/Balik tanaw sa aking nakaraan/
Noon, madalas kaming pawis na pawis ni Ging buhat ng paglalaro sa labas at pagtakas kay inay. "Haaayy" Napapabugtong hininga nalang ako habang inaalala ang mga pangyayaring minsan ay nagpasaya saakin, hindi ba't kay sarap isipin na ako'y napakaswerteng may kakambal na laging andito para saakin? Dati rati pa'y kapag ako'y inaaway, si Ging ay sasasabunat kung sino man iyon at sabay mura "Walangya ka wag mo ulit aawayin ang aking kapatid." Siya rin ang kalakip ko tuwing may suliranin ako sa pagaaral. Oh heto na pala siya eh.
"Ging!!!" Sigaw ko sa aking kapatid na kaytagal tagal ko nang hindi nakita sabay yakap sakanya ng sobrang higpit ni ayaw ko nang bitawan pa.
"Ano ba Nadia ayan ka nanaman wag ka nga madrama! Haha Miss narin kita bakla!" Gitgit pa ni Ging, Hay nako namiss ko lang naman siya eh. Minsan tuloy iniisip ko na parang ayaw niya na saakin.
"Bakit kinahihiya mo na ba ako?" Bigla nalang lumabas sa bibig ko habang tumutula ang luha buhat ng kalungkutan
"Hala si Ate ang drama parang iyon lang" Naisabi nalang niya. Oo nga naman kase bakit ba ang drama ko. Natawa nalang tuloy ako sa sarili ko hahahahaha.
"Hay, ewan ko sayo diyan ka na nga BALIW" Tukso pa neto ni Ging.
San nga ba nanggaling si Ging bakit ngayon lang kami uli nag kasama? Kasi umalis sya, ay hindi hindi, hindi siya umalis.
joke lang eto naman hindi mabiro. Eto kasi yun, baliw ba ako? Hindi seryoso 'tong tanong, baliw ba ako?! Oo, ayan ang dahilan ng pagiwan saakin ni Ging, baliw daw ako. Sabi nila kinakausap ko raw ang sarili ko, hindi naman eh.
Habang kami ay pauwi sakay sa isang sasakyan, (ano gusto mo truck luh? patawa lang corny mo he!) may nakita akong isang ilaw na napakaliwanag saba'y isang sobrang lakas na tunog. Bigla nalang nabalot ng kalungkutan at katakutan ang aking katawan ang nasa isip ko nalang ay ang aking kapatid
"GING GING GING GING GING" Sigaw ko ng paulit ulit habang takot na takot ang aking katawan natuto pa akong talikuran sa oras na eto.
+ + +
toot toot toot Tunog ng aming orasan, oo alam ko kakaiba ang tagok niyon pero hindi ko nalang pinapansin
"HOY GING GUMISING KA NA MAY PASOK PA TAYO, HINDI NA PWEDE NA MAG ABSENT KA NALANG LAGI HUY GUMISING KA NGA LESH" Sigaw ko sakanya ngutin kapagtataka dahil wala akong narinig ni isang sagot mula sakanya, mula ng araw na iyon.
"TAMAD" Dag dag ko pa.
Bahala na nga siguro naman susunod nalang siya sa eskwela.
Bumaba nalang ako at kumain subalit bakit ganoon bakit ganyan sila makatingin? May mali ba saakin? Naitatanong ko lagi sa sarili ko.
Bahala na nga lang rin, hindi ko nalang rin papansinin.
Bago ako lumabas tinawag ko ng isang beses si Ging, at nakita ko si Inay na bumuka ang bibig tila may gusto siyang iparating saakin.
Naglakad ako papuntang eskwela dahil hindi ko pakiramdam na sumabay sa service ngayon. Masyado malungkot ang araw na ito. Halos mabaliw na ako kakaisip "Baliw" sigaw ng isang bata na mga walo o siyam na taong gulang. Hala? Ako baliw para sabihin ko sayo maganda ako luh ano connect? hahahahaha tinawanan ko nalang ulit sila upang hindi na lumaki pa ang gulo. Ngunit ng isa pa niyang sabi "baliw baliw baliw" Namuo ng galit ang aking mga mata at sinimulan ko ng ibuka ang aking magaganda labi "Lagot ka kay Ging, papatayin ka niya" Banta ko sakanya, "lumayo ka sakin, baliw" Sabay takbo niya. Ganoon ba ang mukha ko? Maganda naman ah, teka nga. Inalabas ko ang cellphone ko at tinignan ang mukha ko sa harap ng camera, ay oo nga "RAWR" hahahaha! Ganda ko forever. Hindi ko napigilan ang sarili ko para mag selpi kaya ayun eto pa nga ang caption "Ganda ko talaga, RAWR"
Hindi ko nalang inisip ang sinabi ng musmus na bata at patuloy nalang akong naglakad sa aking napakahabang lalakbayin, choss, Ayan na pala eh malapit na ang eskwelahan ko.
Habang papasok ako ng aming napakalaki at malapad na pintuan, napahinto ako nang masilayan ang ilang istudyanteng nakatitig sa akin, hindi kadudadudang namangha lamang sa kagandahan ko. "Hirap maging maganda" Parinig ko sa mga fans ko.
Isang babaeng hanggang beywang ang buhok na medyo may pagkakulot ang lumapit saakin at itinaas ang kilay "Asan si Ging?" Tanong nya habang nakapamewang.
Aba, napakataray mo ah "Hindi siya papasok, okay?" isinagot ko sakanya.
Natawa siya saakin at lumayo hanggang hindi ko na siya makita.
"joha joha joha" "Ay, may notification ako sa facebook, hula ko may nagcomment na maganda ako"
Comments:
Cielo Almeda: Haha, ang pangit mo! Nays @Joshua bagay kayo.
Joshua: Tumigil ka nga kadiri, baliw yan eh.
Zoe: What a peys hahahahahhaha
Erika: hahahahaha apir tayo zoe
Erika: Yih, kiligz ka naman Joshua
Jasmine: Ano yan?
Joshua: @Erika baka kilig?
Kinilig tuloy ako nung nagcomment si crush sa photo ko: Si Joshua. Sus kunyari pa yan may gusto rin naman saakin. Pakipot. Nagcomment nalang ako ng,
Me: hahahahaha
Nang humantong na sa aming lunch, tulad ng araw araw ay "Asan kapatid mo?" "si Ging?"Ang laging sumasalubong sa mukha ko "Hindi nakapasok" ang tanging sagot ko.
Nang paguwi ko nahuli ng aking mata ang aking mga magulang na nakatayo sa living room: Ibigsabihin ay may masamang nangyari.
"Anak, kaylangan mo nang tanggapin, patay na si Ging, mula nung nabangga kayo ng kotse nung kayo'y pauwi na galing airport" Sabi ni itay habng lumuluha.
"Hahaha, patawa ka 'tay, hindi lang nakapasok patay agad? Pumasok naman siya eh kahapon."
"Anak" Sabay tulo ng luha habang humihinga ng malalim "Wala na siya matagal na."
"Hindi, hindi iyan totoo" Sigaw ko habang nagwawala.
Pumasok ako sa isang silid, may isang maliit na salamin na nakasabit sa may bandang itaas ng aking table. Tinignan ko ang sarili ko at kinausap. Iniisip ko na ako si Ging at siya ako at kami'y iisa dahil sa katotohanan na kami'y iisang mukha lamang. Mahal na mahal kita, magkikita rin tayo. Sabi ko sa isip. Nang wala na ako maiisip pa at pagod na rin ako sa kakaisip ng ano ba talaga ang katotohan iniharap ko ng napakalaks ang aking maganda kamay sa salamin at eto'y nabasag, kumuha ako ng kapiraso at nagtungo sa aking higaan, doon natulog ako kasama yon at ang aking mga panaginip
Ako lang pala, nagpakatanga ako, nagpakabaliw para sa kapatid kong matagal ng nawala, ginawa ko ang lahat ng gayo'y mapaniwala silang buhay pa talaga siya. Ako lang pala nagpanggap na siya para makapasok siya sa klase.
Mahal na mahal kita, magkikita rin tayo. Sabi ko sa isip ng paulit ulit.
Mahal kita
aking
tanging
kapatid
. . .
. . .
. . .
Paggising ko ng kinabukasan ay ang aking kapaligiran ay tila paraiso, napakanda, napakalaki, at napakasaya.
Doon ko nalang na laman na ako'y patay na.
BINABASA MO ANG
Twin Sister
Short StoryMagandang araw saiyo, ako nga pala si Nadia Tobias kasalukuyang nasa ika-tatlong baitang ng mataas na paaralan. Ako ay may kakambal na nagngangalang Ging Tobias. Napakasaya namin, lagi kaming parehas ng damit at sapatos. Pareha din kaming hanggang b...