XI

124 4 0
                                    

Naka upo ako ngayon sa swing habang pinapanuod maglaro si Jihoon at Jiyong sa slide. Parang ang saya saya nila. Hindi ko alam kung bakit pero sumagi sa isip ko na kung pano kaya kung hindi ko nilayo si Jihoon. 

 

 

UGH. Hindi! I made the right decision. Delikado na kami dito ni Jihoon. Kailangan na namin umalis uli. 

 

Siguro pabayaan ko muna sila ngayon para naman atleast, diba? Haynako. Ang gulo talaga ng utak ko. 

 

Napalingon ako ng marinig ko yung bell ng ice cream. 

 

Tumayo ako ng napagdesisyonan kong bumili. Bilhan ko narin kaya si Jihoon? Hmm. Sigurado kasing naiinitan na yun. 

 

"Manong, dala.... Tatlo nga po. Yung 10 pesos." Sabi ko habang sinisilip pa ung flavors. 

 

"Manong, isa pong 10 pesos." May sumulpot bigla sa tabi ko. Nang makita niyang napatingin ako, ngumiti siya kaya gumanti narin ako ng ngiti. Kita pa ung dimples niya nung ngumiti siya. "Ang dami mo naman binili." Sabi niya bigla. Sigurado akong ako ung kausap niya since kaming dalawa lang dito or baka naman si Manong kausap niya. 

 

"Hindi lang naman para sakin." Sagot ko habang pinapanuod si Manong magscoop. Ang sarap~ 

 

"Boyfriend?" 

 

Napatingin ako sakanya. "Ha?" 

 

"Para sa boyfriend mo?" Sabay turo niya sa ice cream. 

 

"Ah! Para sa.." 

 

"Mag-ama niya. Excuse me, pre." Nagulat ako ng biglang ibigay ni Jiyong sakin si Jihoon na buhat lang niya kani-kanina. Ipabuhat ba naman sakin bigla. "Oh, dyan ka muna kay Eomma. Ako na kukuha sa ice cream natin." Sabi ni Jiyong kay Jihoon. "Dun na kayo, hon." Sabay tulak sakin ng mahina. 

 

"Sige ah." Sabi ko dun sa lalaki at ngumiti. Tumingin naman ako kay Jiyong. "Ikaw na magbayad dyan." Sabi ko at nagbelat bago ako maglakad palayo. 

 

Seloso talaga kahit kailan. 

 

 

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako. 

 

 

** 

 

 

Naka upo kami ngayon sa harap ng TV ng living room. Nasa gitna namin ni Jiyong si Jihoon pero wala samin ang nagsasalita. Nakatingin lang ako sa TV kahit ba hindi ko naman maintindihan ang pinapanuod. 

 

Natatakot ako. Natatakot ako sa mga itatanong ni Jiyong. Hindi ko alam ang mga isasagot ko. Isa lang sa sure ako at ayun ay ang hindi ko idedeny na anak ko si Jihoon... Pero idedeny ko ba kung tinanong niya kung sakanya si Jihoon? Shet. Bakit kasi nalaman niya agad?

 

Nagulat ako ng may naramdaman ako sa tabi ko kaya napatingin ako agad. Nakatulog na pala si Jihoon at nakasandal na siya sakin. Inalalayan ko ung ulo niya at tumayo. Sakto naman tumayo din si Jiyong. Saglit kami nagkatinginan pero umiwas ako agad. Bubuhatin ko na sana si Jihoon. 

 

"Ako na." Sabi niya ng mahinahon. Kaya umusog nako at pinabayaan siya. Nang binuhat niya si Jihoon, hindi ko alam kung ano meron pero nakaramdam ako ng saya. Para kaming isang pamilya.. Kung hindi lang.. Napabuntong hininga ako at agad naman napatingin sakin si Jiyong. "San ko siya dadalhin?" 

 

"Ah, eh... Sa t-taas nalang. Sa kwarto niya." Sabi ko ng hindi makatingin sakanya. Tumango siya at naglakad na paakyat. Nakatingin lang ako sa likod niya. 

 

Masama ba? Masama ba na ipinagkait ko sakanya si Jihoon dahil lamang niloko niya ako? Feeling ko talaga ang sama kong ina kasi hindi lang naman si Jiyong ang pinagkaitan ko ng karapatan.. Pinagkaitan ko rin ng karapatan si Jihoon makapiling ang appa niya. 

 

"Aaw." Nagulat ako ng bumangga ako sa isang matigas na pader. Pero mas nagulat ako ng lumingon ito. SI JIYONG PALA =__= 

 

Narinig ko siya tumawa ng mahina. "Ayos ka lang? Para kang lutang." 

 

Umurong ako ng unti at tiningnan si Jihoon. Naihiga na pala niya si Jihoon sa kama. Huminga ako ng malalim at lumabas na ng kwarto. 

 

Pano ba 'to? Paalisin ko nalang kaya siya agad para di na kami makapagusap? Ugh. Shet. Naramdaman kong nasa likod ko na siya kaya lumingon nako. 

 

Ngumiti ako ng malapad. "Uy salamat ah." 

 

Ngumiti lang siya at naglakad pababa. Sa baba nalang ba siya magtatanong? Impossible kasing di siya magtatanong eh. Knowing him.. 

 

Dumeretso na siya sa pinto. "Salamat din pala sa time." Sabi niya at binuksan ang pinto. Nakatitig lang ako sakanya at nagsimula na siyang maglakad palabas ng gate. 

 

"Ay oo nga pala, may nakalimutan ako itanong..." Napasinghap ako. SHET. ITO NA BA YUN? 

 

"A-Ano yun?" 

 

"Ano kasi..." 

 

Mas lalong tumalbog puso ko. Shet. Ano baaaa. 

 

"A-Ano?" 

 

"Si Jihoon..." Putcha! Ayan na! Kailangan pagisipan ko na isasagot ko. Ughh.... Omg. 

 

"A-Ano?" 

 

"Pwede ba siya sa Friday? I mean kayo? Kasi may bagong open na kid's shop sa mall, gusto ko sana isama kayo. Okay lang ba?" Napanganga ako sa tanong niya at napatango nalang. 

 

Nakanganga lang ako hanggang naka alis na siya. 

 

Shet. Ito na ba ung tinatawag nila na reverse psychology? PAKSHET. 

Only Look At MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon