Confession ♥

355 12 19
                                    

"Bakit ba ang mga babae ngayon, sila pa yung nanliligaw sa mga lalaki? Araw-araw bigay nang bigay ng mga tsokolate, cake, lunch, at pati rosas! Gusto ba nila punuin yung bahay namin ng mga rosas at tsokolate?! Magkakasakit ako niyan eh! Tapos ikaw Ronna! Hindi mo naman ako tinutulungan ubusin yung mga yon! Pinagtatawanan mo pa ako! Tapos blah blah blah!" putak ng bestfriend ko. Aish! Umagang-umaga reklamo agad ng reklamo!

"Tumigil ka nga sa pag-dada diyan Andrei! Umagang-umaga eh! Tara na! Pumasok na tayo! Dalhin mo na lahat yan!"

"O tignan mo? Hindi mo ko tinutulungan! Ang dami dami kaya nito! Ronna! Dalhin mo man lang yung mga tsokolate oh! Tulungan mo kaya ako!"

"Heh! Bahala ka! Bilisan mo kaya! Ikaw 'tong lalaki diyan eh. Bilisan mo! Malelate tayo!"

"Tss. Ang hirap talaga pag gwapo. Ang hirap maging habulin ng babae! Dapat hindi na lang ako naging sobrang gwapo eh. Okay lang sana kung ganun, kaso hindi naman ako tinutulungan nitong BESTFRIEND ko!" mariin niyang sabi habang sinusundan ako dala yung mga regalong bigay sa kanya ng mga manliligaw niya.

"May sinasabi ka?"

"Wala ah. Wala kaya akong sinasabi. Ang totoo pa nga niyan nagpapasalamat ako sa BESTFRIEND ko. Salamat sa tulong ha?" mariin niya ulit na sinabi habang nakasimangot. ABA? Ginaganyan niya na ako ngayon?!

"Naku Andrei! Ginaganyan-ganyan mo na ako ngayon?! Ha?!!"

"Nagpapasalamat lang eh. Ayaw pa," bulong naman niya habang nakatingin sa lupa.

"GRR! Bakit kasi hindi ka na lang maghanap ng girlfriend mo? Edi sana hindi mo ko iniistorbo ngayon! Andami-dami namang nagkakandarapa diyan sa panget mong mukha eh. Tiyak kapag niligawan mo yung isa sa kanila, sasagutin ka kaagad! Hindi yung lagi mo kong kinukulit!" sabi ko sa kanya habang nakatingin lang ng diretso, "Atsaka--- HOY! Bakit ka tumigil diyan? Bagal mo maglakad! Malelate tayo niyan eh! Lagot nanaman tayo!"

Shiz. Ang bagal bagal na nga maglakad dahil sa mga dala niya, huminto pa? Anong inaarte-arte niya diyan at may payuko-yuko pa?

Nilapitan ko naman siya at sinundot-sundot sa tagiliran niya, "Hoy. Anong drama yan?" But still, nakayuko pa rin siya. Hindi ko naman makita yung mukha niya kasi nakatakip yung bangs niya.

GOOOOOSSSHHH. Ang gwapo pa rin kahit saang anggulo! Hihihi! Actually, crush ko kasi yang bestfriend ko. Di ko nga alam kung crush pa ba 'toh eh. 4 years ko na kasi siyang crush. Eh sabi dun sa GM ng classmate ko, "Based on psychological study, a crush only lasts for a maximum of 4 months. If it exceeds, then you are already in love."

Edi love na pala 'toh noh?

Kaya kahit hindi halata, kinikilig ako sa tuwing kinukulit niya ako. Nagtataka nga lang talaga ako kung bakit simula nung pumasok kami sa eskwelahang ito at simula nung nagkakilala kami, wala pa siyang nililigawan kahit isa. Humahanap lang kaya siya ng tyempo para ligawan ako? Hihihi! Joke lang!

Sinilip-silip ko naman yung mukha niya, "Huy. Sorry na. Promise hindi na kita aawayin. Tutulungan na din kita diyan sa mga dala mo. Huy, Sorry naaaa~ Please?" sabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla na lang niya tinaas yung ulo niya at ngiting-ngiting tumingin sakin, "Talaga? Sabi mo yan ha! Walang bawian! WAHAHAHA!"

Pulang-pula na ang mukha ko sa sobrang inis, "Aish! Bwiset ka! I hate you!"

"I love you too! HAHAHA! O dalhin mo na ito ah. Sakit na ng balikat ko eh. Kahit ito na lang bag ko. Kawawa ka naman eh. Salamat!" at bigla na lang niya binagsak yung bag niya sa lupa atsaka tumakbo.

*blush*

I-I love you daw? O///O

"HMP! Lagot ka talaga sakin Andrei!"

Confession ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon