Chapter One

41 2 2
                                    


Ano nga bang ginagawa ko rito?

Well... Isang madrama at mahaba-habang kwento.

Mag-uumpisa ako sa araw na inakala ko noon ay ang worst day of my life. Take note, isa akong high school freshman. Kaya kahit hindi naman ganun kabigat ang aking mga problema, dahil bata pa ako, ang pakiramdam ko'y parang pasan-pasan ko sa aking balikat ang buong mundo.

May tatlo akong problema.

Una, nakaapak ako ng tae. 'Yong sobrang baho na kahit dalawang dipa ang layo ko sa short stop ay amoy pa rin. Hindi ko alam kung saan sa field ko ito naapakan pero sumiksik ito sa mga uwang ng aking rubber cleats na kahit ilang kuskos pa ang gawin ko sa pudpod nang damuhan ay ayaw pa rin nitong matanggal. Daig pa nito ang linta kung makakapit.

Pangalawa, bigla na lang umatake si dysmenorrhea, isang karaniwang sakit ng mga nireregla. 'Yong mamimilipit ka sa sakit dahil parang pinipiga ang puson mo palabas ng iyong bituka tapos parang isasaksak ulit ito paloob hanggang sa ika'y maluha. Hindi sana ito problema kung kasalukuyang nagtatawag ang teacher namin ng mag-sosolve ng mga algebraic expressions na nakasulat sa board at kailangan ko ng dahilan para makatakas papunta sa nurses' clinic. Pero malas ko lang dahil wala ako sa Math class. Nasa championship ako - fifth inning - at ako lang naman ang pitcher.

So 'yon, distracted na nga ako sa mabantot na amoy galing sa aking sapatos, parang may binabaong kutsilyo pa sa aking puson habang nakatayo ako sa gitna ng diamond field at hinihintay ng lahat ang bibitawan kong bola.

"Balls!" Sigaw ng umpire.

Kilala ako ni coach. Isang weird na ngiwi ko lang, alam na niyang may mali sa akin. Sumenyas siya at tinanong kung anong problema. 'Yon na sana ang pagkakataon kong sabihing hindi ko na kaya. Kunin mo na lang si Jane at siya na lang mag-pitch muna, sasabihin ko na sana. Pero minsan, hindi ko ginagamit ang kokote ko.

Which leads us to the third problem.

Si Kurt Martin Toledo. Isang senior student sa pinapasukan kong high school. Nakayuko siya habang tinatahak ang mga bulubunduking tuhod ng basketball varsity sa may lower bleachers.

May theory ako tungkol sa "apparition" ng mga crushes.

On a normal day, the chances of meeting crush is inversely proportional to self readiness.

'Yong tipong sa araw na plinantsa mo ang iyong buhok at suot mo ang paborito mong damit, ang hirap hanapin ni crush. Tapos, kapag may tumubong kuliti sa talukap ng mata mo, bigla-bigla na lang susulpot sa hallway at magtatanong pa sa'yo kung may extra ka bang ballpen.

Magpaparamdam na nga lang, wrong timing pa.

Pwede naman siyang dumating ng maaga. E 'di sana andun siya nung pinukpok ko ang bola palabas ng field papunta sa maisan sa likod ng T.L.E. building o 'di kaya nung second inning nung naka-home run ako't lahat ng nasa bleachers ay nababaliw sa kakatili ng pangalan ko.

Pero hindi. Noon pa niya napiling magpaka-late nung wala na akong ibang gusto kundi mahiga na lang sa amoy ebak na damuhan at iwagayway ang aking puting panyo sa langit.

Off topic, pero nagtataka ako minsan kung sinong mokong ang tumawag sa softball ng softball. Sabi nga ng mestisa naming outfielder, there ain't nuthin soft 'bout it. And she's right! Bola pa lang ang pag-uusapan, wala na itong 'sing tigas. Liban na lang siguro sa aking ulo.

'Yup, matigas ang aking ulo. Kaya siguro kahit alam kong ninety nine point nine percent na papalya ang mga ibabato kong bola sa huling inning, nagpumilit pa rin ako.

Kung may time machine lang ako ngayon, ang una kong gagawin ay bumalik sa araw na iyon para batukan ang aking sarili sa gitna ng field sa harapan ng lahat ng mga tao. Hanggang ngayon kasi, hindi ako makaget-over sa katangahan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Munting Regalo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon