#Fear 35-Pt.2: They Don't Exist

2.8K 87 3
                                    

#Fear 35-Pt.2: They Don't Exist


Keina's POV

(Keina) Blurred version para intense

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Keina) Blurred version para intense. Hahahaha! 


Kanina pa kami naghihintay dito sa isang cafe kung saan laging pumupunta si Blaire Cortez, ang schoolmate naming kailangan naming manmanan. Higit isang oras na kami dito at dalawang coffee-based frappe na ang nauubos ng pinsan kong si Mj. Si Jin naman kain lang nang kain ng cake. Tinitipid ko na nga lang din yung sipsip ko dito sa cream-based frappe na inorder ko.

"My labs, kain ka ng cake oh, tulungan mo'ko." Nakangiting inilapit ni Jin yung tinidor na may cake sa bibig ko.

"My babes, ayoko na ngang tumaba ulit." Inilayo ko yung bibig ko sa cake.

Sumimangot naman siya at isinubo na lang niya 'yon.

"Hindi ka naman kasi tataba, Kein. Kahit tumaba ka pa mamahalin pa rin naman kita."

"Haru!" Sinundot ko siya sa noo. "Ikaw lang yung kilala kong gangster na ganyan kasweet!"

"May mga kasama ako ah, pero konti lang kami. Swerte mo nga eh."

"Oo na, sige na. I love you na." Kunyari napipilitan pa'ko. Hahaha!

Ngumuso siya kaya mas lalo kong nakita ang full-sized lower lip niya.

"I love you too, carebear." Sagot niya sabay subo ng cake sa'kin. Kinain ko na lang at baka magdrama pa siya lalo.

"Ew, carebear." Reklamo ko sabay hagikhik. Ganun na rin siya.

"Walang maisip eh."


Matapos naming magharutan ay nilingon ko ang pinsan kong parang out-of-this-world. Busy siya sa pagkalikot ng S-Pad niya at hindi niya alintana ang lovers na naglalandian sa harap niya. Kami ni Jin yung lovers na tinutukoy ko. Bwahaha!


"Anyway, tama na itong kilig moments natin." Bumuntong-hininga si Jin at tumigil na sa pagkain ng cake.

"Hay salamat at dumating na rin si Gangster Jin." Ngumisi ako at tinapik ko siya sa kanang balikat. Kinindatan lang niya'ko.


Baliw na 'to! Yung puso ko nagwawala, my gasss!


"She's here." Imik ni Mj sabay titig sa'kin, pagkatapos ay ngumisi siya.


Ew! Acting cool! Palito naman. Hahaha jk!


Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon