"Ahmm.. 'Tay, hindi ba talaga pwedeng sa Janford ako mag-aral?" sabi ko kay tatay habang nakasakay kami sa ticycle papuntang Crosswell..
Pinababalik kasi kami para daw malaman kung pasadoi ba o hindi sa scholarship.. Oo, hindi kay nagkamali ng basa. Scholarship ang pinag-aapplayan ko. Pagiging scholar ang kelangan kong ipaglaban ngayon dahil kung hindi ako matatanggap, hindi ko alam kung may eskwelahan pang tatanggap sakin. Eh ilang linggo na lang pasukan na..
"'Nak naman, napag-usapan na natin 'to di ba?" Pero dahil napag-usapang na nga. Okay, sabi ko nga, wala na kong magagawa. Sinubukan ko lang naman eh. Ayoko kasi talaga mahiwalay ng school sa mga kaibigan ko. Ako lang kasi yung maiiba sa kanila kung sakali.
"Hoy gaga ! Anong 'kung sakali' ka jan ?! Sinungaling!"
"Haayy !! Oo na ! Manahimik ka jan ! Konsensya lang kita kaya wag mo kong ginagaga-gaga"
Ang totoo kasi n'yan, magkakilala yung Director ng Scholarship Program dito sa Crosswell at ang gwapong gwapo kong tatay. Kaya napakiusapan ni tatay yung Director. At yun ang dahilan kung bakit kahit bagsak ako sa interview eh sigurado pa din na dito ang bagsak ko.
Naiintindihan ko naman kung bakit pinlit nila akong dito makapasok eh. Kasi kung isusundin nga naman nila ang gusto ko, mamumulubi kami. Kumpara dun sa Janford, mas maganda talaga dito sa Crosswell at mas afford ng budget, lalo na't scholar nga ako. Kumukuha kasi sila ng mga estudyante na i-i-scholar na magsasama-sama sa iisang klase sa loob ng limang taon. Oo dude ! 5 years! Isa pa yan sa hindi ko matanggap eh.
"Boss, san po tayo?" tanong nung guard nang papasok na kami ng gate.
"Sa office po ni Sir Lagtao"sagot ni tatay.
"Ay sa scholarship po ba? Sige po tuloy na kayo" Sabi nya na napakamot pa sa ulo. Bumaling siya sakin :Goodluck ineng" sabi nya sabay ngiti. Kaya nginitian ko na lang din, kahit medyo labag sa loob ko. Baka mapahiya eh.
Pagpasok mo pa lang sa bungad ng eskwelahan. Kita mo na ang ganda nito. Hindi ko pa nalibot ang kabubuan nito nung nag-exam ako pero ang sabi, malaki daw talaga. Kaya siguro marami ang may gustong makapag-aral dito, kaya lang... mahal talaga ang matrikula.
"Kitams ! Tapos ikaw nag-iinarte ka pa!"-konsensya
"Haayy ! Oo na! Manahimika ka na pwede?!"
So yun, gaya ng inaasahan, pumasa ako. Sa tulong ng aking GANDA at ANGKING KARISMA, na-
"Hoy! Chai! Tumigil ka jan ha! Wag kang magpanggap. Dahil alam naman ng lahat na WALA KA N'YAN!"-konsenya
"Bwisit! Panira ka talaga kahit kelan!"
Pero seriously? Crosswell na ba talaga? Di ba talaga pwedeng Janford na lang?
--------------
Kinabukasan....
Humahangos ng lumapit sakin sa tatay. "Chai! Chai! May goodnews ako sayo ..... NANALO AKO SA LOTTO!!" oh.my.gulay .... "Talaga 'tay ?!! So ibigsabihin... MAYAMAN NA TAYO ?!!" tumango-tango si tatay habang ngiting-ngiti. "At... At KAHIT SAAN AKO MAG-ARAL OKAY NA SAINYO ?!!! Yeeee-"
"Shems Chai. Malupit ka talaga.. ANG LUPIT MO! NAPAKALUPIT NG IMAGINATION MO !!! HAHAHAHA" Bwisit, panira talaga. "Pwede ba! Hindi yun imagination lang. Yayaman talaga ko. Kahit hindi pa manalo sa lot--"
"Ahmm. excuse me, may nakaupo ba dito?" napatingin ako sa nagsalita. Bwisit, isa pa 'tong panira.
"Ah, wala" sagot ko na halatang walang gana. Grabe naman kasi. Wala man lang ako kahit isang dating schoolmate dito. Samantalang yung iba kong classmate parang ang tagal na magkakakilala. Loner na loner lang ang dating.