Chapter 20

8 0 0
                                    

CHAPTER 20

Kevin's POV

Umuwi na ako sa bahay . Hinanap ko si Tintin pero hindi ko siya nakita.

"Manang, nasaan si Tintin."

"Pumunta raw po siyang bar."

"Anong oras siya umalis?"

"Mga hapon po, mga alas-3 po iyon."

"Alas-3?" Tumingin ako sa wrist watch ko. Alas-8 na, kanina pa siya wala rito sa bahay. Ewan ko, parang kinakabahan ako. Dahil hindi na ako mapakali, agad-agad akong sumakay ng kotse at nagmaneho papunta sa bar niya.

pagdating ko sa bar hinanap ko kaagad si Tintin. Nakita ko ang mga kaibigan niya doon at agad ko silang tinanong. Ang sabi naman nila kanina pa raw umalis. Kung kanina pa siya umuwi, bakit wala pa siya sa bahay? Lumabas ako sa bar at napagpasiyahang tawagan siya. Pero bago ko pa siya matawagan, may nakita akong pamilyar na kotse. Patakbo kong pinuntahan ito.

Kotse ito ni Tintin. Baka nandito pa siya kasi nandito pa yung kotse niya. Hinanap ko siya kung saan-saan pero hindi ko siya makita. Sinubukan kong tawagan siya pero out of coverage area. Sinubukan kong tawagan ang pamilya ni Tintin . Tinanong ko sa kanila kung nandyan ba si Tintin pero wala raw . Kung kani-kanino ako nagtanong pero wala pa rin si Tintin. Anong gagawin ko? Sinubukan ko ulit siyang tawagan at sa wakas sinagot niya.

"Hello, Tintin. Where are you ? Kanina--"

"It's nice to hear your voice again."

"S-sino 'to?"

"Sa ngayon hindi mo pa pwedeng malaman kung sino ako."

"Stop messing around, miss . Sino ka ba at bakit nasayo ang cellphone ng misis ko.?"

"Misis? Ang sarap namang pakinggan nun. Sana ako na lang." Tila tumigil ang mundo ko nang sabihin niya ang mga salitang iyon at tila tuluyang naging pamilyar ang boses ng kausap ko.

"Suzzeth?? Suzzeth, anong ginawa mo sa asawa ko? Ilabas mo siya. Buntis siya at baka kung anong mangyari sa kanila ng anak ko."

"Edi mas mabuti. Hahahahahaha !"

"Suzzeth, pakawalan mo na ang asawa ko."

"Pakakawalan ko siya, sa isang kondisyon."

"Lahat gagawin ko. pakawalan mo lang ang asawa ko."

"Magaling. Simple lang naman ang gusto ko, eh . Ang presensya mo."

"Yun lang ba? Oh, sige. Makuha ko lang ang asawa ko."

"Pero binabalaan kita, wag kang magtatangka na magdala ng pulis. Ikaw lang dapat ang pupunta rito." Sinabi niya sa akin ang location kung nasaan sila. Sinabi ko na rin ito sa pamilya ni Tintin at sa pamilya ko . Tinulungan nila akong tumawag ng pulis kahit na pinipigilan kong wag nilang gagawin iyon, ngunit mapilit sila kaya wala na akong magawa kundi ang hayaan sila.

Wala dapat masamang mangyari kay Tintin at sa baby namin.


Dali-dali akong sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa bodegang sinabi ni Suzzeth. Pinipilit kong maging kalmado sa sitwasyon na ito kahit alang-ala na ako. Sino ba namang hindi mag-aalala sa ganitong sitwasyon?

Pagdating ko sa madilim na lugar na iyon ay dali-dali akong bumaba ng kotse at hinanap si Tintin.

"Tintin! Tintin!" Sigaw ko. "Tintin! Suzzeth, nasan ka?! Nandito na ako, ilabas mo na si Tintin!"

"Salamat at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon." 

"Suzzeth. Suzzeth, nasaan si Tintin? Ilabas mo siya."

"Ako ang nag-imbita sayo rito tapos si Tintin ang hahanapin mo. Ang sakit. Hahahaha!"

"Stop messing around, Suzzeth. Wala akong panahong makipagbiruan sayo. Ano bang pumasok sa isipan mo para gawin tong p*tng *nng bagay na 'to?"

"Dahil alam kong sa paraang ito lang makukuha kita."

"Kasal na ako, Suzzeth at mahal ko si Tintin. Kasalanan mo rin naman dahil muli kang sumama sa ex mo, tapos ngayon babalik ka sakin? Pasensya na Tintin, hindi na ako sasama sa iyo." Itinaas niya ang kaniyang kamay. May dalawang lalaki na lumabas dala-dala si Tintin.

"Tintin!"

True Man 2: MY MR. RIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon