Ang tinutukoy ko ang babaeng maldita na sumabunot sa akin.
"Yup,"sabi niya.
"Bakit parang biglang natakot siya sayo?"tanong ko.
"Kasi siya yung dahilan kung bakit kami naghiwalay nung girlfriend ko."sabi niya. Girlfriend? Ano yun?
"May girlfriend ka? pwede ako din."sabi ko.
"Ah?"mukhang nalito siya sa sinabi ko.
"Sabi ko pwede mo din ba akong maging girlfriend? Babaeng kaibigan!"masayang sabi ko.
"Ah, oo naman."sabi niya sabay tango.
Naging magkaibigan kami ni Kliner. Naging mag best friend kami. Lahat ng gusto ko, sinasabi ko sakanya. Pati mga favorite fruit,color o ano pa.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko.
"Isa, may naghahanap sayo. Kil daw ang pangalan."sabi ni yaya. Isa ang tawag nila saakin, short for Isabella .
"Opo,"sabi ko naman.
Nandito kami ngayon ni kil sa favorite spot namin. Sa may park, kung saan kami unang nagkakilala.
"Isa, di ba best friend kita."panimula niya.
Tumango nalang ako.
"Kapag malaki na tayo. Nangangako ako na ikaw ang unang Babae na dadalhin ko sa altar."sabi niya.
"Talaga?"Hindi ako makapaniwala. Ibig sabihin ba non ay may feelings siya sa akin katulad ng mga teleserya sa TV?
"Oo naman, sana mangako ka din saakin na hihintayin mo ako."sabi niya. Hihintayin? Nalilito na talaga ako.
"Saan kana man pupunta? Aalis kaba?"tanong ko. Bigla akong kinabahan kung ano man ang isasagot niya.
"Oo, pupunta na kami sa state ni Dianne. Doon na kami mag aaral, at doon na din kami titira."sabi niya. Ewan ko ba pero parang gusto kong umiyak.
"Pero nangangako ako na babalikan kita dito sa pilipinas. At kapag nangyari yun. Ikaw ang papakasalan ko. Pero sana mangako ka na ako lang ang papakasalan mo. Wag kang magmahal ng iba. Dapat ako lang."sabi niya. Tumango naman ako. Bigla nalang bumuhos ang luha ko. Niyakap niya ako.
Pangako kil, ikaw lang ang lalaking papakasalan ko.
Sana dumating na ang araw na makita kita ulit. At kapag nangyari yun, hindi na kita hahayaang umalis.==========
Update lang po. Just follow joyjoy23. Vote and comment. Thanks!
BINABASA MO ANG
SCHOOL OF ALL UGLY #WATTYS2016
Teen FictionThe School Of Ugly are school of all ugly where they want to learn independently they can learn nothing without insulting them with special, cubit teeth, flat,dark, stocky, nerd or else you look ugly. Kung ikaw ay mayaman ay makakapasok ka dito sa p...