"hoyyyyy!!!!"
"na miss kita, payakap nga!! wow ang pogi mo na hindi tulad ng dati nung bata pa tayo, bungi ka, ma itim, kalbo, walang pakielam sa sarili kahit sobrang dumi mo, at maliit pero ngayon ang porma mo na, may style na buhok mo, ang puti mo na, ang ganda na ng ipin mo, ang tangkad, ang linis!!"
ang laki ng pinag bago mo, ano may girlfriend kana ba? san ka mag aaral dito? kelan? pero wait.. kumain kana ba? tara punta ka muna samin? or punta muna tayo ng mcdo, pero syempre libre mo kaw galing ibang bansa!
[hi guys, yan nga pala bestfriend ko si anne.. kakauwi ko lang ng pilipinas pero putak na ng putak, ang ingay, ang kulit, nakakarindi un boses ang tinig pa!! pero hindi ko naman ma sisisi kung madaldal sya ngayon kasi 10 years din kami hindi nag kita, ang hirap kaya ng malayo ka sa bestfriend mo, pero ngayon nasa pilipinas na ulit ako babawi ako sakanya]
limang minuto palang tayo nag kikita ang dami dami mo na sinsabi, ano pogi ko na ba? ganun talga kaya wag ka masyado didikit sakin baka akalain yaya kita ;)
"WOOOW naman po!!!! Alam mo ang dami nag bago sayo pero yang kayabangan mo nandyan padin!! ge ganyan ka!! porket nag ibang bansa ang taas na ng tngin mo sa sarili mo dapat pala hindi nalang ako sumama sa pag sundo sayo!!!"
eto naman, ang pikonin mo padin no? syempre joke lang un!!!! payakap nga!!! na miss kitang maliit ko bestfriend, na ang panget nuon.... pati ngayon HAHAHAHA
"(grabe to si antonio maka yakap miss na miss ako hahaha) hoy teka tama na hindi nako maka hinga sa yakap mo, may bukas pa!!!"
Anthony's mom: oh yung mag bestfriends nag kita na pala hinahanap ka namin ng daddy mo sa loob eh, grabe ang laki niyo ng dalawa, parang dati nag tatakbuhan lang kayo sa labas ng bahay tapos ngayon haayy tumatanda na talga ako.
yuck ma ang drama mo naman!
"Oonga tita tama na yang ka dramahan mo mas mag mumukha kang matanda nyan sige"
Anong mas mag mumukhang matanda? matanda na talga yan!!
Anthony and Anne: HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA
Anthony's mom: hay nako parehas na prehas padin kayong dalawa pag trip niyo trip nyo, wag kayo mag kaka hiwalay ha!! oh ano na plano niyo?
bahay muna tayo mom, im really tired.
"ANG CORNY MO NAMAN!!! KAIN TAYO SA LABAS"
pagod ako pewedeng bukas nalang?
"k whatever"
cute mo talga mag tampo sige na kain nalang tayo sa labas.
"Lakas ko talga sayo eh no! hahahah ;)"
[nung nasa car kami napag usapan namin kung saan ako mag aaral kung ano course kukunin ko, sabi ni mom sa school nalang daw ni anne, gusto ko sana pero matalino kasi un si anne hindi ko alam kung kakayanin ko sa school nya.]
"Bestfriend!! sa La salle ka nalang para iisang school lang tayo, at para hindi ka mahirapan mag adjust kasi nandun naman ako, you know medjo sikat ako sa school at pwede kita ipakilala sa mga friends ko dun HAHAHAHAHHA joke lang"
Anthony's mom : Oo nga, dun ka nalang, enroll na tayo next month.
Teka lang ha, hindi ko pa nga alam course ko mom, ikaw ba best ano course mo?
"HRM ako best, ikaw ano balak mo?"
Hindi ko alam eh, pero gusto ko din sana mag HRM
"Eh di go!! malay mo maging kaklase pa kita!!!!!"
hmmmm pag isipan ko muna mabuti.
[Ang choosy naman nito ni tonio, ayaw kami mag kaklase? on the way na kami sa mcdo, ugh sobrang gutom nko gusto ko...........]
"Napa hinto si anne sa ginawa ni Anthony"
[kanina ko pa gusto hawakan kamay nito ni anne, sasabihin ko naba sakanya? ang tagal ng ko din hinintay ko.. aamin na ba ako sakanya? ang ganda nya talga mga mata nya, labi nya, parang ang sarap halikan.. shit hindi pwede to! baka masira friendship namin..]
"Hoy! sira bat mo hinahawakan kamay ko?!!"
Ha? wala sorry hinitignan ko lang kung malambot na kamay mo! naalala ko kasi dati sobrang gaspang ng kamay mo pag nag lalaro tayo!
"AH????? okay?"
[Shit ano ba naman ung excuse ko ung, nahalata nya ba? sana hindi..]
oh nandito na pala tayo tara babana sa kotse
"Wow naman ang gentleman mo na din!! pinag bubuksan nko ng pinto."
syempre no, pogi at gentleman ako, ano gusto mo dito treat na nga kita
"ay taray! osige gusto ko, eto eto eto eto eto at eto"
wow kaya ang taba mo kain ka ng kain!!
"eto naman minsan lang tayo kakain!!!"
after one month..