Dadaan Lang

508 6 1
                                    

Maraming beses kong tinanong sa sarili ko kung hanggang saan ba? Kung may mananatili ba, o dumadaaan lang talaga para saktan ka.

Hindi ko alam kung alin ka ba talaga sa dalawa.
Ikaw ba ang mananatili, o dadaan lang talaga.

Gulong gulo ako.
Alam ko kung ano ang pormulang pinaguusapan ngunit di ko alam kung paano ko sisimulan.
Kung ano ba ang hinahanap sa tanong. At kung anong hahanapan ng solusyon.

Akala ko, sapat na ang mahal kita hanggang dulo. Pero hindi.
Sa dalawang salitang iyon na araw araw kong binabanggit kinakailangan ng kaakibat na Kasiguraduhan.
Na kung bukas makalawa yun padin ba ang nararamdaman.
Nagkakalabuan.

Bawat oras na kasama kita
Bawat pagtingin ko sa iyong mata. Isa lang ang tanong. Mananatili kaba?

Sinusuong ko ang karagatan, tinitignan kung mayroon bang katapusan. Kung mayroon bang hangganan ang ating nasimulan.
Pero wala akong makitang sagot. Tila pinagkakaitan ako, kaya bumalik ako sa laot.
Tinignan kong muli kung paano tayo nagsimula.
Kung paanong nasabi mo sa akin ang salitang 'Mahal kita' 
Pero malabo parin.
Kaya't kinuskos ko ang aking mata, na baka sakaling may dumi lang kaya di ko masyadong makita.

At sa wakas. Nakita ko nadin.
Pagtapos kong kuskusin, tila mga alikabok ang sumama sa hangin, at ngayon din. Nakita ko na. Nahanap ko na ang sagot sa nakakalitong pormula. At ito na nanga. kung alin ka ba sa dalawa, Mananatili, o dadaan lang talaga.

At dumaan ka lang talaga.
Kasi iniwan mo din ako bandang gitna. Pero maituturing ko bang gitna ang winakasan mona?
Winakasan mo ng bigla?

Pinaglaruan ako ng Tadhana.
Akala ko kaya tayo pinagtagpo kase mayroong tayo hanggang dulo pero maling mali ako. Maling mali akong nagpasanib sa tadhanang mapaglaro.
At hindi lang pala si tadhana ang may kagagawan nito kundi pati si kupido na nanlabo na ata ang mata dahil mali ang pinanang puso.
Nakakaloko.

Nakakaloko dahil wala na kong madudugtong sa sinimulan nating kwento.

Pero sige ilalabas ko na.
Hahayaan kong maubos ang tinta.
Hahayaan kong kumupas ang mga salita.

Gusto kong magsulat ng masayang kwento at masayang tula.
Pero simula ng iwan mo ko, nagbago ang aking timpla.
Tila ang tinta ng panulat ko pangalan mo ang ginuguhit nito.
Na kahit ang ginuyumos kong papel bumabalik sa pormal na itsura nito.
Gusto ko mang pagisipan ang tula ko tungkol sayo, hindi ko magawa. Dahil tila ang mga letra na lumabas sa bibig ko, at lahat ng letrang isinusulat ko ay galing sa puso ko at nararamdaman ko buhat ng pagbibigay sakit mo.

Ginusto ko, Ginusto ko palang magpakatanga.
Kaya pala hindi ko masyadong makita dahill pinuwing mo ang aking mata. Mabuti't naisipan kong kuskusin ang mga mata ko. Kaya naging handa ako sa pagdaan mo.

Ginusto ko, ginusto kong manatili ka. Pero ng maliwanagan ako sa pormula, Wala akong magawa kasi Dadaan ka lang talaga.

Marahan kong binubura ang pangalan mo sa aking puso, pero hindi ko magawa. Dahil kasabay ng pagbura ko ang hapdi, ang pait, at ang sakit. Tila hirap na hirap akong kalimutan ka. Hindi ko matanggap na dadaan ka lang pala talaga. At gumamit pako ng maraming pambura. Pero hirap na hirap parin akong tanggalin ang nakaraan sa ating dalawa. Ang hirap mong Itapon ang hirap mong isantabi, dahil kahit ang tinta ng panulat ko sayo pumapalagi. Ang mga salita at pangakong iyong dating idinikta patuloy paring bumububulong sa aking tenga, dahil hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na dadaan ka lang at mawawala sa isang iglap. Dadaan, dadaan kalang talaga. Dumaan ka lang talaga.
Dumaan para pasayahin ako, pero kapalit nito ay luha ko.
Dumaan para panandaliang alagaan ako, pero kapalit ay ang nakakaawang ako.
Dumaan para iparamdam sakin ang sandaling pagmamahal, pero kapalit ng mabilisang pagpapaalam.
At Dumaan, dumaan para lamang ako'y saktan. At maniwala sa isang katagang.
Ang inakala kong mananatili sa aking tabi, dinaanan lang pala ako para sa isang malupit na pighati.

- Rconpash ❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon