SOAL#8:

137 19 11
                                    


Kiel Point Of View


Hi guys.. Kilala niyo naman siguro ako ah, by the way.. I'm Kiel Montes.. 16 years old. Nag aaral sa School of all ugly.





Kanina habang nagkukwento ako ay parang sincere talaga si .. Sino kasi yun? Si.. Ummm.. Si Isabella ba yon? Isabella..
Nakikita kong seryosong seryoso siyang nakikinig sa mga kwento ko. Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo at tumakbo palabas. Ewan ko ba, parang bigla siyang nalungkot nang sinabi kong namatay yung kuya ni Dianne. Ano bang meron sakanila? Tsk..



"Anong nangyari don?"tanong ni Jes. Ako din naguluhan.



Nainis ako kaya tumayo nalang ako palabas.



Isabella Point Of View


Nandito ako ngayon sa puno ng mangga. Hindi ko mapigilang umiyak. Para akong sinasaksak ng paulit ulit ng sabihin ni Kiel na patay na si Kil. Sa totoo lang, ayaw kong maniwala.


May bigla nalang nag abot ng panyo sa akin. Nang tingnan ko kung sino iyon? Si Kiel lang pala.


"Wag ka ngang umiyak diyan, para kang bata."inis na sabi ni Kiel.



Hindi ako kumibo. Basta nalang tumutulo ang luha ko.




"Ano ba kasing nangyari?"biglang tanong niya sa akin. Biglang sumersoyo ang tingin niya. Ewan ko ba pero natakot ako dun sa tingin niya kaya sinabi ko nalang sa kanya.





"S-Si K-Kil kasi eh, S-Sabi niya h-hintayin n-niya ako..."sabi ko habang umiiyak.




Bigla nalang niya akong niyakap. Hinimas himas niya ang likod ko. Ewan ko ba pero bigla nalang gumaan ang loob ko. Parang nawala yung sakit sa dibdib ko.


Bigla nalang nagsalita ang katabi ko.



"Pareho lang tayong iniwan."panimula niya. Nalito ako sa sinabi niya.



"Umaasa ako na babalik siya. Umaasa ako na hindi niya ako iiwan. Kaso, iniwan niya parin ako."sabi niya.




"Ha?"Hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya. Kaya hinayaan ko nalang siyang mag salita.




"Si Dianne, sabi niya.. Mahal niya ako. Sabi niya, babalik siya saakin. Sabi niya babalikan niya ako. Anong nangyari? Iniwan niya pa rin ako."sabi niya.


"So, iniwan ka din pala ni Dianne? Saan naman siya pumunta?"takang tanong ko sakanya.


Umiling lang siya.



"Ang pagkakaalam ko ay namatay siya 2 years ago."panimula niya. Hindi ako makapaniwala. Bigla kong tinakpan ang bibig ko. Hindi ako makagalaw. Ang ginawa ko lang ay umiyak ng umiyak.


"P-paano?"tanong ko.

"Unang nabalitaan ko ay una daw namatay yung kuya niya. Binaril daw siya malapit sa dagat. Hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang bangkay niya, pero sa pagkakaalam ng iba, patay na siya."kwento niya.



"B-bakit?"Hindi ko mapigilang umiyak.





"Sa pagkakaalam ko, may naikwento si Dianne sa akin nung time na yun. Ang sabi niya, may gusto daw pumatay sa kanila. Isa daw silang gan"Hindi natuloy ang sasabihin niya ng may narinig kaming isang putok ng baril. Bigla niya akong at sabay kaming nagtago sa may puno.

"A-Anong nangyayari?"takot na tanong ko.

"Sshhh wag kang maingay. Baka marinig nila tayo."bulong niya

SCHOOL OF ALL UGLY #WATTYS2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon