ika-walong Kabanata

295 12 0
                                    

Wendyl

Naglalakad ako papunta sa room ng directress ng maalala ko ang pinagusapan namin ni Al sa phone matapos yung kissing scene sa infemary.

* Flash Back *

Nakatulog na si Ro ng makatanggap ako ng txt mula kay Al. Alam kong nahihirapang matulog si Ro tuwing gabi kaya 1 hour and 30 mins na gising ang diwa nya bago siya tuluyang makatulog. Sinabi sa akin ni Aliana na ganoon daw matulog si Ro. Binantaan nya rin ako na kung matutulog na daw kami ay dapat mauuna ako. Tsk. Ako pa naman ay puyatero kaya sabi nya kapag gising pa ako intayin kong matapos ang 1 and 30 mins para tulog na tulog na sya. Naku naman.

Ganito 'yong txt ni Al sa akin.

Al: Wends, gising ka pa? Punta ka sa labas ng quarters nyo tatawagan kita. Txtbc asap.

At ayun nga lumabas ako tutal tulog na si Ro hehehe. Ano nanaman kayangproblema nitong besplen ko.

Me: tol,dito na ako sa labas pwede mo na akong tawagan.

Ilang sandali lang ay tinawaga nga niya ako. Sarap i-end nung call pero mukhang seryoso ang g*g* hahaha..

Sinagot ko na tapos angbungad ba naman sa akin ay napakalakas na..

"Wwwwhhhhhhhhhhaaaaaaaaa...." langya.. ang sakit sa tenga nun ah.

Teka nga nasaan ba ito at ganitong oras ay nakakasigaw pa sya? May nangyari na kaya dito?

Ikinagulat ko ang narinig ko, Patay... patay talaga ako sa mama nya kapag may nangyaring masama sa kanya.

"Hoy Tol, ano kamusta yung kiss? Masarap ba? Hahaha." Takte yan ako nag-alala? Tapos siya... tsk. Kainis. Bwisit talaga to ah. Mangaasar lang pala pinag-alala pa ako. Nakakasuya men. Hayyy..

"Ano dali para ka naman tuod dyan."

"Di maka intay ng bukas at kailangan pa akong bingihin at pagalalahin para lang sa nangyari sa infermary." Walang kagana-gana kong sagot. Gusto kong patayin 'tong taong 'to kung hindi ko lang talaga ito bestfriend matagal ko na 'tong pinasalvage.

"Sorry na Tol, lam ko namang labs mo ko kaya patatawarin mo rin ako." Ang kulit ng boses nya mukhang siya ang naligayahan dun sa halik at hindi ako.

"Oo na, oo na. Pero pwede ba sa susunod Atentar wag magsisigaw dyan. Nasan ka ba at pupuntahan na lang kita." Seryosoyung tanong ko sa kanya pero nagawa pa rinniyang tumawa. Pupunuin ba talaga ako nito. Kaasar na e. Naupo na lang ako sa harap ng silid namin pero sa gilid na ako ng pinto umupo mahirap na baka bumukas e mapahiga pa ako ng wala sa oras.

"Opo mama." Sarkastikong sagot nya. Binabaan ko nga. Nakainis na talaga e. Ilang sigundo lang tumawag sya ulit. Ini-end ko yung call pero tumawag ulit ganoon ulit ang ginawa ko tapos hindi na siya tumawag.

Papasok na sana ako ng biglang may nakita ako palapit sa silid namin. Si Al at pawisang-pawisan.

Baliw talaga. Takbuhin ba naman simula sa field hanggang dito? Alam kong nasa field sya kanina doon lang naman siya malayang makasigaw e. Isa pa puro damo yung damit nya.

"Sorry na Tol, pinagalala kita."

"Dapat lang paano kung napahamak ka, ano na lang sasabihin ko sa ate mo at sa mama mo ha. Baliw ka talaga. Hay!" Napahilamos na lang yung kamay ko sa mukha ko sa sobrang frustration. Tumalikod ako bahagya sa kanya hindi naman agad nagsalita si Al.

Napaharap ako ng makarinig ako ng paghikbi. "S-sorry na Wends, huhuhu.. nasa field ako kanina at nagpapahangin. Sorry na." Hay naku ayan na nga ba ang sinasabi ko e. Sobrang saya kasi kanina kaya ngayon iyak lang ng iyak.

Nasa PAMBABAE akong Eskwelahan?! (NPAE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon