"Krrrng! Krrrng!"
Oras na para gumising. Kailangan kong bumangon kahit pa napakalasa ng gravitational force ng kama ko. I must be in the gymnasium before 7:30AM, magpapraktis pa kami ng cheerdance para mamaya sa championship game ng basketball team namin. Baksetball game? What the heck?! Damn it! Si Richard Habagat na naman, kainis! Grr..!! Dahil ako ang cheerleader ng rookie bracket, I need to cheer and yell out for our fellow rookie sa team, ee nag-iisa lang naman tapos si Chard pa. Eeiiww! Magsasayang na naman ako ng boses.
"Go! Galingan mo! Ingat ka, kaya mo yan!"
O-M-G!! Si CRUSH!! Grabe, parang lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Para kong hihimatayin sa kinatatayuan ko. Ang cute, cute mo talaga! LoveYou, mwahmwah chupchup! Ikaw ang dreamboy ko, Xavier Ong! Alam mo kung tayong dalawa lang ang maiiwang tao sa mundo after ng World War III, aprub ako dun! Dadaigin pa natin ang population ng China, for the sake of humanity. Pero kung kaming dalawa ni Chard, damn it! Mas mabuting paramihin ko na lang ang kabayo.
"Go! Galingan mo! Ingat ka, kaya mo yan! Go Clarisse!"
Awwtssu! Dre, yung bestfriend ko pa sa cheering squad, si Clarisse Santos. Hayun, 3years na silang magjowa. Okay lang yan, Francine. Be optimistic! Mag-asawa nga naghihiwalay, magsyota pa kaya! HAHAHA!
"Ouch! Ansakit nun!"
"Ooopss! Franchy, di ko sadya."
"Kaw na naman! Alam mo Chard, namumuro ka na sakin. Bibingo ka na talaga! Kaw kaya mabato ng bola sa ulo?"
"Promise... di ko sadya. Sorry po talaga..."
"W-B-U! W-B-U! Go Hurricane!"
Hayyysss... nako, papaos na naman ako ng wala lang. Mananalo na naman ang team namin. Lalakas na naman ang hangin ng mga Hurricane na ito.
"Go! Go! Go! Chard! C-R-U-Z! Gooo Chard!"
Grabe talaga nakakatulele na ang mga yan! Isipin mo un pinaglalaanan nila ng panahon yang unggoy na yan! Love is blind nga naman, oh! Di naman artista pero, hapit sa fans at followers... ang dami talagang misteryo sa mundo natin ngayon. Ano bang nakita nyo sa unggoy na yan? Kaya lalong lumalaki ang ulo ee..
"Eeeeennkk..!!"
Final buzzer na! Hayun... badvibes. Panalo ang team namin. Lalaki na naman ang ulo ng mga ito. Hahagupitin na naman kami ng malalakas na hangin. Kaya binabagyo ang skul namin ee. Ayun, etsapwera na din kaming mga cheerdancers, panalo na sila e. Balik-balik na din sa locker pagmay-time.
"Hey! Wait lang, ang galing mo kanina!"
Dugdog! Dugdog! O-M-G! Parang pamilyar na boses yun. Grabe, feels like heaven. LORD, sinusundo nyo na po ba ako? Bakit po may anghel na pumapanhik sakin?
"Hey! Wait lang, ang galing mo kanina! Love you Clarisse!"
"Thanks Xave! Love you too!"
Osige! Dito pa kayo sa harapan ko magyakapan, maganada yan. Masarap sa feeling ee.. sige tuloy nyo lang! Nasasaktan ako ee..
"Aahh! Aray!"
"Miss, excuse me."
"Ate, paraan."
"Ayyy, ate sorry po."
OO! Masaya yan ee.. manikin ako ee.. manika lang ako ee. Yung tipong pinagbubunggo ka ng mga basketball players na pawis na pawis. Maganda yan ee.. kalaban ako ee. Hiyang-hiya naman ako, pagkatapos naming magkandapaos-paos para lang i-cheer kayo, ni simpleng thanks you, wala kaming narinig. Gentlemen talaga kayo!
"OUCH! Grabe na kayo!"
"Ayy. Franchy. Kaw palayan."
"Hindee! Hindi ako ito. Hologram ko lang to. Bago kase yun e, Hologram na pede mong itulak tapos tutumba."
"Aray! Grabe ka naman. May tama kaya ako dyan."
"Huwag mo kong tulungan! Marunong akong tumayo. May tama ka pala dyan... pedeng papalo pa ulit?"
"Franchy. Sorry talaga. Di sadya. Sige bye! Tawag na kami sa opis ee."
Grrr! Grabe talaga! Nakakarami na yan sakin si Chard. Sayang Lord, bakit di pa sya nainjured kanina? Di nyo na naman sinagot yung panalangin ko. Minsan naman po pagbigyan nyo nako, please... ang masaklap pa dito pati mga kasama ko iniwan na din ako. Makauwe na nga lang.
"Grabe si RIchard Cruz, kahit rookie palang no?"
"Oo nga e. Sana mapansin nya tayo."
"Hanlupet ng performance ni Cruz kanina!""Kaya tingin ko, pre, malaki pag-asa ng skul natin sa darating pang mga taong gugugulin nyabdito."
"Grabe! Gurl! Kakilig si Fafa Chard kanina!"
"Gurl! Wala ka may picture kami."
"Ayy day! Nakakainggit ka!"
"OMG! Friend! I-Richard Cruz mo ko!""Yeah! Friend! Nakaka-ggv sya!"
"Totally! Friend! Totoo yan. Di sya suplado tsaka ang cheerful nya."
Haaayyss!! Whatever!! People of this campus. Bakit ba kayo humaling na humaling sa mahanging unggoy na yan? Grabe sang sulok ka ng skul pumunta puro Richard Cruz ang usapan! Kainis talaga! Kaya yumayabang lalo ang unggoy na yan e. Kayo ang nagtatanim sa kokote nya ng mga papuri. Mga malalandi, tambay, guards, janitor, kikays, richkid girls, profs, ang bukambibig ay si Richard Cruz. Buti na lang dala ko ang headset ko. Hooaahh... finally narelieve din ang stress sa katawan. Nakakadepress talaga. Buti pa ang music, naiintindihan ako. Buti pa ang musika, di ako iiwan. I want a big cage wherein I can't hear anything from this world. I want myself to be a big sound-proof! Sana makontrol ko ang tenga ko. Sana may close-open principle din tulad ng sa mata kasi may nakakapasok pa din kahit takpan mo ang tenga mo. Para mapili ko lang yung nais kong pakinggan kaya buti pa ang mata, ipipikit mo lang sa mga bagay na ayaw mong makita.
"Haayyy! Franchy! Franchy! Hoyyy!! Fffrraanncchhhyy!..."
Nako si Chard na naman! Grr... hanu be yen! Malakasan pa nga ang volume!
"Beeep! Beeep!"
BOOOOOMMM!!!
Weewoo! Weewoo! Weewooo...